WGBFFBG 26

145 10 0
                                    

Chapter 26

“C-c-crazh”

Gising na siya? Gising na ba talaga siya? Nanlaki ang mga mata ni Shan. Hindi siya makapaniwala na gising na si Wei.

Para siyang kiti-kiting hindi alam kung anong dapat gawin. Tumayo siya at nagmamadaling pumunta ng kusina pero bumalik din siya.

“Ayy mali. Ano namang gagawin ko sa kusina?”

Nagmamadali naman ang lakad niya palabas ng pinto pero bumalik ulit siya.

“Wait lang idol ha! Tatawagin ko lang yung doctor.”

Nagmamadali ulit siyang tumakbo palabas pero wala pang five seconds  ay bumalik nanaman siya.

“Mali nanaman. Hindi pala kita pwede iwan dito. Alam ko na talaga.”

Pinindot niya ang beeper sa likod ng kama at nagsalita doon.

“Nurse, gising na si Infachuwei! Nurse gising na si Infachuwei!” Natataranta pa niyang sabi.

“Coming sir.” Sagot ng isang boses.

Hindi parin makapaniwalang tinitigan niya si Wei. Baka namamalikmata lang siya. Pero gising talaga ito habang tinitingnan ang paligid. Hindi nga siya nagha-hallucinate.

Nagbigay daan siya ng dumating ang doctor na may kasamang nurse at kasama narin si Lov.

“Wei! Wei! Naalala mo ba ‘ko? Kumusta ka na? Okay ka na ba?” Sunod-sunod na tanong ni Lov na hindi rin makapaniwala na sa wakas, gising na nga si Infachuwei.

“Sir, calm down. Umupo muna po kayo. Hayaan muna po natin na macheck ni Doc ang vital signs ng patient.” Saway sa kanya ng isang nurse.

“Pasensya na po.” Yumukod siya ng bahagya saka tumabi pero nakatingin parin ito kay Infachuwei.

Si Shan naman ay nakasandal lang sa pader  habang nakatingin din kay Infachuwei. Totoo nga talaga… Gising na ito. Ibig sabihin, hindi rin guni-guni yung narinig niyang sinabi ni Wei pagkabukas ng mga mata nito.

Binanggit niya ang pangalang CRAZH.

Naghahalo nanaman ang emosyon ni Shan. Oo, masaya siya dahil sa wakas ay gising na si Wei pero ang sakit din pala na maririnig mo mismo galing sa bibig ng taong mahal mo na iba ang hinahanap niya. Na iba ang gusto niyang makita kahit ikaw ang nandiyan para sa kaniya….

Naisip niya na isantabi nalang muna ang nararamdaman niyang selos dahil mas mahalaga na gising na si Wei. Gising na ang idol niya, mas mahalaga na maalagaan niya ito at maiparamdam niya dito na sobrang mahal niya ang babae.

Kinausap ng doctor si Lov habang si Shan naman ay tinawagan na si Tita Ali niya at sina Eidel para malaman ang magandang balita.

--

“Wei, ito o, pinagbalat kita ng apple. Kain ka na muna.” -Eidel

“Idol, ito nalang lugaw, para mabusog ka. Ang tagal mo hindi nakakain e.” -Shan

“Oatmeal Infachuwei, mas masarap ‘to.” -Lov

“Gusto mo ng kahit anong drinks anak?” -Alifachu

“May kailangan ka ba na kahit ano?” –Aines

Nagkakagulo-gulo na sila sa pagaasikaso kay Wei at hindi narin alam ni Infachuwei kung alin ba ang kukunin niya. Hindi pa siya masyadong nakakapagsalita dahil hinang-hina pa ang katawan niya. Tinitigan niya lang isa-isa ang mga tao saka siya marahang umiling.

Sabay-sabay naman nalukot ang mga nakangiting mukha ng mga ito ng tanggihan ni Infachuwei lahat ng alok nila.

“Wei, alam mo ba, namiss ko ‘yung pagtataray mo!”

When The Good Boy Falls For The Bad Girl (Season 1 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon