2- Farewell

48 2 2
                                    

Chapter 2

~Lov~

Six am pa lang gising na ako. Iniisip ko kasi kung paano ko i-to-torture si Cozea mamaya. HAHA. Just kidding! Is it too much kung magiging harsh ako sa kanya? What I mean is, wala naman masama sa gagawin ko 'di ba? I just want to be sure na hindi na ulit masasaktan ang kaibigan ko.

Yes, I am happy for Wei. For how many years, ngayon ko nalang ulit nakita yung glow sa mata niya. Alam kong masaya siya. Kaya nga mas kailangan kong makasigurado na hindi niloloko ang kaibigan ko. I don't want to see her in lethal pain again. Though, thanks to Crazh because he brought back the old Infachuwei... the happy one. Now that her old self is back, I'll do my best na hindi na siya makitang basag na basag ulit.

You can't blame me. This is what people do for someone he loves. I love Infachuwei the same way I love Eidel kaya gagawin ko lahat para sa kanila.

Yes Lov! Tama ang ginagawa mo! Kailangan mo talaga kausapin si Crazh Cozea!

7:30 ako umalis sa Matherine. Ayoko kasi na malate sa usapan namin para kung malate siya, minus 1 agad. Ayaw pa naman ni Wei na pinaghihintay siya. Maikli lang kasi ang pasensiya ng dumb ass na 'yun.

I entered the restautant at exactly 7:59 am. O diba? Masiyado akong time conscious.

"Table for how many sir?" The waitress asked.

"Just for two, if it's possible pwede ba na sa private room nalang. Don't worry, I'll pay it in check." Sabay ngiti ko. Regular customer na kasi ako dito. Kaso dati, laging cash ang binabayad ko sa kanila. Medyo mahal kasi dito dahil for elites lang 'to kaya ang nangyayari, nagrereklamo sila kasi cash ang binabayad ko. Pwede naman daw na cheke nalang para mas safe. I can't blame them. Uso na kasi ang nakawan ngayon at alam kong mananagot sila sa manager kapag kinulang ang pera.

"This way, sir." As expected, she lead the way towards the private room pero hindi pa man ako nakakapasok sa room ay may kumaway sa akin. Woah! Ang aga niya ha! Naunahan niya pa ako! Ayos ah! Sige plus one ka for now.

"One more thing," napalingon sa akin yung waitress. "That guy over there," I pointed out Crazh. "Tell him to follow me inside."

"Yes sir."

Pumasok na ako sa private room. As expected, maayos na dito at bukas na ang aircon. Mayroong wide round sala set and a center table. May table for billiards and poker. There's a life size LED screen for entertainment, web surfing and karaoke. Mayroon ding bar sa side na puno ng drinks. Ikaw nalang ang pipili. It's a complete package. Worth it ang presyo. Magkano? 'Wag niyo na alamin. Money doesn't matter as long as the product or service is extraordinary.

Maya-maya ay pumasok na si Crazh at umupo sa sala. Wait, bakit ang cold pa rin niya? Hindi ba siya natakot sa 'kin kagabi?

"Are you some kind of jerk? Nakita mo na may table na sa labas yet pumasok ka pa rito?" Tanong niya sa akin.

"Don't worry, it's my treat." Baka wala siyang pambayad. Pero mayaman naman siya 'diba?

"It's not the money. It's your attitude." Teka nga! Siya ang dapat na nasa hot seat hindi ba?

"Hey, manahimik ka ah! Ako ang mag-iinterview ngayon. Wala kang karapatan magreklamo understood? Para naman 'to sa safety natin pareho. May career ka at hindi ko na kailangan sabihin kung ano yung akin. Alam mo na 'yun." I answered back.

"This is an elite class restaurant. Walang makakapasok na paparazzi dito." Sagot nanaman niya. Ayaw talaga patalo.

"Just to be sure. Mas okay na secured tayo." Sasagot pa sana siya pero pinandilatan ko na. Ang kulit e. Hindi masabihan.

When The Good Boy Falls For The Bad Girl (Season 1 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon