Thirty three

77.6K 1.2K 57
                                    




Pinagmasdan ni Jeremie ang eroplanong sinasakyan ngayon ni Colyn. Kanina lang ay inihatid nila si Colyn sa airport para sa flight nito papuntang Paris. Kasama niya ngayon sina Mico at Marco.

Tinapik siya ni Mico sa balikat. "Tahan na 'pre, babalik naman si Colyn eh." madamdaming saad ni Mico.


"Gagu." ganti niya sa biro ng kaibigan. Niloloko kasi siya ng mga ito, na baka raw magmukmok daw siya sa bahay niya dahil tatlong araw mawawala si Colyn. Pinektusan niya nalang ang dalawa na kanina pang nang-aasar.


"Ang arte mo kasi eh, parang isang dekada mawawala si Colyn ah. Sinabihan ka lang ng 'I love you', nagkaganyan ka na. Malala ka na." sabi ni Marco na lumilinsiyak pa.


"Parang ikaw ba Marco? Malala na sa pag-ibig?" Asar ni Mico.


"Ulul mo." ganti ni Marco.


"Tara na nga mga gago." aya niya sa dalawa na ngayon ay sumusunod na sa likuran niya.

Kagabi nang sabihin ni Colyn na inlove parin ito sakanya, halos ilang segundo siya natulala. Pumitik-pitik pa nga si Colyn sa harap niya para lang makuha ulit yung atensyon niya. He was just surprisingly happy knowing that Colyn just said she loves him indirectly.

Kahit hindi yung eksaktong 'I Love You' ang sinabi nito sakanya ay masaya parin siya. Dahil kapag matalino ka at marunong umintindi ay malalaman mo ring ang 'I Love You' at 'I am still inlove with you' ay parehong-pareho.

Ayaw niya nga sanang paalisin si Colyn kaya lang kailangan raw siya roon nina Nanang Lourdes. Yung kambal na close sakanilang dalawa.

Kaya heto, at tatlong araw siyang magtitiis na hindi makita at makausap si Colyn. Bilin rin kasi ni Colyn na huwag muna sila mag-communicate sa loob ng tatlong araw dahil nga she needs time para pag-isipan ang mga nangyayari sakanilang dalawa. Naiintindihan naman niya ang babae dahil nga mahirap para sakanya ang sitwasyon. Kung siya ang nasa kalagayan nito, at nalamang ikakasal sa iba si Colyn baka mabaliw siya at itanan ito.

Now, he needs to fulfill his promise to Colyn. That he will never leave her and he needs to fix this goddamn arranged marriage.


It's five pm in the afternoon nang napagdesisyunan nilang magkakaibigan na kumain sa isang Japanese Restaurant malapit sa bar ni Jeremie.

Huling dumating si Dylan dahil siyempre may pamilya na ito at kailangan pa nito magpaalam kay Mitch. Kaya hayan, abot-abot na tukso ang napala niya kela Mico at Marco.


"Under the saya ka na! Shet, 'di na kita friend!" maarteng sabi ni Mico.


"Ang bakla mo." sabi ni Dylan na naupo sa gitna ni Vin at Jeremie na parehong natatawa lang sa pag-aasaran ng tatlo pa nilang kaibigan.


"Bakit ka ba late ha? Parang 'di pa nasanay sa'yo si Mitch." tanong ni Marco.


"Nagkaproblema kami eh." may lungkot sa boses ni Dylan.


"Bakit?" Hindi na niya napigilang itanong ito.


"Eh kasi naman yung bago kong client eh! Bigla nalang ba naghubad sa harap ko sa loob ng office tapos sakto bumukas yung pinto at si Mitch yung pumasok. Ayan, nagkandalintik na." naiinis na kwento ni Dylan sakanila at inisang tungga ang tubig na nasa mesa.



"Ano'ng sabi ni Mitch?" tanong naman ni Vin.


"Ayaw niya akong kausapin. Kanina pa ako nag-eexplain sakanya yung nangyari pero ayaw niya akong pakinggan. Lagi nalang ako ang may mali, kahit na wala naman akong ginagawang masama!" frustrated na talaga si Dylan dahil ginulo gulo pa nito ang buhok nito.



"Baka naman nagpapalamig lang si Mitch. Hayaan mo na muna, ang mahalaga na-explain mo yung side mo." seryosong sabi ni Marco.


"Hindi 'pre eh. Alam mo ang mga babae? Mahirap ispelengin! Sasabihin nilang may trust sila sa'yo pero ang totoo nandoon parin ang doubts at insecurities nila sa loob kaya ang gusto nila assurance. Assurance na sila lang talaga, na walang iba. Pero punyeta naman! Kasal na nga kami eh. May kambal na anak pa. Ano pa bang assurance ang gusto niya para lang malaman niya na siya lang ang mahal ko?"

Napasapo nalang si Dylan sa noo niya. Halatang problemadong-problemado sa asawa nito.

Biglang napaisip si Jeremie sa sinabi ni Dylan. Sinabihan siya ni Colyn na may tiwala ito sakanya. Totoo nga ba iyon? Kaya ba ito nagrequest na walang communication ng tatlong araw is because nagkakaroon siya ng doubts at insecurities? Kanino naman? Kay Caira?


Shit! He really needs to fix this issue between his family and Caira.






Three am na ng madaling araw, at nasa bar parin ni Jeremie silang magbabarkada. Paano, hetong si Dylan ayaw paawat sa inom. Talagang problemadong-problemado na nga ito. Hindi niya naman din masisisi ang kaibigan. Sa kanilang mga lalaki, nakakafrustrate nga ang ginagawa ni Mitch. Mas gusto pa nilang bulyawan sila, sigawan, pagsabihan hindi yung silent at cold treatment ang ibinibigay dahil nababaliw sila kung ano ba ang dapat nilang gawin.


Kasalanan ba ng kaibigan niyang si Dylan na bigla nalang naghubad yung client sa mismong harap nito?

Saksi silang magbabarkada sa love story ni Dylan at Mitch. Oo, playboy si Dylan dati pero hindi na ba pwedeng magbago ito?


"Pesteng buhay 'to! Ang hirap maging gwapo shet!" sigaw ni Dylan.


"Dylan, tama na iyan. Lasing na lasing ka na. Baka nag-aalala na sa'yo si Mitch." awat ni Vin.


"Bakit siya mag-aalala? Ehh .. 'di ba nga wala siyang pakelam shakin? Shet lang mga gago, ang hirap naman. Tingin niya parin sakin palikero.. nahihirapan din ako.. mahal ko si Mitch eh.." Kitang-kita nilang magbabarkada na tumulo ang luha ni Dylan. Napatingin si Jeremie sa likod ni Dylan, nandoon si Mitch na nakatakip ang kamay sa bibig. Umiiyak rin ito, marahil narinig kung ano ang sinabi ni Dylan.


"Tama na Dylan, nandito na si Mitch. Pag-usapan niyo 'to,man." sabi ni Marco.



"Hindi nga niya ko kinakausap ehh!! Taposh pag-uushapan namin??..Gagu ba you?"



"Mitch, sige na. Ihahatid ko na kayo. Lasing na lasing na iyan, conyo na eh." sabi ni Mico.


Lumapit si Mitch kay Dylan at lumuhod sa harap nito para magkatapat ang mga mukha nila. Umiiyak na pinunasan ni Mitch ang mukha ni Dylan at niyakap ng mahigpit. "I'm sorry babe. I'm so sorry.." humihikbing sabi ni Mitch.

Mukha naman atang natauhan si Dylan kaya naman gumanti ito ng yakap kay Mitch.


"Let's go home." sabi ni Mitch. Tinulungan ni Vin si Mitch na mag-akay kay Dylan. Agad naman sinalubong ng driver ni Mitch sila Dylan para ipasok sa loob ng kotse.


"Salamat ah. Sige uuwi na kami. Kayo rin, mag-ingat kayo baka ma-rape kayo." nakangiting sabi ni Mitch bago tuluyang umalis.


Nagsipaalam narin sila sa isa't isa at nagsiuwian na. Tinignan ni Jeremie ang oras pagkauwi niya sa bahay. 4:45am. He's dead tired. Pero hindi siya makatulog dahil inaalala niya lahat ng sinabi ni Dylan kanina.


Does Colyn trusts him? If she needs that damn assurance, he will give it to her by all means.

Agad niyang kinuha ang phone at nagtype ng message.


To: Caira

See me at my parent's house at 6pm. We all need to talk.


He pressed send then dozed off to sleep.

============

Follow me! @kendeyss (Twitter/Instagram/Ask.fm)

The EX Effect [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon