One

157K 2K 59
                                    


Naniningkit ang mga mata ni Colyn habang tinitignan ang isang partikular na tao. Isang taong matagal na niyang nakilala at nakasama. Isang taong kinaiinisan niya. Isang taong nakangiti ngayon kasama ang mga kaibigan niya. Isang taong nagngangalang Jeremiah Santillan. Jeremie for short.






Ang kaisa-isang taong minah--







Yeah,she's really pissed off with that dude.





"Matunaw naman si--"



"Hindi ko tinitignan si Jeremie."





Pinutol na ni Colyn agad ang sasabihin ni Mitch.





"Si Mico sana ang sasabihin kong pangalan pero mali pala ako." natatawang sabi ni Mitch.





She just rolled her eyes. She knows very well that Mitch is really pertaining to Jeremie. Nakakainis lang dahil simula nang bumalik siya sa Pilipinas one year ago ay ganito na ang nangyari. Dati rati ang mga isa't kalahating gago lang na magbabarkada ang nang-aasar sakaniya ngayon nadagdagan ng dalawa pang tsismosa.





"C'mon Colyn,sa amin ka pa magtatago eh alam naman namin na si Jeremie talaga ang tinititigan mo. Ano ba kasi meron sainyo besides the fact na mag-ex kayo?" tanong nang bagong upong si Erin.





Yes, sina Mitch at Erin ang nadagdag sa mga taong nambubuska sakanya.





Actually she doesn't care at first dahil nung una parang wala lang sakanya pero habang tumatagal parang nagiging... Ugh! Ayaw niyang mag-isip nakakastress.





"Uhm..pwedeng mortal enemy ko siya." sagot niya sa tanong ni Erin.



"Yeah right." nakangiting sagot ni Erin.





Mitch,Erin and her are best friends. Pinakilala kasi siya ni Mitch kay Erin and ayun nag-click naman sila kaya naging madalas ang paglabas labas nila at doon na nabuo ang friendship nila. Tapos magkukumare pa sila dahil sa pagiging ninang nila sa kambal ni Mitch.





"Pero naku-curious talaga ako eh, ano ba ang nangyari sainyo ni Jeremie at nagkahiwalay kayo?" seryosong tanong ni Mitch.





Memories of the past flashed back in her mind. No. Ayaw niya pang maalala ang mga iyon. Masyado pang masakit. Buti nalang talaga umaayon ang tadhana at swerte sakanya dahil nakaligtas siya sa pang-iinterrogate ng mga kaibigan sakanya dahil bigla nalang dumating ang barkadang puro isa't kalahating gago sa table nila.





"Are you having fun?" tanong ni Mico.



"Yeah,ganda nitong bahay mo ah!" sabi niya kay Mico.





Nasa bagong bahay sila ni Mico. Blessing kasi kanina at ngayon ay naisipang magparty sa malawak na garden niya. Medyo kumokonti na nga ang mga tao.





"Pogi ako eh!" sagot ni Mico na ikinatawa nalang ng lahat.



"Hoy Colyn! Ligtas ka nanaman pala ah! Kainis." biglang sabi ni Erin.



"Ligtas saan?" tanong ni Dylan na ngayon ay nakaupo na sa tabi ni Mitch at inakbayan ang asawa. One month na ang kambal nung isang araw at na kay Lola Marga ang mga ito ngayong gabi.



"Eh paano,ini-interrogate namin iyan pero bigla naman kayong sumingit kaya buti nalang dahil si Jeremie nalang ang tatanungin namin!" sabi ni Mitch at hinarap si Jeremie na busy sa kakalikot ng maliit na halaman sa gitna ng lamesa.



The EX Effect [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon