Chapter 19
Maagang gumising si Infachuwei. Pupunta kasi siya sa safe house para maghanda. Ngayon din ang araw ng outdoor educational trip ng mga taga Dreams pero ayaw naman niyang sumama doon. Nag-ayos agad siya ng sarili niya. Naligo at nagbihis, nag-almusal.
The usual, wala ang magaling niyang ama. Mas pabor naman sa kaniya ‘yon e. Para walang demonyo. ‘Yong nanay niya, hindi niya pa nakikita. Malay niya ba? Baka nandoon nanaman ‘yon sa mga amiga niya at nakikipagtsismisan pa.
Sinigurado niya na malakas ang resistensiya niya para sa session ngayon at saka siya lumabas ng pinto.
“What are you doing here?” Hindi na mapigilang mapakunot ng mga kilay niya.
Nakita lang naman niya ang nanay niya na nakatayo sa harap ng gate.
“Nasa compartment na ang luggage mo. Sakay.” Nakangiti pa ang mom niya.
“What? Anong kalokohan nanaman ba ‘to?”
“Hindi ‘to kalokohan. Katotohanan… na sasama ka sa educational trip niyo sa Baguio.”
“Hell no. Ngayon, hindi mo ako mapipigilan. Kung ayaw mo paalisin ‘yang limousine na ‘yan, sasagasaan ko ‘yan. Bahala ka, it’s your loss.” Binantaan niya ang nanay niya pero nginitian lang siya nito kaya mas lalo siyang naiinis. She’s really trying her daughter huh?
Pumunta agad siya sa parking slot ng mansion nila. Pero wala ang kotse niya doon. What the fuck.
Nag-aapoy na bumalik siya ng gate.
“WHERE THE HELL IS MY SPORTS CAR?!”
Kulang nalang na may lumabas na usok sa mga ilong niya at magtransfer siya bilang isang dragon sa sobrang galit niya pero hindi parin nagpatalo ang mom niya. Kanino pa nga ba siya magmamana?
“Hindi ko ibibigay ang sports car mo kapag hindi ka sumama. ‘Wag kang mag-alala, safe naman ‘yon pero wala sa akin ang susi. Kilala kita noh, gagawin mo lahat para makuha sakin ‘yon. One more thing, kapag hindi ka sumama sa educational trip niyo, kailangan mong umattend ng seminar na niready ng dad mo para sa training mo sa pag ha-handle ng company kaya kung ako sa’yo, sumama ka nalang.”
“Ang dami mong satsat.” Pumasok na sa limousine si Infachuwei at umandar na ito papunta sa school niya.
“ALI- 1, INFACHYUWEI-0” Pumasok si Ali sa mansion nila ng may matagumpay na ngiti. :)
--
Papasok palang ng malawak na Academy ay makikita mo na ang napakaraming nakapilang bus na gagamitin nila para sa educational trip. Two days lang silang mags-stay sa Baguio pero sinigurado ng school na magiging masaya ito para sa kanila. Habang nagsasaya, sinisigurado din nila na matututo ang mga estudyante.
“Lov, nandito ka na pala e. Ang tagal mo naman.” Nagpout pa si Eidel habang kinakausap si Lov. Nginitian lang siya nito at ginulo ang buhok niya.
“Whaaaaa! ‘Wag yung buhok ko!” Nagwawala naman ito.
“Ang cute mo nga kasi.” Pambobola ni Lov at pinisil pa siya sa pisngi.
“Ashno bash Lovsh! Bitawansh mo kosh!” Hinampas hampas ni Eidel ang kamay ni Lov hanggang sa bitawan siya nito.
“Grrrrr! Alam kong cute ako pero hindi mo ‘ko kailangan panggigilan! Isa pa, ibabalita ko lang na tumalab ‘yong plano natin na pasamahin si Infachuwei. Nagtext sa’kin si Tita Ali, mission success daw.” Sambit ni Eidel.
“Tingin mo naman hindi ko alam e tinext din ako ni tita. Updated tayo parehas noh.” Binelatan naman ni Lov si Eidel.
“Speaking of….” Tinuro ni Eidel ang limousine na sinasakyan ni Infachuwei. Mahahalata naman na kay Infachuwei ‘yon dahil may Matherine Palace Seal sa harap at gilid ng limousine.
BINABASA MO ANG
When The Good Boy Falls For The Bad Girl (Season 1 Completed)
Teen FictionGood girls fall for bad boys. Paano kung magkabaliktad? What will happen if THE GOOD BOY FALLS FOR THE BAD GIRL?