Thirty five

70.2K 1.2K 36
                                    


"A-Anong ibig mong sabihin?" gulat na usal ng ninong ni Jeremie sakanya.


Huminga siya ng malalim at tinignan ang mga tao na nasa harapan niya. Specifically ang ninong niya at si Caira na mukhang gulat na gulat. Habang ang mama naman niya halata ang galit. Ang papa niya? Hayun at tahimik lang sa upuan nito.



"Jeremiah! Stop this now!" his mother hissed.


"No, Ma! Hindi ko kaya ang ipinipilit niyo. Masasaktan lang kayo, at ayokong mangyari iyon."


"Tingin mo ba sa ginagawa mo, hindi kami nasasaktan?" Mangiyak-ngiyak na sabi ng mama niya.


"I'm sorry Ma,Pa,ninong,Caira. Lahat naman tayo masasaktan eh, ang pagkakaiba lang hindi pangmatagalan.." he paused the he looked at his ninong with all the courage he has. "..Ninong, I know na umaasa kayo na pakakasalan ko si Caira, that I am the man who is good enough to protect and take care of your daughter. Oo,ninong, kaya kong gawin iyon kay Caira, pero hindi ko kayang ibigay ang puso ko sakanya. Mahal ko po si Caira pero hindi yung pagmamahal na kailangan niya.."


"Jeremie.." umiiyak na tawag sakanya ni Caira.


Tinignan niya ito at inabot ang kamay na nakapatong sa mesa. "I'm sorry,Cai. Pero alam naman nating lahat na iba ang mahal ko noon pa man. Believe me Caira, para sayo rin itong ginagawa ko. Ayokong masaktan ng dahil sa'kin kung matutuloy lang ang kasal natin..ayoko nun, dahil alam kong pagsisisihan nating dalawa iyon."


Sandaling natahimik ang lahat nang biglang tumayo ang ninong niya. Binawi nito ang kamay ni Caira mula sa pagkakahawak niya at itinayo nito ang anak.


"Let's go Caira." maawtoridad na utos ng ninong niya.


"I'm sorry ninong."

Putcha naman! Pati siya ay naiiyak na. Ang hirap rin kasing sabihin ang totoo lalo na alam mong may masasaktan. Pero ganoon talaga, may masasaktan at masasaktan rin. Parte iyon ng buhay na kailangan nating tanggapin.



Huminga ng malalim ang ninong niya at tipid na ngumiti. "It's okay Jeremie..hindi ko ipipilit ang kasal kung ayaw mo..pero sana maintindihan mo na nasaktan ako dahil umasa akong mapapanatag na ako dahil sa'yo ko ipapaubaya ang anak ko, iyon pala umasa lang ako sa wala. Pero..mas nasasaktan ako dahil nakikita kong nasasaktan ang anak ko. Caira, halika na!"



Pinagmasdan lang niya ang pag-alis ng ninong niya at ni Caira. Naramdaman nalang bigla ni Jeremie ang mahapding pakiramdam sa kanang pisngi niya. Nanggagalaiting nakatingin ang mama niya sakanya. Base sa mabilis na paghinga nito, halatang pigil na pigil ang galit nito. At hindi niya ito masisisi.



"Ma, patawarin niyo ko."


Pero isang sampal nanaman ang binigay sakanya ng mama niya.



"You deserve it! Kailan ka ba magpapakatino ha?! Pakasalan mo lang si Caira,Jeremiah! Iyon lang ang hiling ko! Pero ano'ng ginawa mo,ha? Nagpakabulag ka nanaman sa pag-ibig mo diyan sa babaeng iyan!"



"Ma! Kailan niyo rin ba maiintindihan na hindi madali ang hinihingi niyo? Ma.. hindi ko mahal si Caira alam niyo iyan! Alam na alam niyo kung sino ang mahal ko, hindi mo ba maintindihan iyon?" may pagsusumamo na sa boses niya.


Iiling-iling na tinignan siya ng mama niya. "Kahit kailan hindi ko matatanggap ang babaeng iyon!"



"Ano ba ang ayaw niyo kay Colyn mama? Dahil ba mahirap siya noon? Ma! Successful na ngayon si Colyn, kayang-kaya niya ng buhayin ang sarili niya. Dahil ba sa wala na siyang pamilya? Pwes, tayo ang magiging pamilya niya ma! Bakit ba ayaw mo sa babaeng mahal ko?"




"No, wala sa mga rason na iyon kung bakit ayaw ko sakanya."



"Then what,ma?! Tell me!"



"You don't need to know.. dahil mula ngayon hindi na kita papakelaman. Do whatever you want with your life, pakasalan mo ang babaeng iyon kung gusto mo hindi kita papakelaman! I just don't care anymore. You disappointed us again Jeremiah."


Tuluyan ng umalis sa harap niya ang mama niya. Habang ang papa niya ay tahimik na tumayo mula sa upuan nito, tinignan muna siya nito bago sumunod sa mama niya.


Simula nang hindi niya i-take-over ang kompanya ng papa niya, naging ganito na ang relasyon ng pamilya niya. Masisisi niyo ba siya kung sinunod niya lang ang pangarap niya? Na wala sa mundo ng papa niya iyon makikita?


Pero isa lang lagi ang umaalingawngaw sa isip niya. Isang bagay na tumatak sa sinabi ng mama niya, isang bagay na sinisigaw ng tingin ng papa niya.

That he disappointed his parents again.

---------

Follow me! @kendeyss (Twitter/Instagram/Ask.fm)

The EX Effect [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon