"Colyn, ano ba? Kanina ka pa tulala diyan." tawag ni Erin kay Colyn. . Nandito parin sila sa party ni Vin pero lumayo na sila sa barkada nina Jeremie. Tanaw pa ni Colyn mula sa bar stool na kinauupuan niya ang pagtatawanan nina Mico,Jeremie, Dylan at Colyn number two. Bakit kasi magkapangalan pa sila? At bakit ba siya nandito?She heaved out a deep sigh and drank straight her wine.
"Sino ba kasi siya Cols? Bakit magkapangalan kayo?"
"Siya ang original." Matabang na sagot niya. Sinalinan niya pa ng wine ang flute na hawak niya at inisang lagok.
"What do you mean?" Umupo sa tabi niya si Erin na tila ba atat sa kwento. Maybe it's time. Panahon na para ilabas niya ang matagal na niyang itinatago.
Bago magsalita, uminom ulit siya ng wine.
"Do you wanna know why?" Hamon niya sa dalawa niyang kaibigan.
"Tell us." Determinadong sagot ni Mitch.
"Follow me." Tumayo na siya sabay kuha ng isang boteng wine sa bar counter at pumunta sa may garden sa likod ng bar.
Lahat ng bar ni Jeremie ay kakaiba. Tulad na lamang nitong bar niya. May pagtatambayan pa. Umupo siya sa may gilid ng fountain at inilublob ang mga paa niya sa tubig. Naramdaman niya na umupo din ang dalawang kaibigan niya sa gilid niya pero mas piniling huwag na ilublob ang mga paa. Bale ang naging lagay nila, magkakatabi sila pero siya ay nakaharap sa fountain mismo pero ang dalawa ay nakatalikod dito.
"It started when my life became miserable.."
----
Twenty years old si Colyn nang mamatay ang parehong parents niya sa isang ambush. Mayaman sila, maraming kalaban sa negosyo. Wala ng natira sakanya bukod sa sangkaterbang kayamanan ng kanyang magulang na pinamana sakanya. Pero ano'ng gagawin niya sa kayamanan kung wala siyang pamilya?
She was devastated. Fresh graduate lang siya, wala pang alam sa business. Kaya minabuti niyang ipagbili nalang ang shares ng magulang niya at ginamit iyon para lumayo sa Pilipinas. She don't want to remember all the hurt she went through nang mamatay ang magulang niya. Wala siyang matakbuhang kapamilya dahil simula nang magpakasal ang magulang niya na matinding tinutulan ng parehong side, hindi na ito nagpakita pa.
After ng libing ng magulang niya, kinabukasan kumuha siya ng flight papuntang US. She needs to find herself again. Feeling niya nang mamatay ang magulang niya pati narin siya ay namatay. Kaya nang lumapag na ang eroplano sa US, nag-stay siya sa bestfriend ng mommy niya na ninang niya narin. Doon, nagsimula siya ng panibagong buhay. She made herself busy designing gowns,suits and all kinds of clothes. Yun naman talaga ang passion niya eh. Nakakuha siya ng trabaho bilang assistant ng isang fashion designer.
Pero feeling niya, may kulang parin. Hindi parin siya masaya. She still feels alone. Gabi gabi nalang siya umiiyak.
Then one day, pumunta siya sa Six Flags - isang amusement park. Pero naalala niya lang dati na madalas din silang magpunta kasama ng magulang niya sa mga amusement parks. She felt a sting in her eye, naghuhudyat na naman na iiyak siya. But a hand offered a handkerchief. And when she looked up, a handsome man on his suit was smiling shyly at her. Inignora niya ito at lumayo sa lalaki. Pero napansin niyang sumusunod ito kahit saan man siya pumunta kaya hinarap niya ito.
"Why are you following me?"
"Lady, I'm not following you, is it my fault that I'm also going this direction?"
BINABASA MO ANG
The EX Effect [Fin]
General FictionBarkada Series #2: Jeremiah Santillan. Colyn wanted to escape her nightmare pero paano kung lagi nalang sila magkasama ng nagbigay sakanya ng 'nightmare' na ito. Worst, hindi niya kaya pang itaboy ito. Story cover by ylyssa (@emwaaay_) from twitter...