Fifteen

85.1K 1.2K 24
                                    


"We.just.had.sex"


"UGHHHH!!"

"Hoy Colyn ano'ng problema mo jan?" puna ni Mitch.

"Wala."

"Ano'ng wala? From the time na dumating ka galing dun sa shoot niyo nagkaganyan ka na, ano ba nangyari?" Sabi naman ni Erin.

Napahinga nalang ng maluwag si Colyn sa mga sinabi ng mga kaibigan niya. Dalawang linggo ng nakakalipas simula nang makauwi sila ng tuluyan sa Manila. Dalawang linggo narin siyang namromroblema at hindi mapakali dahil sa sitwasyon nila ni Jeremie. Eversince that encounter between them, Jeremie avoided her as much as possible. Hindi na ito tulad ng dati na kinukulit siya, being vocal about what he thinks. Pero after that stupid encounter, it turned upside down, and somehow it felt wrong for her.


Pero 'di ba dapat lang siyang matuwa? Now Jeremie's out of her sight, 'di ba iyon naman talaga ang gusto niya right from the start?


"Earth to Colyn! HELLO!" Sigaw ni Erin sa kanyang tenga. Napaurong nalang siya sa nakakabinging boses ng kaibigan niya.

"Ano ba! Makasigaw ka naman!"

"Eh kasi naman po, kanina pa kami dada ng dada dito pero ikaw, ayan nakatulala. Umamin ka nga Colyn, may nangyari ba sa'yo sa tatlong araw na nawala ka?" Mapagsuspetyang tanong ni Mitch sakanya.

"I told you wala nga!" Inis na sabi niya rito.


Imbis na sumagot, tinignan lang siya ng dalawang kaibigan niya habang siya tinuon nalang ang pansin sa pagkaing nasa lamesa. Nang malaman ng dalawang kaibigan niyang nakauwi na siya sa Maynila ay mabilis na sinundo siya ng mga ito sa kanyang bahay at kinaladkad sa malapit na restaurant. Pero malas nila, dahil wala siya sa mood magkwento at wala siyang balak magkwento.

"Haayy, okay. I get it now."
Biglang sabi ni Mitch.

"What?" Tanong naman ni Erin.

"Kahit ano'ng pilit natin sakanya para magkwento, hindi iyan magsasalita dahil hindi natin mapipilit ang taong ayaw talaga." Seryosong sabi ni Mitch. "I just want to say that we're here Colyn, kung ready ka na alam mo naman ang number namin ni Erin you can call us anytime."

Pagkasabi nun ay tumayo na si Mitch at hinila narin patayo si Erin pero bago makaalis ay may inilapag na invitation si Mitch sa lamesa. Tinignan lang ito ni Colyn.


"Pinabibigay ni Vin. Birthday niya tomorrow right? Sa Bar ni Jeremie gaganapin. Be there."


Pagkasabi nun ay tuluyan nang umalis sina Mitch at Erin leaving her alone staring that invitation.


"Why does life have to be so unfair?" Colyn whispered to herself.

----

Blend 'n Mix


Nagdadalawang isip si Colyn kung papasok ba siya o babalik nalang sa kotse niya at magkukulong sa bahay niya.

Tumalikod na siya at naglakad pabalik sa parking lot nang biglang makasalubong niya ang taong laman ng isip niya ng dalawang linggo nang nakakalipas.


She was about to greet him pero bigla nalang siyang lagpasan nito na para siyang hangin. She was frozen to where she stand. Did Jeremie just ignored her? Hindi alam ni Colyn pero parang nag-iinit ang sulok ng mga mata niya dahil sa rejection na nararamdaman niya. Ito ba? Ito ba ang naramdaman ni Jeremie nang sabihan niya itong casual sex lang ang nangyari sakanila?

"I'm sorry Colyn, but we have to end this."

That line came rushing through her mind. Anger built up within her. At ito pa ang may ganang magalit sakanya?! Pero in fact, she's the one that should be mad, no, furious.

She turned around, and walked her way inside his bar. Maingay,mausok,nakakasilaw, nakakahilo-- just like how other bars should be. Pero hindi sa gabing ito. Different persons dressed up formally was with their own group blabbering something that they know. A harmonious melody was being played by an orchestra in the corner making the atmosphere seem relaxing.


"Colyn!" She looked around the person who called her and it was Mico.

Lumapit siya rito, she can say that for a haciendero, nagmukhang kagalang-galang si Mico sa suot nitong tux. Good thing, sinunod niya ang dress code na nakalagay sa invitation. She's wearing a long silver metallic dress with a V-bare back cut that gave emphasis to her curves and of course the dress was made by her which she is truly proud of.


"Ganda natin Col ah, iyan ba epekto ng dagat sa'yo?" pang-aasar sakanya ni Mico. Binabawi niya na ang pagpuri kay Mico kanina, kahit ano'ng disenteng damit ang isuot nito, baluktot parin ang ugali.

"He-He, sorry hindi kita pupuriin."

"Eto naman,asar ka agad. Pero di nga, ang ganda mo nga ngayon."

"Cut the crap Mico, bumalik ka nalang sa rancho mo."

"Pagkatapos na ng party. Tara na, nandoon table natin."


Hindi na nakaalma pa si Colyn, dahil hinila na siya ni Mico palapit sa table nila. Sa malayo, tanaw na niya ang mag-asawang Dylan at Mitch, katabi ni Mitch si Erin, si Marco naman katabi ni Dylan, pero nagtaka siya sa dalawang tao na nakatalikod sa direksyon nila. She perfectly know that the other one is Jeremie, but the girl beside him..


"Nandito na pala sila eh! Mico, Colyn here!" tawag sakanila ni Dylan.

Colyn saw the knowing look of Mitch and Erin. Nang makalapit na sila sa table, umupo na si Mico sa vacant seat sa tabi ni Jeremie habang siya ay walang choice para umupo sa tabi ng babaeng gusto niyang kamuhian.

"Hi Colyn." the woman said.

Colyn gulped, took a deep breath and smiled at the lady.

"Hi din.. Colyn."

------

Follow @kendeyss
(Twitter/IG/Ask.fm)

The EX Effect [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon