"Don't ever leave me again."
Pagkasabi nun ni Colyn ay bigla na lamang ito pumasok sa loob ng bahay nito at ni hindi man lang nito hinintay ang pagsagot ni Jeremie sa tanong nito. Jeremie was about to answer when she hurriedly went in. Napabuntong-hininga nalang si Jeremie at naglakad pabalik sa kotse nito.
Pauwi na sana si Jeremie, isang liko nalang sa kabilang kanto ay malapit na siya sa subdivision niya pero biglang nag-ring ang cellphone niya kaya isinuot niya ang earphone na konektado sa cellphone niya.
"Hello." sagot niya nang hindi tinitignan ang caller.
"Hello son, are you busy?"
"Ma! No, actually I'm on my way home. Why?"
"Would you mind if dumaan ka muna dito sa bahay? May pag-uusapan lang sana tayo ng papa mo."
"Okay. Be there in twenty minutes."
Pagkatapos nun ay nag-U-turn siya at tinahak ang daanan papunta sa bahay ng mga magulang niya. He can't say no to his mom because his mom sounds so serious. Nang makarating siya sa mansion ng magulang niya ay agad siyang bumaba sa kotse niya at pumasok na sa loob. He was greeted by the maids and led him to the dining area where he found his parents having their dinner.
"Jeremiah, join us." offer ng mommy niya. He sat down at the left side of his father who is sitting at the center of their long rectangle dining table while his mother is sitting at his father's right side.
"No thanks, kumain na po ako. And ma! Don't call me Jeremiah." Sabi niya sa ina. Hindi talaga siya sanay na Jeremiah. Basta, hindi lang siya sanay. At tanging mga magulang lang niya ang tumatawag sakanya nito.
"I'll call you by your name. And no buts!" agad na pigil nito sakanya nang siguro ay napansing aapela nanaman siya. Ang ama naman niya ay tahimik lang na kumakain. Ang ama niya ay taliwas sa ina niya. Taklesa,madaldal, bratatat boom ang bunganga ng ina niya while his father is the exact opposite.
"So,what's the matter?" Inip na sagot niya. Gusto na niya kasi umuwi ng bahay niya at magpakalunod sa kama niya. Napagod kasi siya sa date nila ni Colyn. Ah- Colyn.. her never imagined that things would turn this way. So far, it's getting smooth between them both. Sana lang wala nang makikihalo pa.
"Jeremiah! Lumilipad nanaman iyang utak mo!" sigaw sakanya ng mama niya na nagpabalik sa kanya sa katinuan.
"Sorry mom, I was just thinking..some things."
His mother just rolled her eyes, habang ang tatay naman niya ay napapailing nalang. Napakamot nalang siya sa ulo.
"So what's the matter again? I promise, makikinig na ako." He promised.
"So, how is Caira? Inaalagaan mo ba siya ng mabuti?" tanong ng mama niya.
He just exhaled heavily, here they go again. "She's fine."
"Napakagiliw talaga ng batang iyon, talagang tinanong pa niya ako kung saan ka nakatira para lang bisitahin ka. Nagkita ba kayo?" walang tigil na sabi ng mama niya.
"Yes, Ma."
"Good, you should take care of her Jeremiah, alam mo naman na only daughter lang siya ng ninong mo. Aba, malapit narin kayo ikasal kaya--"
"Ma! How many times do I have to tell you na ayokong magpakasal sakanya?!"
Hindi na niya naitago ang inis sa mama niya. Yes he loves his mom, pero minsan talaga he wants to shake his mother para lang matauhan ito sa pagkokontrol sa buhay niya. Ginawa na niya ito noon, and he won't let that happen again.
"Jeremie, ang boses mo." kalmado ngunit may pagbabanta sa boses ng ama niya. He breathe out a deep sigh and calmed himself. He sat down and said sorry to his mother.
Tahimik lang ulit ang papa niya. Is he scared to his father? Yes. Oo, dahil nabigo na niya ito dati nang hindi niya kinuha ang posisyon sa kompanya nila. He chose the path of being a chef. And look at him now, he owns the most expensive restaurants and bars. At hindi niya kailanman pinagsisihan na nagawa niyang suwayin ang ama niya.
"Ma, can't you just let me control my own life? For God's sake! Twenty-eight na po ako. Malaki na ako, and siguro naman marunong na akong magdesisyon sa sarili ko."
Nakita naman niyang naningkit ang mga mata ng kanyang ina. Napamura nalang siya sa isip niya. Alam niyang hindi siya papayagan ng ina niya. Eh mas matigas pa ang bungo ng nanay niya kesa sa dining table nila na gawa sa narra eh.
"We are not having this discussion again. Hindi ka ba nahihiya sa ninong mo? Nang talikuran mo ang kompanya natin siya lang ang natakbuhan namin ng daddy mo. And now, he just wants this marriage but then you are against it..again."
"Ma, ninong Kai just wants Caira to settle down for a man that would take care of her. Wala siyang sinabi na ako ang ipakasal sa anak niya, bakit ba pinipilit niyo na ako ang ipakasal sakanya?"
"Ah basta! Nakapagbitaw na ako ng salita sa ninong mo na ikaw ang pakakasalan ni Caira."
"That's enough you two. Umuwi ka na muna Jeremiah." his dad interrupted them.
He stood up, kissed his mother's cheek and tapped the shoulder of his father.
But just he was about to exit the dining room, his mother left the words that he is most afraid of.
"Don't disappoint us again,son."
-------
Follow me @kendeyss
(Twitter/IG/Ask.fm)
BINABASA MO ANG
The EX Effect [Fin]
General FictionBarkada Series #2: Jeremiah Santillan. Colyn wanted to escape her nightmare pero paano kung lagi nalang sila magkasama ng nagbigay sakanya ng 'nightmare' na ito. Worst, hindi niya kaya pang itaboy ito. Story cover by ylyssa (@emwaaay_) from twitter...