Chapter 10
Alas kuwatro imedya palang ay gising na si Aines. Kailangan pa kasi niyang magluto at maglinis ng kuwarto ng mga amo bago pumasok. Mahirap man ang gawain niya ay hindi siya nagrereklamo at masaya niyang ginagawa ang mga ito dahil mababait naman ang amo niya. Biruin mong pinagaral pa siya ng mga ito sa pinakamahal na paaralan. Kaya napakalaki talaga ng utang na loob niya sa mga taong ito.
Bumangon na siya sa kama at walang suklay-suklay na ipinusod ang kanyang buhok
Tumayo na siya at napadako ang kaniyang mga mata sa mga paper bags na nasa lapag ng kuwarto.
Naalala pa niya na gumawa na siya ng kung ano-anong palusot kahapon para lang hindi makasama sa pamimili ni Eidel ngunit pinilit siya nito. Binlack mail pa siya para lang makasama at sinabing minsan lang naman daw siya humingi ng pabor kaya hindi narin nakatanggi si Aines.
Ipinagshopping siya ni Eidel ng mga magaganda at mamahaling damit sa boutique daw nila Wei. Manghang-mangha pa rin siya habang naaalala ang napakaganda at napakaeleganteng boutique ng mga Lengyan.
Naalala niya rin si Infachuwei. Ang mga tingin nito sa kanya. Ang galit nito. Ano bang mayroon siya at ayaw nitong magtiwala sa kanya? Kung iisipin ay na kay Wei na ang lahat. Ang ganda, yaman at tapang. Gusto sana talaga niya ang maging kaibigan ang babae pero parang ayaw naman nito. Naisip na nga niyang lumayo sa tatlong magkakaibigan na iyon, simula kasi ng makilala niya ang mga ito ay dumarami na ang nakakapansin sa kanya. Mas marami na ang nang-aapi at nangungutya. Inaakusahan pa siya na gold digger at social climber. Pero paano ba naman niya lalayuan ang mga ito lalo na kung sobrang pagmamahal at pagtitiwala ang pinapakita ni Eidel sa kanya.
Kinuha niya ang mga paper bag ng damit at itinago iyon sa cabinet. Hindi na muna niya iyon susuotin dahil naiilang parin siya. Parang napakabilis kasi ng mga pangyayari at ngayon ay kaibigan niya na ang mga pinakamayamang tao sa bansa. O kaibigan nga ba?
Lumabas na siya ng kuwarto at nagsimulang maghanda para sa kakainin ng mga amo niya. Ilang oras din ang ginugol niya sa pagluluto at paglilinis. Nagising na ang mga amo niya at saktong ayos na ang mga kakainin at nasa lamesa na ito kaya naman nakapaligo na siya dahil kailangan niya narin pumasok sa eskuwela. Ayaw niyang sayangin ang perang ginagastos sa kanya ng amo niya. Napakapriveleged na nga niya para makapag-aral kaya pagbubutihan niya.
---
Naglalakad na si Aines papasok sa paaralan. Napakaraming taong nagmamadali na magsipasok dahil malapit na magbell at sobrang higpit ng Dreams Academy pagdating sa pagiging panctual sa klase. Buti nalang at may secret passage na alam si Aines. Natuklasan niya iyon ng pinipilit niyang makatakas sa mga nam-bu-bully sa kanya.
Dumaan siya doon para makaiwas sa dami ng tao at para makaabot sa klase sa tamang oras.
"Aray." Napahawak siya sa tuhod niya dahil bigla siyang nadapa. Dahil may tumisod sa kanya. "Hays. Aga-aga, may mang-bu-bully nanaman sakin." Naisip nalang niya. Ano pa nga bang bago? Hindi yata lilipas ang isang araw na hindi siya sasaktan o lalaiitin ng mga tao sa school na ito. Sanayan nalang talaga.
"Infachuwei?" Nagulat siya ng nakita niya si Infachuwei Lengyan na nakasandal sa pader habang nakapamewang pa. Sa nakita niyang posisyon ni Wei, alam na niya na ito ang tumisod sa kanya.
Hindi pa man siya nakakatayo ay nilapitan na siya nito at iniluhod nito ang isang tuhod sa lapag para maging magkalevel ang mga mukha nila. Kinilabutan siya at nagtaasan na ang lahat ng balahibo sa katawan niya dahil kaharap niya ngayon ang dumbass ng Matherine Palace. She doesn't even have the slightest idea kung ano ang gagawin nito sa kanya.
"Hey. Ang kapal naman pala talaga ng mukha mo noh? After forcing yourself into my friends' life, peperahan mo pa sila." Galit na galit ang boses ni Wei kaya nakaramdam ng sobrang kaba si Aines.
BINABASA MO ANG
When The Good Boy Falls For The Bad Girl (Season 1 Completed)
Teen FictionGood girls fall for bad boys. Paano kung magkabaliktad? What will happen if THE GOOD BOY FALLS FOR THE BAD GIRL?