Busy sa restaurant si Jeremie. Kanina pa siya pabalik-balik sa kusina para tumulong sa mga chef na magluto para mapabilis ang pagseserve sa mga customers. His restaurants are well known not just for the food but also for the service. Gusto niya mabilis ang pagseserve ng pagkain ng mga customers niya para hindi mainip ang mga ito. He also makes sure that all of the foods served are freshly cooked. Maybe that's his key for the success of his business.Nagsuot siya ng apron at hairnet at Nang hawakan na ang spatula at frying pan ay nagsimula na siyang gawin ang gustong-gusto niya - ang magluto. Mabilis lahat ng kilos niya dalawang kamay niya talaga ang gumagalaw kaya naman kailangang focus talaga.
Nang matapos magluto ay inihanda na niya ang plato and he started plating the food. At nang tuluyan nang matapos ay pinindot na niya ang bell para tawagin ang isang waiter.
"Table number seven." he ordered.
Pabalik na dapat ulit siya sa pinaka-kitchen nang tawagin siya ng kanyang branch manager.
"Sir Jere. May gusto pong kumausap sainyo sa table number twenty-three."
"Bakit daw?" nakakunot noong tanong niya. Hindi kasi siya basta-basta humaharap sa customers. Kung sakaling may reklamo man ang mga customers niya ay ang manager nito ang kumakausap o nakikipagnegosasyon.
"Wala pong sinabi sir eh. Basta kapag hindi daw po kayo ang pumunta, magska-skandalo daw po siya."
"Siya? Hay, sige lalabas ako."
Tinanggal na niya muna ang apron at hairnet niya at tsaka nag-ayos ng sarili at lumabas na para harapin kung sino man ang nambabanta na magskandalo sa restaurant niya.
"Excuse me, hinahanap niyo raw ako?" seryosong sabi niya.
Pero nagulat siya kung sino pala ang gustong kumausap sakanya.
"Napaka-busy mo na hijo ah."
"Nanang Lourdes! Kayo po pala. "
Nagmano siya kina Nanang Lourdes.Kilala niya ang mga ito nang nasa ibang bansa pa siya nakatira.
"Kamusta ka na? Aba bigtime ka na hijo ah. Naalala ko pa dati eh employee ka lang ng restaurant ngayon ay ikaw na ang isa sa pinakasikat na may-ari ng restaurant at mga bars sa buong mundo."
"Hindi naman ho, sipag at tiyaga lang po. Okay naman po ako, kayo ba nanang? Aba, batang-bata pa ang itsura niyo ah."
"Naman! Naku fifty-two palang ako nuh! Nandito ako ngayon kasi dito ko napiling i-launch ang bagong fashion line namin."
Tumango tango si Jeremie. Fashion designer pala si Nanang Lourdes at sikat ito sa States sa stage name niyang Desiree.
"At naalala mo ba ang pangako mo sa akin dati?"
Inalala ni Jeremie ang mga tagpong iyon. At napangiti nalang siya na naaalala pa pala ni Nanang iyon.
----
"Mama Lulu oh." abot ni Colyn kay Mama Lulu ng juice at naglapag ng plato ng cake sa lamesa.
Kanina kasi saktong nasa Menvasion siya at sabi sakanya ng isang tauhan niya na may Mama Lulu daw na naghahanap sakanya. At siyempre dahil sa kilala niya ito ay agad niyang pinapasok ito sa opisina niya para makapag-usap silang dalawa.
Nakilala niya si Mama Lulu sa isa sa mga fashion events nito. Fan kasi siya nito dati, sikat ito sa iba't ibang bansa sa stagename nitong Demetria. Hindi niya alam kung saan nito napulot ang stage name nito. Pero fan talaga siya nito lalo na't nung nasa US pa siya ay doon ito naka-base.
They share the same interest and that is fashion.
"Kailan ka pa po nandito Mama?" tanong niya rito. Mama ang tawag niya rito dahil na rin sa kagustuhan ng matanda. She's just in her early fifty's kaya hindi pa naman talaga siya matanda talaga.
"Nung isang araw lang. Nauna kasi si D1 dito. Oo nga pala, Colyn. May photoshoot pala kami rito. At naalala mo ba ang ipinangako mo sakin noon?"
Inalala ni Colyn ang tagpong iyon. That was way years ago. Napakatagal na nun para maalala pa ni Mama Lulu iyon.
"Mama Lulu naman. Ang tagal na nun naalala niyo parin?" biro niya rito. Pero seryoso ang itsura ni Mama Lulu kaya tumikhim siya at tumango. "Opo. Naaalala ko pa."
"Good. Hindi mo naman siguro babaliin ang pangakong iyon 'di ba?"
As much as she hates the idea, pilit na tumango nalang siya sa tanong ni Mama Lulu. She cannot break the heart of a person that became a mother to her.
Eto nanaman siya. Napasubo nanaman sa isang pagkakataong hindi siya nakapaghanda.
-----
Follow @kendeyss
(Twitter/IG/Ask.fm)
BINABASA MO ANG
The EX Effect [Fin]
General FictionBarkada Series #2: Jeremiah Santillan. Colyn wanted to escape her nightmare pero paano kung lagi nalang sila magkasama ng nagbigay sakanya ng 'nightmare' na ito. Worst, hindi niya kaya pang itaboy ito. Story cover by ylyssa (@emwaaay_) from twitter...