Napabuntong-hininga nalang si Jeremie nang makauwi siya sa bahay niya. Galit na galit sakanya ang mama niya, ang papa naman niya matagal ng hindi sila masyadong nagkakausap.Ang ninong niya at si Caira, labis niyang nasaktan. Pero hindi siya nakaramdam ng pagsisisi sa ginawa niya. Ni katiting wala, dahil alam niyang ito ang tama. Tama para sakanila ni Colyn. Pero kung meron lang ibang paraan para hindi masaktan ang pamilya at mga taong malalapit sakanya, siguro ay gagawin niya. Pero hayan na eh, tanggapin nalang.
Nagulat siya dahil biglang may nag-doorbell. Nagtataka siya kung sino iyon, wala naman siyang inaasahang bisita. Bumaba siya mula sa kwarto niya. Wala pa naman siyang kasambahay ngayon. Hindi kasi stay-in ang kasambahay niya. Ayaw niya kasing may kasama sa bahay, bukod kay Colyn of course.
Lumabas na siya at tinignan kung sino ang nasa labas.
"Caira.."
Nanlaki ang mga mata niya ng bigla nalang siya halikan ni Caira. Agad niyang hinawakan sa magkabilang braso si Caira para itulak palayo.
"Caira..ano ba!" hindi niya na naitago ang pagkayamot sa ginawa ni Caira. Buti nalang walang nakakita, baka makarating pa ito kay Colyn.
Umiiyak na hinarap siya ni Caira. Kinuha nito ang isang kamay niya at inilagay sa kaliwang dibdib nito.
"Can you feel it? Mahal kita Jeremie! Matagal na! Bakit hindi mo maramdaman iyon?" umiiyak na sabi niya.
Hindi na nagulat si Jeremie nang aminin ni Caira na mahal siya nito. Matagal na niyang napapansin iyon sa kinakapatid. Pero wala talaga siyang maramdamang kahit anong romantic feelings dito. Sinubukan niya itong mahalin nang magkahiwalay sila ni Colyn pero hindi talaga umubra. Hindi nito kayang palitan si Colyn sa puso niya kahit na magkaparehas pa ang mga ito ng pangalan.
"Caira, alam mo ang sagot ko. I'm sorry."
Sinuntok siya ni Caira sa dibdib. Hinayaan niya lang ito dahil alam niyang nasaktan niya ito.
"Ang sama mo! Ang sama sama mo! Pinaasa mo ko! Akala ko gusto mo ako! Pinanghawakan ko yung pangako mo sa'kin nung mga bata pa tayo na hindi mo ako iiwan! Pero bakit ganito ha?! Bakit sinasaktan mo ko ngayon? Bakit hindi nalang ako? Bakit si Colyn pa?! Bakit?!" sigaw ni Caira sakanya habang umiiyak at sinusuntok siya sa dibdib. Kinabig niya si Caira at niyakap ng mahigpit. Hindi naman ito pumiglas, at basta nalang umiyak sa bisig niya.
"I'm sorry Cai, hindi ko intensyong paasahin ka. Oo, nangako ako na hindi kita iiwan at tutuparin ko iyon. Pero hindi sa paraang gusto mo, mahal kita Caira pero hindi tulad ng pagmamahal ko kay Colyn. Mahal kita bilang kapatid.. alam ko masakit.. pero kailangan mong malaman ang totoo dahil gusto ko maliwanagan ka. Sampalin mo ako, tadyakan, suntukin, kahit ano! Tatanggapin ko. Pero Caira, hindi nun mababago ang desisyon ko. Si Colyn parin ang pipiliin ko."
Kumalas si Caira sa yakap niya. Pinunasan nito ang mga luha niya at tinignan siya ng diretso. "Sabi ko sa sarili ko, lalaban ako. Lalaban ako dahil mahal kita. Pero wala.. Wala.."
Bigla nalang tumakbo paalis si Caira at sumakay sa kotse nito. Tinawag niya at hinabol ito pero mabilis na nakaalis si Caira.
"I'm sorry,Caira.. I know you'll find someone that will deserve your love."
------
Safe na naglanding ang eroplanong sinasakyan ni Colyn. Finally, she's home. Kahit three days lang siyang nawala, feeling niya three years ito. Naglalakad siya palabas ng terminal niya nang magkatinginan sila ni Caira. Halata sakanilang dalawa ang gulat na nakarehistro sa kanilang mga mukha. Nginitian niya ito, at ganun din ito sakanya. Pero napansin niyang lalapitan siya ni Caira kaya naglakad siya palapit rito.
"Aalis ka? Bakit?" tanong niya rito dahil pansin din niya ang maletang dala nito.
Ngumiti ng malungkot si Caira sakanya. "Yes, babalik na ako ng America. Can we talk, Colyn? Please."
Nagtaka man siya ay agad siyang pumayag makipag-usap rito. Mukha kasing alam na niya ang pag-uusapan nila ni Caira. Pumunta sila sa isang coffee shop sa loob ng airport. Umupo sila at nag-order.
Tinignan niya si Caira na wala sa sariling nakatingin sa mga tao sa airport. Halatang may malalim itong iniisip, at halata din niyang malalalim ang baba ng mga mata nito na halatang puyat at umiyak? .. umiyak ba si Caira?
"So...ano'ng pag-uusapan natin?" tanong niya rito.
"He chose you." she stated.
"What?" siyempre alam niyang si Jeremie ang tinutukoy nito pero she doesn't want to assume first. She will let Caira finish.
Huminga muna ng malalim si Caira bago pinagpatuloy ang pagsasalita. But to her shock, a drop of tear fell from her eye. "Jeremie still loves you, all these years ikaw parin ang mahal niya. Kinausap niya kami kagabi, ang parents niya, ako at ang daddy ko. He fought for you Colyn.."
"Kaya ba aalis ka? Akala ko ba lalaban ka?" Ang tanga ba ng tanong niya? Siya na nga ang pinili, inuudyok niya pang lumaban si Caira. Pero gusto niya lang malaman ang dahilan nito. She wants details.
"Ano pang sense kung lalaban ako kung alam ko namang dehado na ako sa simula palang?" And again, another tear fell from Caira's eyes. "Akala ko malakas ang alas ko kasi kakasal kami ni Jeremie, pero hindi parin iyon naging hadlang sa pagmamahal sa'yo ni Jeremie. Tanga,manhid,masokista.. oo ako ang mga iyon, pero ganun naman ang nagmamahal 'di ba? You become stupid when you're inlove. But I don't want to be that anymore, lalo na ipinamukha na sa'kin na wala akong pag-asa. Ikaw ang pinili eh. Wala na akong magagawa. Don't worry hindi ako manggugulo, kaya nga aalis ako. Doon naman talaga ang buhay ko, pumunta lang ako dito para kay Jeremie. And now that he chose you, wala nang rason para mag-stay pa ako dito."
Colyn just stared at Caira na halatang nasasaktan yet she still managed to smile at her. See? How can she hate this girl? Napakabait nito masyado. Kinuha ni Caira ang kamay ni Colyn sa ibabaw ng lamesa.
"I'm sorry Colyn, dahil sakin nagkahiwalay kayo ni Jeremie seven years ago. Dahil samin, nagkaganito kayo ni Jeremie."
"What do you mean?" Alam nito ang rason kung bakit nakipagdivorce si Jeremie sakanya? At paano siya napasok sa usapan? Ang alam niya kaya sila naghiwalay ni Jeremie ay dahil sa sinabi nitong bata pa sila. Pero ano nga ba ang totoo?
"Just ask Jeremie. I want you both to be happy. It's true. I wanna see you happy, para naman hindi ko pagsisihan ang pagpaparaya ko. Aaminin ko, nasaktan ako but I'll get over it."
'Calling all passengers heading to California,USA..please proceed to terminal 1 for boarding..'
"I got to go. Hinahanap narin siguro ako ni Dad." tumayo na sila.
"We'll see each other again,right?" Colyn said.
"Of course." nakangiting sabi ni Caira.
Si Colyn na ang lumapit rito at niyakap si Caira. "Thank you,Caira. I hope you'll find your happiness."
Yumakap rin pabalik sakanya si Caira. "I will. You take care of him,alright?"
"Of course, goodbye.. Colyn Valencia."
Nginitian naman siya ni Caira. "Goodbye.. Colyn Valdez-Santillan."
She felt a sting in her eye. She will always be thankful that a certain Colyn Valencia was a part of her life. Kahit na minsan niya ito naging kalaban kay Jeremie still, she treated Caira as her true friend.
Hinatid niya ng tingin si Caira na papalayo mula sakanya. She's very thankful na meron siyang nakilalang Colyn Aira Valencia.. Malaki ang utang nilang dalawa ni Jeremie sa anghel na iyon. Speaking of Jeremiah Santillan, hindi nito alam na maaga ang flight niya pabalik ng Pinas. And speaking about the divorce issue, she needs answers!
Nasaan ba yung lalaking iyon? Mapuntahan nga..
----------
Follow me! @kendeyss (Twitter/Instagram/Ask.fm)
BINABASA MO ANG
The EX Effect [Fin]
General FictionBarkada Series #2: Jeremiah Santillan. Colyn wanted to escape her nightmare pero paano kung lagi nalang sila magkasama ng nagbigay sakanya ng 'nightmare' na ito. Worst, hindi niya kaya pang itaboy ito. Story cover by ylyssa (@emwaaay_) from twitter...