Chapter 17
Agad-agad na pinark ni Infachuwei ang sports car niya at pumasok na siya sa loob ng bahay. Nakita niya ang mom at dad niya sa dining area at nagb-breakfast."Honey, good morning. Ang aga mo nagising ha? where did you go?" Tanong nito sa kaniya.
"Bakit ngayon ka lang umuwi?" Tanong naman ng dad niya.
Hindi siya sumagot at dirediretso lang sa pag akyat papunta sa kwarto niya.
"Huh? Kakadating lang niya? Saan nanaman nanggaling ang batang 'yon?" Nagtatakang tanong ng mom niya na kakarealize lang na hindi pala umuwi ang anak kagabi.
Si Wei naman ay pumasok agad sa kuwarto niya at ibinagsak ang sarili sa kama. Sobrang saya ng feeling niya. Sobrang sarap sa pakiramdam ng session kagabi pero nakakaramdam naman siya ng antok kaya nagpahinga na siya.
---
At ___
"Parang napapadalas na kayong magkasama huh? 'Wag mo sabihing umamin ka na kay Infachuwei?"
"Oo nga bro, nagtapat ka na ba?"
Isang magandang ngiti lang ang binigay sa kanila ng lalaki.
---
Hindi mapakali si Crazh at Shan. Si Shan na nakaupo sa likod at hinihintay ang katabi. Si Crazh nakaupo sa bandang unahan ngunit nakatingin din sa pinto at hinihintay din si Infachuwei.
Sabay silang napatingin sa kaniya-kaniyang suot na relo at sabay din na tumingin sa pinto.Wla parin ang hinihintay nila.
Napasabunot na sa ulo si Shan dahil sa pag-aalala na baka hindi pumasok si Wei.
Samantalang si Crazh ay nakaupo lang at tinatap ang kamay sa armchair niya. Pero sa loob-loob niya ay kinakabahan na siya. Bakit wala pa si Infachuwei? Ilang minuto nalang at matatapos na ang break pero wala parin ito.
Kampante pa siya kaninang umaga dahil naisip niya na baka nagskip lang ito ng class pero ngayon alam niyang papasok na dapat ito pero wala parin. Hindi siya mapakali. Paano kung may masamang mangyari sa babae? Paano kung balikan ito ng criminal na gusto siyang patayin? Paano kung balikan niya si Infachuwei at tuluyang wakasan ang buhay nito? Nag-aalala siya.
Kailangan niyang makasigurado. Tama na ang pag-iisip lang at paghihintay. Tumayo siya at pumunta sa entertainment set ng room. Kumuha muna siya ng soda sa refrigerator at umupo na sa sala. Dinial niya ang number ni Infachuwei.
*Ring.. Ring..* Ring.. Ring..*
Walang sumasagot. Ring lang ito ng ring. In-end call na niya at sinubukang i-dial ulit pero busy na ito. "May kausap siya?" Pabulong na tanong niya sa sarili.
"Aish! Bakit ba hindi niya sinasagot?!" Naiinis na in-end call din ni Shan ang phone niya.
"Trying to call her?" Walang pakialam na tanong ni Crazh.
Hindi siya sinagot ni Shan at inirapan pa siya.
"Cannot be reach siya." Dagdag pa ni Crazh.
"Teka nga..." Sabi ni Shan na naglakad papalapit sa kaniya na nakapamewang. "May gusto ka ba kay Infachuwei?" Tanong nito.
"Huh?"
"'Sabi ko, may gusto ka ba kay Infachuwei?"
"A-ako? Bakit?"
"Sa kinikilos mo kasi, parang may gusto ka sa kaniya e."
"Paano kung meron nga? Anong gagawin mo?" Nanunubok na tanong ni Crazh na binigyan pa ng mapang-asar na ngiti si Shan.
BINABASA MO ANG
When The Good Boy Falls For The Bad Girl (Season 1 Completed)
Teen FictionGood girls fall for bad boys. Paano kung magkabaliktad? What will happen if THE GOOD BOY FALLS FOR THE BAD GIRL?