Chapter 14: The Date

110 8 0
                                    

Hyacinth's POV

Flashback...

"Mananalo ako sayo, Andrei." Sabi ko sabay shoot ng bola sa ring.

Nasa arcade kami ngayon.

"Pag ako nanalo, kakantahan mo ako dun sa singing corner." Paghahamon niya. Aba! Ako pa talaga ako hinamon niya? Ako pa? Diyosa pa talaga? Haha.

5 minutes later...

"Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw
Ang pinangarap ngarap ko
Hindi ko mahinto
Pintig ng puso..."

Kanta ko sa singing corner. Jusko, ang liit ko kasi dun sa basketball! Diyosa nga ako, hindi naman magaling sa basketball. Kagandahan ko lang ang pwede kong ilaban. Chos.

Di man lang ako naka 20 points dun sa basketball eh! Edi ako na! Haha.

"May boses ka pala. Kakagulat." sabi niya saken after kong kumanta.

"Mas magulat ka kapag wala." Sagot ko

"What I mean is, maganda ang boses mo." Sabi niya. I think my heart skipped a beat. Kinilig ako eh!

(Otor: Boses lang daw ang maganda. Hindi mukha.)

Parehas na din yun bwahaha!

"Gee thanks." Tangi kong naireply sa kanya kahit sa kaloob-looban ko ay gusto kong sumigaw para ilabas ang kilig!

To hide my blushing face, tumingin-tingin lang ako sa paligid and guess who I found? Si Jerica at si Nico. And ang cute nung scene na nasa harapan ko. Jerica is saving Nico from a bully! And by the looks of it, takot na si Bully kay Jeca.

Nung umalis na yung lalaki, tiningnan ni Jeca si Nico, na ayaw tumingin kahit kanino. Tumabi saken si Andrei, pinapanood nya din yung little sis nya.

May naramdaman ako around my shoulders, arm niya! Inaakbayan ako ni Andrei!!! ASDFFGHJKL!!! Okay, heart. Kalma.

Tiningnan ko ulit sila Nico at Jerica. At nag fangirl ako ng todo. Kinakantahan ni Jerica si Nico. May audience pa. Song choice? They Don't Know About Us. 1D talaga?

Nung pahuli na, sinabayan nila si Jeca. Pati na si Andrei. Pero feeling ko ako yung kinakantahan ni Andrei. Assuming? A girl can dream naman diba?

"They Don't Know About Us~ " Tinapos ni Jerica sabay kiss sa cheek ni Nico.

Sobrang cute. As in. Pumalapak lahat ng tao.

"Hi fans." Sabi ni Jerica sabay kaway sa mga fans niya. Tawa sila lahat. Umalis na yung mga tao nung umalis yung dalawa. Hay, nakakainggit yung dalawang yun. Match made in heaven. Sana kung magiging kami ni A- nevermind.

After that, nanuod kami ng movie!!  Drama and romance yung pinanuod namin.

She's dating the gangster! Kung buhay to ni Andrei ang title ay...

He's dating the beautiful, gorgeous, amazing, adorable, stunning, Hyacinth!

(Author: Masyadong mahaba. He's dating the small girl na lang)

Bad otor. Haha.

Basta yung pangyayari parang ako yung si Daniel Padilla kasi pinagaagawan ako ni Jem at Andrei haha.

Edi ako na ang feeler!

Tapos ewan ko kung sino si Jem at Andrei haha

Baka si Andrei yung mamamatay pero siya parin ang first love ko. Si Jem na lang ang true love ko at ang magmamahal sa akin sa huli.

Pero syempre, joke lang yun. Madami pa kasi ang dadating sa buhay ko haha.

Lumabas kami ni Andrei sa mall tapos nakakita kami ng wishing well. Ang daming piso pero mas marami yung kakaibang coin.

Jusko, naalala ko nung bata pa ako.

Kinukuha ko ung mga pera sabay bili ng kendi kay aling Nenay. Sarap bumalik sa pagkabata.

Aalis na sana kami nang biglang nag suggest itong kasama ko.

"Wish tayo" Sabi niya sabay smile.

"Ayoko nga." Saad ko.

"Please~" pagmamakaawa niya. Jusko, wag kang magpuppy eyes! "Please, *puppy eyes*" Oh shet. Kacute!

"Fine." Sabi ko na parang pilit kahit sa loob-looban ko gustong gusto ko. Aba! Sabi ni Inay magpabebe daw kahit minsan.

Binigyan ako ni Andrei nung kakaibang coin. Pang ibang bansa ata.

"This is one shot kaya hilingin mo na ang best wish mo." Sabi niya ng seryoso. Shet, kala ko joke lang eh.

Naunang magwish si Andrei. Pinikit niya ung mga mata niya sabay bulong nung wish niya.

At dahil dakilang bulong iyon, di ko narinig.

Ako kaya, anong hihilingin ko?

I closed my eyes. Chos, nag english ba naman?

Sana, makita ko na si The One. Pag tagpuin naman sana ang landas namin. At kung si Andrei man yun, sana maging tapat siya. Ayaw ko kasi ng manloloko. Sawa na ako. Pagod na.

Minulat ko yung mata ko at nakita ko si Andrei na nakatingin saken, habang nakasmile.

"Bakit? Narinig mo wish ko?" Kung narinig niya, pakamatay na lang ako kasi nakakahiya talaga. Tungkol sa lovelife pa naman ang wish ko!

"Hindi." Jusko, buti naman.

"Pero narinig ko ang pangalan ko." Sabi niya then he smirked.

Lupa, kainin mo ako! Grabe.

"Let's get going. Hatid na kita" Sabi niya.

Nung nakarating na kami sa bahay, nagsalita na ulit siya. "Thanks for today. Thanks for everything."

At sa kilig ko naman kasi kumindat siya, tinext ko si Jeca.

For pete's sake! He winked at me! Para saken yun! Unless na lang kung may multo akong kasama diba?

To: Jeca

Kinikilig ako Jeca!

Nag reply din siya agad.

From: Jeca

Why?! Tell me everything! Tell me!!

At kinuwento ko nga lahat sa text. Pati na din yung sa wishing well.

From: Jeca

I don't know why pero madalas siyang pumunta sa well na yun. Tapos naglalagay siya ng coin from another country. He's wishing a thing I don't know but one thing's for sure. He wanted his wish to be fulfilled.

What was he wishing?

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon