The End

146 13 20
                                    


Flashback...

Jericho's POV

"Hi Paulyn!" Bati ko sa kanya. Maganda, mabait at matalino. LAHAT NASA KANYA NA!

Kaya ako ay niLOVEnat sa kanya. Loyal ako! Ilang years na ba? Ewan ko basta madami na! And counting...

"Hi din Jericho." Sabi niya sabay iwas.

May problema ba to? Iniiwasan niya lang naman ang pinakacute na tao sa mundo. (Namely Jericho)

"Paulyn! Paulyn! Paulyn!" Tawag ko sa kanya tapos tumingin lang siya, nag nod then she looked away.

"Paulyn! Iniiwasan mo ba ako? Paulyn! Paul-" tawag ko sa kanya pero naputol.

"Oo! Kasi hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon! Everytime that our eyes met I feel my body was about to palpitate! I don't know what is happening to me and it is freaking me out! Crush na nga ata kita eh! Tapos h-" Sabi niya na naputol. Gawa ko haha

"Talaga?" Dun niya lang na realize na nasabi niya na crush niya ako.

"May hidden agenda ka pala saken eh!" Sabi ko sabay tulak sa kanya. Yung mahina naman. Baka tumalsik yung mahal ko, nako, mahirap na.

Nagblush lang siya.

Na realize ko na may mga bagay at tao na worth pagtiyagaan at hintayin.

And that's her.... Paulyn.

Maxinne's POV

"Max, tayo na."

"Ha? Tayo na?"

"Sabi ko tumayo ka, malanggam diyan."

O////O

"Pero kung gusto mo, tayo na din. Basta ikaw ang manligaw."

"Walanghiya ka Carl Steven Katigbak! Ihanda mo ang mukha mo mamaya! Tatamaan ka talaga saken!"

Present time...

Hyacinth's POV

Nakarating din ako sa dati naming classroom. Naks, wala siyang pinagbago. Makulay pa din.

"Hyacinth!" Sigaw ni Jem sabay yakap saken. Nandito yung mga classmates ko dati.

"Musta ka na?" Tanong nila saken.

Kamusta na nga ba ako ngayon?

F♿️🅰💲♓️🔙...

"Isang lalaki ang sinugod sa ospital matapos makabanggaan ang isang motor na sinasakyan ng isang babae. Unidentified ang identity ng babae matapos umanong tumalsik sa kabilang kalsada. Nakasakay ito sa isang pink na motor. Dead on arrival ang sinapit nito. Inaalam pa ng mga pulis kung ano ang totoong nangyari. Sa kabilang banda, sinugod sa ospital ang lalaking nagmamaneho ng Mercedes Benz na kinilala bilang si Andrei Laylo. Isinugod siya sa Harrington's Hospital. Ma-"

Hindi ko na pinatapos ang balita at sumugod sa nasabing ospital.

Wala na akong pake kung nakapangtulog pa ako, wala akong pake kung isang tsinelas lang ang nadala ko. Sinugod ko ang ospital.

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon