Chapter 23: WEIRD... Again

90 10 3
                                    


Flahsback...

Hyacinth's POV

"Waahhhhhhhh!"

Okay, ako yan haha. Nasa horror roller coaster ride naman kasi ako... Kasama si drei.

At itong magaling kong boyfriend ehem, yung tawag ko baga.

Vini-videohan lang naman ako netong magaling kong boyfriend.

"Haha sige lang, sigaw ka pa." Sabi ni Andrei.

Langya sisigaw talaga ako.

"Shit! Shit! Shit! Ano un?!?! Gawd! Mommy! Daddy! Gusto ko ng umu- Langya! Ay! Ano yan?!?" Sigaw ko.

At alam niyo yung nakakainis?!

Yung moment na utas na sa kakatawa itong katabi ko.

"Bwahahaha sige pa sige pa." Sabi pa niya.

"Ihhh, Andrei, tama na ang video! Napaka epic na ng mukha ko tapos inilapit mo pa kanina edi ang laki na nung mukha ko?! Tsaka-shit! Ano ga yan?! Itigil niyo na ito! Langya!"

May kamay na bigla na lang manghahamblot sayo. Walanjo.

"Just hold on me tight. I won't let you go..." Sabi niya. Jusko, humugot pa ang isang to eh! Sarap ibulsa.

Hahaha grabe.

Nung kumapit na ako sa kanya, parang mas safe na. Parang bumagal na ewan yung oras. Wala na akong pake sa mga humahablot saken.

Masyadong nakuha yung atensyon ko dito sa gwapo kong katabi, jusko. Kasalanan ko bang ma-in love sa ganito kagwapo?!?

"Punta lang ako sa kotse, kukunin ko lang yung bag mo." Sabi niya tapos hindi pa siya nakakalayo ay nagtanong na agad siya.

"Uhh, Hyacinth, ano nga uli kukunin ko?" Tanong niya. Shit, kagwapo pa rin niya kahit nagjojoke siya haha.

"Yung bag." Sagot ko. "Ay oo! Nalimutan ko eh." Sabi niya.

Hindi naman makakalimutin ang boyfriend ko ah. BOYFRIEND?!? BOYFRIEND?!?

Hindi talaga ako makapaniwala jusko! Ahhaha para talagang nangyari ang lahat kahapon.

Yung tipong, hinampas ko siya ng locker ko ng paulit ulit. Naks, thank you locker, ikaw ang naging tulay sa aming dalawa ni Andrei. Ahahahah

Keleg much be like.

"Oh eto na yung wallet mo." Sabi niya sabay abot ng wallet ko. "Uhhh, Andrei? Sabi ko yung bag ko hindi yung wallet." Sabi ko.

"Right!" Sabi niya sabay takbo pabalik a kotse.

Seryoso, anong nangyari dito?

Bumalik siya sabay abot ng bag ko. "Andrei, okay lang ba?" Tanong ko.

"Y-Yeah, i just feel kinda weird." Sagot niya. Hindi na lang namin pinansin yun tapos naglaro na lang kami.

Nakita ko yung machine na kumukuha ng doll.

Naubos ko yung token ko dahil dun and worse .. Wala akong nakuha na doll! Kahit yung pipitsugin na isa dun! Kahit yung pinakapanget man lang hindi ko nakuha.

"Tsk, tsk... Tabi ka nga... Dadaan ang eksperto." Sabi niya then less than a minute, may toy na siyang hawak.

Ehem... Expert na nga siya! Edi wow!

"Ang cute mo! Ang cute mo talaga!" Sabi ko dun sa stuff toy na pinangalanan kong, i mean namin, na -DreiCinth-

Shet, kahinaan ko ang mga cute haha

"Sino mas cute? Itong si DreCinth o si Andrei?" Tanong ni Andrei.

"Syempre si... DREICINTH!" Sabi ko sa kanya tapos bigla siyang nag emote.

"Hindi tayo kakain dahil mas cute si DreiCinth. Kung sino mas cute, siya magbabayad ng pagkain." Sabi ni Andrei.

"Kasi Andrei, hindi ka cute-"
Sabi ko tapos pinutol niya. Parang si Demi to eh!

Speaking of the devil, siya'y namatay na. Sumalangit nawa ang kaluluwa niya, joke! Matagal mamatay ang mga magaganda! Haha

So lumipat na siya ng school!

"So wala ngang pagkain-" Sabi ni Andrei na pinutol ko!

"Saglit naman! May sasabihin ako! Importante!" Sabi ko.

"Okay, game." Sabi niya.

"Hindi ka cute kasi gwapo ka bro. Gwapo. Tsa- wait bwahahaha bakit ang pula ng tenga mo?? Kilig ka sa sinabi ko? Lakas talaga ng epekto ko!" Sabi ko sabay flip ng hair.

"Aray naman. Natamaan ako ng buhok mo." Reklamo niya. Nag flip ako ng hair tas napalakas kaya natamaan siya.

"Oh, edi ikaw na ang gwapo." Sabi ko sa kanya.

"Oh, edi ikaw na ang ililibre."

(A/N: umulan man o bumagyo, tuloy tuloy ang update ko!!! Walang pasok kaya walang exams!! Wohoo! Haha. Stay safe readers! I'm okay guys! Wohoo! Para naman may nagcacare kay author! Awww nga pala, sabi po ng bestfriend ko, kung bakit daw yung ilang parts dito ay nangyari sa totoong buhay?! Hahaha linawin ko lang. Oo na, INSPIRED AKO. Inspired by BESPREN CJ!! Haha i mean inspired sa friendship!! Kasi lagi akong humahalakhak pag kasama ko tong lalaking to. So yun! Ahah stay safe~ =)

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon