Nasa loob si Colyn ng isang bar. Kasama niya ang kanyang mga empleyado dahil sa successful ang kanilang ginawang fashion show para sa mga Lim. Siyempre as their boss, kinakailangan niya ring bigyan ng reward ang kanyang mga empleyado na katulad niya, na nagsikap para makuha ang approval ng mga Lim. Just like her, mahal din ng mga empleyado niya ang Glambition at Menvasion. Hindi simpleng empleyado lang ang turing niya sa mga trabahador niya, kundi isang pamilya narin. Tutal, wala na siyang pamilya mabuti narin ito. At least kahit papano, alam niya na may tumuturing din sakanya na pamilya."Ang ganda naman dito ma'am." sabi sakanya ni Keisha na isa sa mga junior designers niya. 'Ma'am' parin ang tawag ng mga ito sakanya kahit na paulit-ulit niyang sinasabi na kahit ate nalang ang itawag. Napapagod narin siyang ulit-ulitin sa mga ito iyon kaya hinayaan niya na.
"I know, kaya dito ko kayo dinala. Order all you want..my treat for all of your hardwork!" sigaw niya sa mga kasama niya. Medyo malakas narin kasi ang tunog ng musika sa loob ng bar dahil parami na ng parami ang mga tao. Sabay-sabay naman na nagsigawan ang mga kasama niya kaya naman kanya-kanya na ang mga ito sa pag-order ng pagkain at inumin.
Naramdaman naman niyang nagvibrate ang phone niya kaya tinignan niya kung sino ang nagtext sakanya.
---
From: Erin
Where are you girl? Tara labas tayo!
---
Agad naman siyang nagreply rito.
---
To: Erin
Can't, I'm with my employees. But if you want, you can join us.
---
Maya maya naman ay nagreply narin si Erin sakanya.
---
From: Erin
Nah, it's okay. Enjoy nalang kayo diyan, aayain ko nalang si Vin. Hahahah.
---
Napailing nalang si Colyn sa text ng kaibigan niya. Nung una niyang nakilala si Erin akala niya medyo katulad ito ni Mitch na mahiyain at medyo conservative pero pucha lang, ibang-iba pala ito sa inakala niya. Kaya tignan mo itong si Mitch, nahawa na sa babaeng iyon. Ngayon naman si Vin ang bubulabugin. Buti nalang mabait iyong lalaking iyon.
Itinuon nalang niya ang pansin sa mga kasamahan niya na ngayon ay nagkekwentuhan at umiindak na sa mga upuan nila. Ilang sandali lang ay dumating na ang mga inorder ng mga kasamahan niya at sabay-sabay na sila nagsikainan. Kasabay ng tawanan at halakhakan, nag-eenjoy naman si Colyn kasama ang mga ito.
"Ma'am Colyn, salamat po talaga sa pagdala sa amin rito! Bait niyo talagang boss!" sigaw ni Bonnie ang baklang assistant niya kapag may mga fashion show.
"Ako nga dapat ang magpasalamat sainyo kasi hindi niyo ako binibigo sa tuwing may mga opportunity na katulad ng kay Mrs. Lim. Kaya thank you ha?"
"Uyyy si ma'am nagdadrama! Di bagay! Party party nalang tayo! woohooo!" sigaw ng isa pa niyang empleyado na si Veron.
Natawa nalang siya at itinaas ang kanyang baso na may lamang alak. "Cheers!"
Pasado alas dose na pero parang nagsisimula palang ang party rito sa bar na pinasukan nila. There were artists, models and TV personalities na nakikita niya sa paligid. Kaya naman ang mga empleyado niya hayun at nagsihayo na sa iba't ibang sulok ng bar para makihalubilo sa mga tao. Hinayaan na niya ang mga ito sa mga gusto ng mga itong gawin dahil nag-eenjoy naman sila. Naiwan siyang mag-isa sa table nila, tahimik na iniinom ang alak niya. Pero nakaramdam siya ng tawag ng kalikasan kaya naman mabilis siyang nagtungo sa CR. Nang makapasok siya sa isang cubicle ay narinig niya ang dalawang babae na nag-uusap na mukhang kapapasok lang rin. Hindi talaga ugali ni Colyn ang makinig sa usapan ng may usapan pero hindi niya maiwasan lalo na narinig niya ang pangalang Jeremie.
BINABASA MO ANG
The EX Effect [Fin]
General FictionBarkada Series #2: Jeremiah Santillan. Colyn wanted to escape her nightmare pero paano kung lagi nalang sila magkasama ng nagbigay sakanya ng 'nightmare' na ito. Worst, hindi niya kaya pang itaboy ito. Story cover by ylyssa (@emwaaay_) from twitter...