WGBFFBG 29

143 8 0
                                    

Chapter 29

Ilang araw na din ang lumipas mula noong party at kahit paano, naging maayos naman ang lahat. Wala ng mga aksidenteng nagyayari sa kanila. Though, simula noon, wala parin Crazh Cozea na nagpaparamdam.

“Are you sure about this?” Tanong ni Wei kay Lov habang nakaupo sila sa couch sa Private Room nila.

“Why? Are you hesitating? Wei, we promised her that we’ll tell her after your birthday right?” Sagot naman ni Lov.

“I know pero ewan ko ba! I’m afraid, baka hindi niya matanggap kung bakit ko ginagawa ‘to. Baka hindi niya maintindihan.”

“Gano’n ba ang pagkakakilala mo kay Eidel?”

“Hindi. Pero-“

“’Yun naman pala e. Wala ka na dapat problemahin.” Pagtatapos ni Lov sa usapan.

“Hello!” Ang ingay na umupo ni Eidel sa gitna nilang dalawa.

“O? Bakit ngayon ka lang?” Tanong sa kanya ni Lov.

“Hmmm.” Bigla namang napasimangot si Eidel.  “Kasi… nagwo-worry ako kanina. Wala pa kasing representative yung course natin sa Ms.Dreams. Ang lapit na kaya nung pageant. We are running out of time.” Dagdag niya.

Natahimik sila panandalian nang biglang nagsalita si Wei. “Bakit hindi nalang ikaw ang sumali? Maganda ka naman at syempre, expected na talaga nila na ikaw ang ilalaban.”

“Duh? E ako kaya yung reigning Ms.Dreams. Paano ako sasali?” Nakapamewang pa siya nung humarap kay Wei.

Natahimik din si Infachuwei. Oo nga pala, si Eidel nga pala ang crowned Ms. Dreams ng nakaraang taon.

Ngumiti si Eidel ng pagkalaki-laki.

“Bakit?” Tanong nila ni Lov ng sabay.

“Thank you Wei! Thank you talaga! That’s a very bright idea! Saglit lang, hintayin niyo ako ha! Five minutes!” Madaling-madali na itong lumabas ng kwarto.

“Eh? Ano bang sinabi ko?” Nagtatakang tanong ni Wei.

“Minsan talaga may sapi yung babaeng ‘yun.” Saad ni Lov kaya nagtawanan silang dalawa.

“I’m back!” Sigaw nanaman ni Eidel. Ang bilis naman ng five minutes niya.

--

“Anong lugar na ba ‘to? Saan ba talaga tayo pupunta?” Nagtatakang tanong ni Eidel.

Kinakabahan na si Infachuwei pero patuloy parin siya sa pagmamaneho. Hindi nalang siya kumikibo dahil si Lov na ang nagsasalita para sa kanya.

“’Wag ka nalang makulit okay? Ipapakita na namin sayo ‘yung pinangako namin.”

Gulat naman ang expression ni Eidel. Absolutely shocked….

“Talaga?! Yuhoo!”

“Don’t be too excited. You don’t know what awaits you.” Sa pagsasalitang iyon ni Infachuwei napatahimik si Eidel.

They continued and slow down as they approach ‘the place’.

Sabay-sabay silang bumaba ng sports car at agad naman na kumapit si Eidel kay Lov.

“Lov, nakakatakot naman dito. Bakit ang dilim? Ano ba kasing meron dito?” Natatakot na tanong ni Eidel habang nakapulupot ang mga kamay sa braso ni Lov.

“Dito ako nagpupunta palagi.” Saad ni Infachuwei.

“Ano namang ginagawa mo dito? Teka… Kapag ba madaling araw ka na umuuwi, dito ka galing?” Eidel’s face turned to a frown.

When The Good Boy Falls For The Bad Girl (Season 1 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon