Nineteen

84.8K 1.3K 34
                                    



Aligaga si Colyn sa pag-aayos sa sarili niya sa salamin. Kanina pa siya paikot-ikot sa loob ng kwarto niya. Kanina parin siya papalit palit ng damit na susuotin niya. Nagsettle nalang siya sa isang white turtle neck dress at nag-flat shoes nalang siya. Tinali nalang niya ang buhok niya sa isang messy bun. Sinipat niya ang sarili niya sa salamin, napabuga nalang siya ng hangin.

"Pwede na ito." Sabi niya sakanyang sarili.

Nakarinig siya ng busina sa labas ng bahay niya at alam niya kung sino na iyon. Mabilis siyang kumilos, inayos ang mga gamit niya at nilagay sa sling bag niya. Mabilis na isinara niya ang pinto ng bahay niya at sinalubong ang nakasandal na si Jeremie sa sasakyan niya.

"Good Morning!" Bati nito sakanya. Umikot ito at pinagbuksan siya ng pinto.

"Good Morning too.. thank you." She smiled and hopped into the car.


Isinara na nito ang pintuan at umikot na sa driver's side. Ikinabit na niya ang seatbelt kasabay ni Jeremie at umalis na sila. Nagkita sila ni Jeremie ngayon dahil pupunta sila sa bahay ng mga Lim. It's been a week since nung huling nagkita kita sila at ngayon na ang araw ng judging. Feeling tuloy ni Colyn, parang nasa Project Runway siya. Isang linggo lang ang meron siya para magdesign at itahi ang sampung iba't ibang klaseng couture para umakma sa design ng jewelry na ila-launch ni Mrs. Lim. At ito na nga ang araw kung saan hahatulan na ang mga gawa niya.


Colyn did her best in this. Nakasalalay dito ang negosyo at brand niya. Malaking boost para sa negosyo niya kung mapapapayag niya si Mrs. Lim makipagpartner sakanya. Jeremie on the other side will cater the said event. Hindi nga niya alam kung bakit bigla nalang ito nagvolunteer mag-cater. Tapos tinawag siya nito kagabi na sabi susunduin daw siya nito sa bahay. Tapos hindi na siya nakatanggi dahil bigla nalang nito binaba ang telepono at pinatay pa kaya hindi siya makaalma. Odiba? So much for taking no for an answer.

"You look..beautiful Colyn." He complimented her.

"Kelan ba hindi?" She tried to lighten up the mood between the both of them. She and Jeremie are cool. Hindi na na-brought up pa yung last day nila na magkasama sa photoshoot sa kambal. Jeremie was like back to his old self. Yung parang wala namang nangyari.

Sometimes, gusto ng tanungin ni Colyn si Jeremie pero pinipigilan nalang niya ang sarili dahil baka mas lalong lumala lang. Kaya mas pinili nalang niyang itikom ang bibig niya.

"Yeah.. lagi ka namang maganda para sa akin eh."

Napalingon siya kay Jeremie na normal lang ang itsura. Normal lang itong nagdadrive. How can he be so calm after he said that while she's close to fainting about what he said?

Naramdaman na naman niya ang malakas na kabog ng dibdib niya. It really needs to stop. Mas pinili nalang niya na maging busy kakatingin sa labas ng bintana. They need to arrive early sa Lim's residence dahil they need to check everything. The venue and all. Five pm pa magstart ang event and it's only ten am. Mas maagang matapos mas maganda para hindi na magahol.

"Have you eaten?" Biglang tanong ni Jeremie.

"Not yet. Mamaya nalang."

"No, we'll eat now. Hindi ka parin nagbabago talaga, ang hilig mo mag-skip ng meals."

"When did I ever skipped meals? Ha?"

"Remember one time, when you're waiting for me at our house, oh you skipped dinner kasi nakatulog ka kakahintay sa'kin."

Why brought that up? Yeah, she remembers every detail. Oo, she's still affected by their failed relationship but she will not be transparent about it.

"Yeah..magdrive-thru ka na lang para wala nang away."

As what she told, sinunod ni Jeremie ang sinabi niya nag may madaanan silang McDonalds ay umorder ito ng sangkaterbang pagkain. May fries,pancakes,hamburgers,spaghetti at kung ano ano pa.

"Papatayin mo ba ko?" Tanong niya.

"Hindi ko kasi alam kung ano gusto mo at alam ko na kapag tinanong kita ay ang sikat na 'kahit ano' ang isasagot mo sa akin."

Hindi na sumagot si Colyn dahil totoo naman ang sinabi nito. Kinuha nalang niya ang burger at fries. Habang nagda-drive si Jeremie ay kumakain siya kaya naman iniumang nia sa bibig ni Jeremie ang burger na kinagatan niya. Napatingin sa kanya ang lalaki ng saglit.

"Huwag na, mamaya kulang pa sa'yo iyan. Kakain nalang ako pagdating natin doon."

"Huwag ka nang maarte diyan! Ikaw na nga ang sinusubuan eh. Hala sige! kagat!"


Natatawang kumagat si Jeremie sa hamburger ni Colyn, she was still the same bossy but cute. Minsan sinusubuan ni Colyn si Jeremie ng fries tapos papainumin ng tubig hanggang sa makarating na sila sa mga Lim.

Iginiya sila sa garden ng mga Lim kung saan gaganapin ang event. Namangha ang dalawa sa laki ng garden. Garden ba talaga ito? Parang kasya pa kasi ang isa pang bahay sa laki at lawak ng garden nila.

Pinuntahan ni Colyn ang mga empleyado niya sa backstage. Nauna na ang mga ito dala dala ang mga damit na ginawa niya, Si Jeremie naman ay pumunta na ng main kitchen at kinausap din ang ma empleyado. They were all busy at that time. Lahat may ginagawa. Walang nakatunganga. Pagsapit ng three pm ay dumating na ang mga models na magsusuot ng mga gawa niya. Colyn, as a designer, with just one look alam niya na agad ang sukat ng isang modelo. Well, close to that. Kaya kailangan maaga nilang ma-try ang mga damit para malaman niya kung may adjustments siyang gagawin.

At the meantime, Jeremie was busy instructing all his crew to work faster. Kilala niyo ba si Chef Ramsay sa Masterchef? Ganoon siya kapag nasa kusina. He instructs them ng pasigaw. It's part of his training sa mga empleyado niya. They work fast kapag ganoon. Sinipat niya ang kanyang relo at kailangan makapagserve na sila ng mga appetizers dahil it's quarter to five na at nagsisimula nang magsidatingan ang mga guests.

Five pm struck and the Lims are dressed elegantly for their event lalo na si Mrs. Lim na punong puno ng mga alahas sa katawan. They greeted the guests and after a few minutes they sat on their respected seats for the runway show. Jeremie instructed his other co-chef to take in charge. Inimbitahan kasi siya ng mga Lims na umupo sa tabi nila. He changed to his formal attire and went outside to the Lims.

Chaos ang backstage kung saan nagtatakbuhan na ang mga models sa pagmamadali sa pagsuot ng mga kanya kanyang damit. Colyn is busy sewing the side of one model's gown. Maluwag kasi ng kaunti. Mas lalong nagkagulo nang magsalita na ang emcee.

"Ladies and gentlemen.. are you ready to get frosted with the finest jewelries? Shining like a star that all eyes will turn to you.. well, take a glimpse of these fine jewelries. Let the show begin.."


"Okay! Okay! Pila na pila na! and go!" Sigaw ng isang bakla na parang organizer ng runway show.


Colyn was fidgeting her hands as the runway was about to end. She can hear the applause but she was not sure if it was only for Mrs. Lim's jewelry or for both jewelry and her work. Isang model nalang ang lalabas then lahat ay lalabas while clapping their hands and last is lalabas siya para mabigyan ng credit ang designer.

"And behind these beautiful couture, give a big hand for Ms. Colyn Valdez of Glambition and Menvasion!"

As she stepped out and walked the runway, she can see the crowd stood up from their seats and gave an applause for her. Napatingin siya sa gilid ng runway where the Lims and Jeremie are seating. She saw Mrs. Lim gave her a thumbs up and Jeremie looking proudly of her.

She did it. That's what she thought. And hindi nga siya nagkamali dahil at the end of the night, Mrs. Lim signed the contract. She was happy, no! so happy that she even jumped on Jeremie's arms. Pero sandali lang iyon dahil nagulat lang siya.

They said their goodbye's to the Lims and umalis na sila ni Jeremie at ihahatid na siya sa bahay niya. Tapos na ang trabaho nila ni Jeremie sa mga Lim. Does this mean, balik sa dati nanaman?.

----

Follow @kendeyss
(Twitter/IG/Ask.fm)

The EX Effect [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon