Chapter 8
Tumayo si Wei sa pagkakaluhod sa kalsada. She's lucky dahil mabilis ang reflexes niya at dahil narin sa voice activated nga ang sports car niya kaya nakatalon siya palabas ng sasakyan.
Tumayo siya at nakakunot noong lumapit sa sasakyan niya. Hindi na niya pinansin yung truck dahil patuloy lang naman 'yon sa pagtakbo. Hindi mawala ang pagtataka niya dahil sa nangyari. Tinitingnan niya ang sasakyan niya at naghahanap ng mali... Ng kahit anong ebidensiya na magpapakita ng isang dahilan kung bakit nasira ang sasakyan niya.
Hindi naman malaki ang sira ng sasakyan dahil nga matibay ito. Nagkaroon lang ng kaunting gasgas ang sasakyan pero hindi naman ito nayupi.
*think*
*look*
*think*
*look*
*think*
*look*
Napatingin ulit si Wei sa wristwatch niya at late na nga siya kaya naisip niya na ipa-pick up na ang sports car niya.
Ilang minuto lang ay dumating na ang sasakyan na mag pi-pick up ng sports car niya. Mabilis na naisakay ang sports car at pagkatapos ay sumama siya sa paghahatid nito sa auto shop dahil ibinibilin niya iyon sa pinakamagaling na worker. Kasabay ng pagpick-up ng sasakyan niya ay ipinadala na rin niya ang big bike niya para may magamit siya.
"JB, alam mo na kung anong gagawin mo dito ha? Investigate. I don't f*cking know kung bakit 'yan nasira. Ikaw ang katulong kong bumuo nito. We both know how substantial it is. Kaya hindi ako basta mapapanatag sa nangyari. I know ikaw din."
"Of course Ma'am. Never pang pumalpak ang mga kotse ko. Hindi rin ako makakapayag." Sagot ni JB at nakatingin parin sa sports car ni Wei at naglalakad pa paikot dito.
"Good. Sige, I'll go." Naglakad na nga si Infachuwei at lumabas ng auto shop. Sumakay siya sa motorbike niya at nagdrive papunta ng Dreams Academy.
---
Nagtataka si infachuwei dahil simula ng pagpasok niya sa gate ng academy hanggang ngayon na papasok na siya sa 'private' parking space nila ay kaunti ang tao sa paligid. Given naman na late siya but it won't change the fact na hindi nauubusan ng tao ang hallway o kahit anong lugar sa academy. Pero ngayon... ang kaunti ng tao. As in mabibilang mo lang. Nacurious lang naman si Wei pero pinabayaan narin niya dahil baka nga lang late na talaga siya.
She walks in the hallway at bawat tapak ng paa niya ay rinig na rinig ang kalampag ng mabibigat na boots niya. Pabalibag niyang binuksan ang pinto ng room niya dahil 'yon na nga ang nakasanayan niya. Bumungad sa kanya ang isang empty room. May ilang mga bags pero walang tao.
Nagpunta siya sa refrigerator sa bandang likod ng room at kumuha ng soda. Umupo siya sa sala at pinaikot pa ng isang beses ang mata niya sa room. Napako ang mata niya sa nakasulat sa blackboard.
For the late comers,
Proceed to the auditorium. The viewing of week end project presentations will be shown today. And to follow the rules, you will all receive your punishments later. ~President Crazh Cozea
"Punishment your ass. Rules... Rules.. F*ck that rules! Tss." Napipi na ni Wei ang soda can na hawak niya sa sobrang inis. Hindi rin niya alam kung bakit sobrang kumukulo ang dugo niya sa mga good boy. Lalo na kay Crazh Cozea at Shan Esana na puro grades, rules, high standing at kung anu-ano pa ang binibigyang halaga. Bakit? Magagamit ba nila ang mga iyan para sa sarili nila? Maipagtatanggol ba nila ang sarili nila dahil sa pagiging good boy nila? Hindi diba? Kaya para kay Wei, napakanonsense ng pagiging good boy. Mas okay pa na maging dumbass na kinatatakutan kesa isang goodboy na hinahangaan nga, weakling naman.
BINABASA MO ANG
When The Good Boy Falls For The Bad Girl (Season 1 Completed)
Ficção AdolescenteGood girls fall for bad boys. Paano kung magkabaliktad? What will happen if THE GOOD BOY FALLS FOR THE BAD GIRL?