Four

114K 1.6K 50
                                    


Kinabukasan rin nang pagpayag ni Marco sa kasunduan nila ni Colyn ay nagsimula agad ang photoshoot para sa catalogue at advertisment ng nalalapit na pagbubukas ng 'Menvasion'.





Masaya si Colyn dahil nakikita niya na magiging matagumpay ang negosyo niyang ito. Dagdag pa na si Marco na isang sikat na modelo at musician ang nakuha niya bilang front ng kanyang botique. Alam ni Colyn na hindi lang lalaki ang magiging market nitong Menvasion kundi pati narin ang mga babaeng nahuhumaling at mahuhumaling kay Marco.





"Okay,Marco a little to the side. Show the clothes, yes that's right. Okay, nice!"





Nasa may photosgoot set sila sa isang rooftop ng building. Doon niya napili na magshoot dahil perfect ito sa tagline ng kanyang botique. "Be the man that will invade the world."





O 'di ba? Bongga niya dahil naisip niya yun.





"Be the man that will invade the world? Seryoso ka?"





At doon natatapos ang masayang sandali ni Colyn dahil isang tsonggo nanaman ang narinig niya. At dahil may kasunduan sila ni Marco na bawal mag-away kaya pasimple nalang niya ito patututadyahan.





"Ano'ng mali sa tagline?" mataray na tanong niya kay Jeremie na prenteng nakaupo sa ilalim ng tent.





"Yung tagline mo, ang corny."





"Pwede ba, huwag mong pakielaman ang tagline ko. Kung gusto mo, gumawa ka ng sarili mo para sa mga kainan mo."





"Are you two fighting?"





Napabaling naman ang atensyon nilang dalawa kay Marco na kararating lang din. At dahil bawal sila mag-away ni Jeremie kaya itatanggi niya ito.





"Hindi ah. Kahit gustong-gusto kong kalbuhin ang kaibigan mo, magtitiis muna ako alang-alang sa negosyo ko."





"Wow ha, at kailangan ko pa yun ipagpasalamat?" sabi naman ni Jeremie.





"Huwag ka nalang sumagot Jeremie." mahinahong sabi niya rito. Siyempre kailangan niyang maging mabait. Baka sakaling pumayag si Marco na mag-shoot pa sa next collection niya.





"Ah ganoon ba. Basta Colyn, no fights. Siya nga pala,may bibigay pala ako."





Umalis saglit si Marco at pumunta sa pwesto kung saan nandoon ang backpack niya at tila may kinuha ito mula sa loob nito.





"Oh." abot ni Marco kay Jeremie.





"Ano ito?" tanong naman ni Jeremie.





"Two tickets sa isang recital."





"Anong gagawin ko dito? Binebenta mo?" tanong ulit ni Jeremie,





"Hindi. Bigay ko iyan sainyo ni Colyn."





"Bakit?" sabay tanong nina Jeremie at Colyn.





"Ano'ng bakit? Ayan,first date niyo. Simula ngayon ako ang mag-aayos ng mga dates ninyo sa loob ng isang linggo. Akala niyo mauutakan niyo ko? Diyan kayo nagkakamali." at ngumisi pa si Marco.





Actually, ang plano kasi talaga ni Colyn eh magpakabusy ng buong isang linggo ng sa gayon may maidahilan siya kung yayain man siyang lumabas ni Jeremie. Pero naisip narin niya na imposibleng yayain siya ni Jeremie dahil for sure may ibang pagkakaabalahan din ito. Tsaka ang usapan lang naman nila ni Marco ay walang away, at official ulit sila ni Jeremie. Wala namang sinabi na kailangang mag-date.







The EX Effect [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon