Second day of shoot and hindi ito katulad ng kahapon. Kahapon, parang nasa may forest trail sila pero ngayon, nasa may dagat na sila. Ang kinaiinis at kinakakaba pa ni Colyn ay maraming tao ang nakatingin at nanunuod. At ang mas kinaiinis niya pa ay ang mga babaeng sigaw ng sigaw."Ay grabe! Ang gwapo niya talaga! Yummy!"
"Korekabels ka teh! Jusko, ang abs napaka-umphf! Wala akong mahanap na word para maihambing kung gaano kaperfect!"
"Ayan! Nakatingin siya dito! Shet! I think I'm gonna die!"
"Mabuti pa ngang mamatay ka na sister para less karibal na ako!"
See? Kahit bakla nahuhumaling kay Jeremie.Tapos kung makapagsigawan naman, lantaran? Parang walang nadidistract sakanila ah.
So nadidistract ka ganoon?
Hindi siya nadidistract. Ang sinasabi niya lang is, siyempre this is a photoshoot. Marunong naman sana sila makiramdam na nagtatrabaho ang mga tao dito at kailangang mag-concentrate. 'Yun lang.
Hay. Do I sound so defensive? I'm so pathetic.
"Why the long face,hija?"
"Mama Lulu. Kayo po pala. Wala po ito. Medyo 'di lang sanay."
"You'll get used to it."
"Nako mama Lulu. Ano'ng you'll get used to it. 'Di ko na to uulitin noh." biro niya.
"Sayang, akala ko pa naman. Pwede ka pang mag-model sa next collection namin ni Lourdes."
"Mama Lulu naman. Alam niyo namang designer din ako 'di ba?"
"You're right hija. Natutuwa lang kasi ako sa chemistry ninyo ni Jeremie. Sa simula palang naman, alam ko na bagay talaga kayo."
Bagay talaga kayo.
Bakit nang marinig niya ang linyang iyon, parang bigla nalang namula ang nga pisngi niya. O feeling niya lang siguro iyon. Siguro nga, guni-guni niya lang iyon. Baka siguro nahihiya lang siya dahil nabibigyang malisya na ng ibang tao ang pagkakaibigan nila ni Jeremie.
"Hija?"
"P-Po? Ano po?"
"Mukhang spaced out ka ah. Ni hindi mo na ako pinakinggan." natatawang sabi sakanya ni Mama Lulu,
"May naisip lang po ako. Ano po ba ang sabi ninyo?"
"Tinatanong lang kita, kung ano ba ang nangyari sainyo ni Jeremie at nagkaganito ang pagsasama ninyo. Pero kung ayaw mong sagutin ay ayos lang naman. Pribadong bagay iyon para sainyo."
Nahihiya na siya kay Mama Lulu. All these years ay naging mabait naman sakanya and kambal. Napalapit na nga ang mga ito sakanya at tingin niya siya sa mga ito. So close that she even treated Mama Lulu as her own mother since she doesn't have one.
"Wag nalang po natin balikan ang nakaraan Mama Lulu. Ang mahalaga,ay yung ngayon. Maganda na po na magkaibigan kami. Iwas gulo."
Alam ni Colyn na sa mukha ni Mama Lulu, marami pa itong gustong itanong sakanya pero mas pinili nalang nito na manahimik at makuntento sa mga sinabi niya rito.
Buong tanghali, ay tahimik lang si Colyn. Napapansin na iyon ng mga kasama niya sa set. Miski si Jeremie ay napapansin narin ito. Kilala niya si Colyn, at alam niya na may iniisip nanaman siguro ito na bumabagabag sakanya. Kaya minabuting lapitan na niya ito.
BINABASA MO ANG
The EX Effect [Fin]
General FictionBarkada Series #2: Jeremiah Santillan. Colyn wanted to escape her nightmare pero paano kung lagi nalang sila magkasama ng nagbigay sakanya ng 'nightmare' na ito. Worst, hindi niya kaya pang itaboy ito. Story cover by ylyssa (@emwaaay_) from twitter...