Tahimik. Walang imikan. Parang mga pipi. Ayan sila Colyn at Jeremie ngayon.Nandito sila sa photo shoot ng kambal. Kung hindi lang naman dahil sa malapit sila sa kambal ay hindi sila mapapayag ng mga ito eh. Kasalukuyang nasa loob sila ng rest house ng mga ito sa Puerto Prinsesa. Mga tatlong araw rin sila rito kaya bago pa sila pumunta rito ay samu't saring bilin ang ginawa ng dalawa sa mga empleyado nila. Si Colyn para sa botiques nito at si Jeremie naman ay para sa ma restaurants at bars nito.
"Magkape ho muna kayo, medyo malamig ang panahon ngayon." sabi ng kasambahay ng kambal at tsaka inilapag ang dalawang tasang kape sa may center table.
Nasa may opisina kasi ang kambal dahil may biglang tumawag sa mga ito kaya kinakailangan muna nila itong sagutin.
Lingid sa kaalaman nina Colyn at Jeremie na ang kausap ng kambal ay isang taong malapit na malapit sa kanilang dalawa.
"Kamusta na ho sila?" tanong ng tumawag sa kambal.
"Ayun, wala paring imikan. Nakakalungkot nga eh." Sagot naman ni Mama Lulu.
"Ano kayang nangyari sa mga batang iyon? Nakakapanghinayang lang." segunda ni Nanang Lourdes.
Nakaloudspeaker ang telepono kaya parehas nilang naririnig ang kausap.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawala ng tumawag bago ito magsalita.
"Sana magkaayos sila sa pagkakataong ito. Kahit hindi man manumbalik ang pagmamahalan nila. But I have a strong feeling that their love for each other is still there. They are just cowards."
"We think so too, so paano ba iyan, natatagalan na kami. Malamang panis na ang mga laway ng dalawa sa labas dahil alam kong hindi nag-iimikan ang mga iyon." natatawang sabi ni Nanang lourdes.
"Osige po. Balitaan nalang tayo."
"Oo naman hijo. Sige, bye, Marco." pamamaalam ni Mama Lulu.
Simula ng opening ng botique ni Colyn na 'Menvasion' ay madalas magkatawagan ang kambal at si Marco. Nakilala narin ng kambal ang barkada nina Jeremie at Colyn at sakanila nga nila nalaman ang kinahinatnan ng relasyon ng dalawa.
Hindi nila alam na hiwalay na ang dalawa. Akala pa naman nila na ang mga ito na ang magkakatuluyan hanggang sa huli kaya dapat talaga hindi magsalita ng tapos. Nang tinanong nga nila kung ano ang dahilan ng hiwalayan ng mga ito ay walang nakasagot sa magbabarkada dahil wala talagang nakakaalam.
Siguro dala ng kyuryosidad, napagkasunduan nilang lahat na paglapitin ang dalawa. Hindi dahil sa trip lang nila o dahil sa curious lang. Kundi dahil sa nakikita pa nila na meron pang pag-asa.
Lumabas na ng opisina ang kambal at pinuntahan na ang dalawa.
"How's the place?" tanong ni Mama Lulu.
"Beautiful. I didn't know na may bahay pala kayo rito." sabi ni Colyn.
"Well, napagtripan lang bilin ni Lulu ito." sabi naman ni Nanang Lourdes.
"Kailan po pala tayo magsisimula?" tanong ni Jeremie.
"Bukas na. Bukas pa naman darating ang mga crew eh. Tsaka mamasyal muna kayong dalawa. Nasa itaas ang mga kwarto ninyo. Dalawa lang naman ang kwarto sa itaas eh." paliwanag ni Nanag lourdes.
BINABASA MO ANG
The EX Effect [Fin]
General FictionBarkada Series #2: Jeremiah Santillan. Colyn wanted to escape her nightmare pero paano kung lagi nalang sila magkasama ng nagbigay sakanya ng 'nightmare' na ito. Worst, hindi niya kaya pang itaboy ito. Story cover by ylyssa (@emwaaay_) from twitter...