Thirty four

72.7K 1.2K 54
                                    





Tanghali na nagising si Jeremie dahil narin siguro sa pagod at puyat niya. Kung hindi pa kumalam ang sikmura niya ay siguro mamaya pa siya magigising.

Agad naman siyang tumayo at pumunta sa kusina at nagsimulang magluto nang kahit ano'ng makita sa ref niya. Ni-remind narin niya sa sarili na mag-grocery mamaya dahil sa sobrang dami ng trabaho niya ay nakakaligtaan niyang mag-stock ng supply ng pagkain sa bahay niya.

Matapos kumain ay dumiretso na siya sa banyo at naligo. Nabuhay ang espiritu niya nang tumama ang malamig na tubig sa katawan niya. Ngayon, tuluyan na nga siyang nagising.

Habang tinutuyo niya ang kanyang buhok gamit ang isang maliit na tuwalya ay kinuha niya ang kanyang cellphone sa gilid ng kama niya.

May ilang texts siya mula sa mga kaibigan niya. Una niyang binuksan ay yung text ni Dylan.

'Oy mga gago! Maraming salamat sainyo kagabi. Okay na kami ni misis. Love you all! :* Hahaha'

Hindi nalang niya ito nireplyan at iniscan pa niya kung sino pa ang mga nagtext sakanya. Napatigil siya nang makitang nagreply sakanya si Caira mula sa text niya kagabi rito.


'Okay, I'll be there. I love you Jeremie.. So much'

Napapikit nalang ng mata si Jeremie.

Bakit ba mas pinahihirapan mo pa ako, Caira?

Siyempre mahirap para sakanya na saktan ang isa sa mga babaeng naging mahalaga sa buhay niya. Caira is like his little sister. Bakit kailangan pa kasi nilang malagay sa sitwasyong ito?

Napabuntong hininga nalang siya ng malalim at tsaka naisipang magbihis na at pumunta sa 'Food Bowl' para magtrabaho. Doon siya madalas ngayon pumunta dahil minominitor niya ang feedbacks ng customers niya sa bago nilang dish.

And also, he wants to keep himself busy before the evening starts. Alam niya na mamaya ay malaking hakbang ang magagawa niya. At sana umayon lahat sa gusto niyang mangyari.




-------

Pagsapit ng five pm ay pumunta na si Jeremie sa bahay ng magulang niya. Sinalubong naman siya ni Manang Helena, siya ang mayordoma ng mansyon ng magulang niya. More than ten years narin ito nagtatrabaho sa pamilya niya kaya naman hindi rin ito mabitawan ng mama niya dahil napamahal narin ito sakanila.

Wala narin namang pamilya si Manang Helena kaya ang mga Santillan na ang itinuring nitong pamilya.


"O hijo, napunta ka ata rito?" takang tanong sakanya ng matanda.


Nilapitan niya ito at hinalikan sa pisngi.


"May pag-uusapan lang po kami. Nandiyan na po ba si mama?" tanong niya rito.


"Aba'y wala pa sila ng papa mo. Hindi naman ata nila alam na pupunta ka."


"Hindi nga po. Itetext ko palang po sila mamaya. Ah, manang pakitawag ang ibang kasambahay, pakikuha sa kotse ko yung ibang pinamili ko. Ako ho ang magluluto." sabi niya.


Agad namang tumalima si Manang Helena kaya naman mabilis din nagsikilos ang ibang kasambahay na dalhin ang mga pinamili niya sa kusina.


Sinadya niya talagang hindi ipaalam sa magulang niya lalo na sa mama niya na pupunta siya sa mansyon. Dahil alam niya na kapag sinabi niya iyon ay madaling makakalusot ang mama niya mula sa gusto niyang pag-usapan. Sasabihin nitong may meeting kuno ito o kaya'y bigla nalang aalis ng bahay para hindi sila mapang-abot. Ganoon ang mama niya, basta kapag sinabi niyang may gusto siyang pag-usapan nila alam na nito kung tungkol saan iyon. At iyon ay ang tungkol sa kasal nila ni Caira na ang mama naman talaga niya ang may pasimuno.


The EX Effect [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon