Two

130K 1.8K 65
                                    



"Ikaw lang ang mahal ko,wala nang iba pa."

"Mahal na mahal kita,hinding-hindi kita iiwan."

"I'm sorry pero hindi ko pala kaya."

"Mas mabuting ganito kesa sa mas lalo pa tayong magkasakitan."

"I'm sorry.."

"I love you.,"

"I'm sorry.."

"I'm sorry.."

"I'm sorry.."





Napabangon bigla si Colyn sakanyang higaan dahil sa panaginip niya. Seven years,seven years na ang nakalipas bakit minumulto parin siya ng nakaraan nila ni Jeremie? Bakit ganito parin ang epekto sakanya ng mga nangyari noon?





Kinapa ni Colyn ang kanyang pisngi at nalaman niyang umiiyak na pala siya. Bakit ganoon? Bakit ang sakit sakit parin? Bakit?

--



"Goodmorning Ninang!"



Napaangat ang tingin ni Colyn sa nagsalita na si Mitch na dala dala ang kambal na sina Dami at Isaac. Nasa botique si Colyn ngayon kaya siguro dito dumiretso ang mag-iina kasi wala siya sa bahay niya.



Ito ang pinagkakaabalahan ni Colyn simula nang bumalik siya sa Pilipinas. Mahilig kasi siya sa fashion kaya nagdesisyon siyang magtayo ng sariling negosyo kaya ang resulta ay ang botique niyang 'Glambition' na maraming branches na rin ang nagkalat. Meron din siyang pinaplano na magtayo ng kakambal ng negosyo niya pero pang-lalaki naman ang market at tatawagin niya itong 'Menvasion'. Well, pinaplano palang naman niya iyon.





"Ano'ng ginagawa niyo dito?" nakangiting tanong ni Colyn kela Mitch na ngayon ay nakaupo na sa couch na para sa mga customers. Lumapit siya sa mga ito at binuhat si Dami. Tulog kasi si Isaac sa stroller.



"Mamamasko kami."



"Nagbago na pala ang date ng pasko ngayon ah. Bakit wala ang buntot mo?"





Ang sinasabing buntot ni Colyn ay si Dylan. Ayaw kasi nun na nahihiwalay kay Mitch.





"Kasama ang isa't kalahating gago gang. Pero pupunta daw sila mamaya dito."



"Bakit?"



"Ewan. Sabi ko nga magdala ng pagkain eh."



"Si Erin?" pag-iiba niya ng usapan.



"Ayun,nasa opisina."



"Akala ko ba magreresign na siya?"





Sa Ford Corporations parin kasi nagtatrabaho si Erin pero ang sabi niya ay magreresign na daw siya doon dahil plano nitong magtayo nalang ng pastry shop sa naipon niyang pera. Ewan ba nila kay Erin,mayaman naman ang pamilya pero todo kayod.





"Eh one week pa bago siya umalis."



"Ah."





Nilaro-laro niya si Dami. Ang cute cute talaga ng kambal na inaanak niya. Sarap kagatin at panggigilan!





Makalipas ng kalahating oras dumating na ang isa't kalahating gago gang. Isa isa silang may dalang supot at siguro ito ay ang mga pagkain na nirequest ni Mitch. Tamang tama,lunch break ng mga empleyado niya kaya pinagbreak muna ni Colyn ang mga ito at isinarado muna ang botique pansamantala. Naupo silang lahat sa pinaikot nilang mga couch at bean bag chairs at inilapag sa nag-iisang glass table ang mga pagkain.





The EX Effect [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon