Seventeen

84.9K 1.3K 55
                                    


Kanina pa pabalik-balik ang tingin ni Jeremie sa bar stool na inuupuan kanina ni Colyn. Kanina lang nandoon lang siya eh, pero nang malingat lang siya saglit ay nawala na ang mga ito.

Napabuntong-hininga nalang siya, bakit pa ba siya nag-aalala she doesn't care anymore.

"So Colyn..err I mean Caira, paano kayo nagkakilala ni Jeremie?" Tanong ni Mico kay Caira na katabi ko.

Kagabi tumawag ang Mommy niya tungkol sa pag-uwi ni Caira, and since walang kakilala or kamag-anak si Caira dito sa Pilipinas ay hindi niya ito maiwanan. May pinagsamahan naman din sila ni Caira.

"Sa States, magkababata kami nitong si Jere kaya medyo close talaga kami," natatawang sabi ni Caira.

"How close?" Singit ng bagong dating na si Mitch kasama si Erin. Hinintay ni Jeremie na lumapit din si Colyn pero walang nangyari. Lumingon siya sa likod na baka sakaling nahuli lang ito sa paglalalad. Napataas ng kilay si Erin ng mapansin hinahanap ni Jeremie si Colyn. Maya-maya ay dumating narin si Vin at nakihalubilo sakanila.

"Uh Vin, Colyn left pinapasabi niya sorry daw at 'di na nakapagpaalam." Sabi ni Erin.

Napakunot ang noo ni Jeremie, she just left? Bakit naman?

"Bakit naman agad siyang umalis? 'Di pa nga nagsisimula masyado ang party.." Simpleng sabi ni Vin.


Mitch and Erin just shrugged their shoulders at tinignan si Jeremie. Naguguluhan naman si Jeremie sa inaasta ng mga kaibigan. Ano'ng meron sa dalawang ito? Bakit tila galit ang mga ito sakanya?

"So.. Caira as I was saying, how close ba kayo nitong si Jeremie?" Pag-uulit ni Mitch sa tanong niya.

"Whoa, babe bakit tila nang-iinterogate ka jan?" Natatawang sabi ni Dylan sa asawa. Pero tumigil din ito nang binigyan siya ng matalim na tingin ni Mitch.

"Sabi ko nga nagtatanong ka lang eh." Sabi ni Dylan. Binalik ni Mitch ang tingin niya kay Caira na tila naguguluhan sa inaasal ni Mitch.

"We're uhh..how do you say this.. really close.." Caira shyly said.

"Ahh, ang galing noh? Kapangalan mo pa talaga si Colyn." Erin said matter of factly.

"Uh, yeah. Miski ako nagulat noong una kaming magkakilala." Caira answered.

Jeremie doesn't know where this conversation is going. Pero malinaw pa sa crystal na alam niya na may pakana ang dalawang babae. And he doesn't like it at all.

"May itatanong pa ba kayo sakanya?" Seryosong tanong niya sa dalawa. "We'll go ahead, pagod pa si Caira sa flight niya." Sabi niya at hinila palabas si Caira.

Napatunganga nalang ang mga magkakaibigan nang biglang nag-walk out sila Jeremie kasama si Caira na naguguluhan na rin. Dylan looked at his wife na nakatingin sa nilabasan nila Jeremie at tila may malalim na iniisip. He knows something's wrong. Kilala niya si Mitch, at madali niyang mabasa ang nasa isip nito.

"Care to share something to the group, Babe?" Pukal niya sa nakatulalang asawa.

Napabuntong hininga nalang si Mitch at tinignan si Erin na nakatingin din pala sakanya. Wala na silang takas ni Erin, these boys are very fast. Walang nakakaligtas sakanilang sikreto kaya minabuting ikwento nalang nilang dalawa ang ikinwento ni Colyn sakanila. Nanlalaki ang mga mata nina Mico,Marco,Vin at Dylan sa mga sikretong nabulgar sakanila.

"Kaya kayo, huwag kayong maingay!" Huling sabi ni Erin.

----

Busy si Colyn sa mga clients niya na nagpapadesign ng mga gowns sakanya. Miski mga artista ay dinadayo siya sa main branch niya para lang magpa-design sakanya. Masaya siya sa natatamong success ng kanyang negosyo, iyon naman talaga ang goal niya simula palang eh. Pero hindi parin maialis sakanya ang mag-isip na parang may kulang parin.

The EX Effect [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon