Three

113K 1.7K 81
                                    


Nasa may second floor na sila Colyn,Troy at Jeremie. Ang sabi ni Jeremie ay sa private room sila ililipat ni Troy para raw hindi maingay pero mukhang malakas ang kutob ni Colyn na kabaliktaran ang sinasabi ni Jeremie.



At pagkabukas nga ng pinto ay tama ang hinala ni Colyn na hindi talaga mapapagkatiwalaan si Jeremie sa sinabi nito. Paano sila makakapag-usap ng matino ni Troy kung ang buong barkada niya ay nasa loob?





"Akala ko ba walang iistorbo samin?" pagtataray niya kay Jeremie.



"Hindi naman sila mang-iistorbo. Tahimik lang ang mga iyan. Promise." painosenteng sagot ni Jeremie.



"Hindi na. Lilipat nalang kami ng ibang lugar ni Troy."



"I think Mr. Troy doesn't mind na dito kayo. Treat ko na ang pagkain niyo. How 'bout that Mr. Troy?"



"Okay lang naman. Besides Colyn, 'di ba kaibigan mo siya?" tinuro ni Troy si Mitch na nakaupo at pinapapak ang barbeque.





Oo nga pala,kilala ni Troy si Mitch dahil minsan na niya ito nasama sa isa sa meetings nila ni Troy.





"Oo,si Mitch. Tara na nga." nauna na siyang pumasok sa loob at umupo na. Binati naman siya ng barkada. Nakita naman ni Colyn na mukhang naguguluhan sa nangyayari. Kaya napahinga na lang siya ng malalim at nag-explain na. Wala na naman siyang kawala eh.





"Troy,these are my friends. Dylan,Mitch's husband,Marco,Mico,Erin,and Vin."



"Ehem!" pagpaparinig ng isang kumag.



Pinagtaasan lang niya ng kilay si Jeremie at binigyan ng 'ano'ng-problema-mo' look.





"May nakalimutan ka ata sa friends na sinasabi mo." sabi nito.



"Kung ang tinutukoy mo ang sarili mo mag-isip ka ulit." pagtataray niya rito.



"Wait,magkakilala kayo?" tanong ni Troy sakanya.



Pero bago pa siya makapagsalita ay naunahan na siya ni Jeremie. Lumapit ito kay Troy at inilahad ang kamay.





"Yes,I'm Jeremiah Santillan.. Colyn's ex."





Nanlaki ang mga mata ni Colyn sa sinabi nito kay Troy!

Gago yun ah!

Lakas ng loob. Sila Mitch at Erin naman ay napatigil sa pagkain habang ang apat na lalaki ay nanunuod lang at mukhang nasisiyahan pa.





"Ohh..Colyn didn't tell me about that." tinanggap ni Troy ang nakalahad na kamay ni Jeremie at umupo na sa tabi niya. Lumapit ito sakanya at bumulong.



"You have some fishy matters." sabi nito. She just rolled her eyes.





Naningkit naman ang mata ni Jeremie dahil may pabulong-bulong pa itong nalalaman. Naiinis tuloy siya.





"So,bakit kayo magkasama?" walang pakundangang tanong ni Erin.



"Pinag-uusapan namin ang photoshoot para sa catalogue and advertisement ng bagong botique ko." sagot niya.



"Ah,yung Menvasion?" tanong ni Mitch.



"Yup,at si Troy ang kinuha kong photographer."





The EX Effect [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon