Chapter 6: Drugs

115 13 0
                                    

Hyacinth's POV

Grabe, first time kong mag cut. 😂Salamat sayo, ex-boyfriend, naransan ko, kung paano maging malaya. Kahit pansamantala lang, kahit hindi permanente.

Flashback...

Gusto kong tumanggi na mag cutting tayo, pero bakit hindi ko ginawa? Siguro part of me want this.

Papunta kami sa ice cream parlor haha.

"Bilisan mo! Ano tingin mo saken? Bubuhatin ka?" Pang aasar niya.

"Oo." Sabi ko sabay takip ng bibig ko. 😷

Kailan pa ako nagka ganito?? Yung bigla-bigla na lang nasasabi ung nasa isip ko?! "Joke! Ako? Magpapabuhat sayo? In your dreams!" Pag dedefend ko sa sarili ko. Jusko, ang pride of being a diyosa ko ay in danger.

He chuckled. "Baka in my nightmares!" Sabi niya.

"Grabe ka! Ano tingin mo sa akin? Baboy?!" Hysterical na tanong ko sa kanya.

"Bakit? hindi ba? All this time akala ko baboy ka." Sabi niya then he grinned. 😏

Sus, wagas makapang asar neto, kala mo naman naka move on na haha 😂😂

Nakarating na kami sa ice cream parlor. Magbayad ka lang ng 100 bahala ka na sa ice cream mo. Basta kapag umabot sa limang toppings ang nagamit mo, bayad ka ng extra 100.

Grabe! Ang sarap ng ice cream!

"Staring is rude." Saway niya sakin. De ja vu lang ang peg naming dalawa.

"Edi kotang kota ka na... Titig ka kaya kanina kay Drea at Kyle." Asar ko sa kanya sabay kain ng ice cream.

At least totoo yung pang aasar ko! E ung pang aasar niya na baboy ako? Hindi! Nasan ang hustisya! Nasa baboy? Lol!

"Iba yun, iba kasi ang pagtitig mo saken. Sabihin mo nga, trip mo ako noh?" Sabi niya. Jusko, kailan pa to humangin? Parang kanina lang, lungkot na lungkot siya kasi hindi tinanggap ni Andrea ang ferero na galing sa bulsa ko!

"Wow ha? Di ako nainformed na sobrang hangin mo pala. Kumanta sana ako ng let it go para may pang laban ako." Sagot ko.

Not literally sagot kasi di naman ako sumagot haha talino ko talaga.

"Tss. You didn't answer my question." Sabi niya sabay cross arms. Ew. Di bagay sa kanya mag cross arms haha. Alam mo yun? Ang pagcocross arms kasi ay para dun sa mga wattpad charcters na cool at mga englishero. Isama mo na din ang pagiging cold nila. Diba? Anyway, back to the story.

Lol galing makapansin. Atat much?

"Nag shabu ka ba? Syempre hindi! Pag ako nag drugs baka pwede pa! Hahaha."

Andrei's POV

Saan ba nakakabili ng drugs ngayon? ❤️

Jem's POV

Wow. Sarap ng buhay ko ngayon. Ang tahimik. Wala kasi si Yvette. Alam niyo naman kasi ang bunganga non, dinaig pa ang armalite. Sobrang ingay. Mangha na nga ako kasi hindi siya nauubusan ng masasabi.

Hay, nasan na kaya yung babaeng yun?

Ay tanga lang pre? Kanina sinabi ko na ang sarap ng buhay ngayong wala siya tapos ngayon hinahanap ko siya. Nababaliw na nga siguro ako.

Hanapin ko na kaya siya? Baka napano na yun.

Ugh! Tingnan niyo girls kung anong ginagawa niyo sa aming boys. You're driving us insane.

Hay, dito na lang ako. Yaan na yun. Mas masarap dito. Mas-

"Hi Jem!" Sabi ni Patrick sabay lapit sakin.

"Yow Bebelabs!" Tawag sakin ni Archie.

Siguro, better kung kasama ko si Yvette. Eh kasi, halos lagi ko ng kasama itong mga to kaya nagsasawa na ako sa mga pagmumukha nila. Buti pa si Yvette, kahit kasama ko lagi, hindi nakakasawa ang mukha.

(Otor: Grabe. Nandidiri ako kay Jem. Pero for the sake of the story, let's do this.)

Huwaaw, otor. Ikaw pa talaga ang nay ganang mandiri.

(Otor: opcors.)

"Hoy nasan si Yvette?" Tanong ko kina Patrick at Archie.

"Ha? Diba, nasa airport siya? Alam ng buong klase tapos ikaw hindi alam? Hahahar har." Sabi ni Archie at umexit na.

"Alam mo, malapit na akong mag isip na gusto mo yun." Sabi ni Patrick.

"Ako? Gusto ko yun? Yung babaeng armalite ang bunganga? Haha You got to be kidding me. Ang mga type ko ay yung mahihinhin at pero funny at the same time." Sabi ko kay Patrick.

"Alam mo, yang mga type type na yan, walang kwenta din yan. Kasi tol kapag tinamaan ka na, tinamaan ka. Mahal mo kahit panget, kahit boyish, kahit palamura. Mahal mo na."

Teka nga? Si Patrick ba to? Bakit ganito?

"Kasama mo si Yvette kanina ano?" Sabi ko. Well, kapag kasi bigla kang naging hugotera o hugotero, madalas dahil kay Yvette. Tinatawag ko itong Yvette syndrome. Lol. Haha. Tawa kayo.

"Ha? Hehe. Sabi niya daw huwag kong sabihin sayo." Sabi ni Patrick.

"Ha? Eh bakit naman?" Tanong ko.

"Eh kasi tinutulungan niya si Andrei kay Hyacinth ngayon." Sabi ni Patrick at nagkamot pa ng ulo.

"Tsk. Tsk."

Andrei's POV (Fifteen minutes ago...)

"Anong gagawin ko para magka quality time kami ni Hyacinth? Yayayain ko siya sa Sabado?" Tanong ko kay Yvette.

"Nope. Kapag sa Sabado pa, maraming pwedeng mangyari. Baka di siya payagan o baka biglang bumagyo." Sagot niya.

"Eh anong gagawin ko?" Tanong ko.

"Simple lang. Mag cut classes kayo." Sabi niya with her evil smile.

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon