Chapter 24
"Good morning class." Bati ng professor nila. "Siguro naman, aware kayong lahat sa sunod-sunod na pangyayari sa Academy. As you can see, wala rin sina Mr. Moneba, Ms. Taleiga at Mr. Esana dahil sila ang nagbabantay kay Ms. Lengyan sa ospital. Sad to say, she's in coma. Nasa Baguio General Hospital pa rin sila dahil hindi pumayag ang mga doctor na i-transfer ng ibang ospital si Ms. Lengyan. Kaya in behalf of our academy, gusto ko kayong paalalahanan na mag-ingat. Hindi natin alam kung bakit nangyayari ito at hindi rin natin alam kung sino ang may kagagawan. Alam natin pare-pareho na hindi pwedeng madumihan ang profile ng Dreams Academy so hindi nila ilalabas sa media ang mga nangyari. Students, ilang buwan nalang at g-graduate na kayo, ingatan niyo ang sarili niyo."
Namayani ang katihimikan sa class room nila. Tumayo si Crazh at pumunta sa entertainment set part ng room nila. Kumuha siya ng soda sa fridge at ininom iyon. Nakasunod ang mata ng lahat sa kanya, alam kasi ng mga block mates niya na iniligtas siya ni Infachuwei kaya ito napahamak. Imbis na makakita ng awa o pagsisisi sa mata ni Crazh. Ang makikita mo lang ay ang kawalan ng pakialam.
Bumalik ito sa upuan at tinitigan ang prof nila.
"Hindi pa po ba mag s-start ang lesson?" Tanong niya sa magalang pero malamig na paraan.
Nakaramdam siguro ng takot ang professor nila kaya nagsimula na itong mag discuss.
Unti-unti ay nawawala na rin ang mga matang nakatingin sa kanya.
--
"Ahahahahaha. Kakaiba ka talaga hijo, ang lakas ng sense of humor mo. I like you."
Unti-unting idinilat ni Eidel ang mga mata niya.
-_O
O_O
Nakita niya na nagtatawanan sina Shan at si Tita Ali niya habang nasa mini cuisine ng hospital room.
Dahan-dahan siyang nag-inat.
\ ^O^ /
Napangiti agad siya habang tinitingnan si Tita Ali niya. Atleast, kahit papaano ay nakakangiti na ito hindi tulad kahapon na iyak lang ito ng iyak. Halatang halata naman sa namamagang mata nito na wala itong tigil sa pag-iyak. Salamat kay Shan na napatawa ulit ang mommy ni Infachuwei.
Napadako naman ang tingin niya kay Infachuwei. Wala pa rin itong malay. Kailan kaya siya magigising? Kahit hindi niya alam, nahihirapan ang mga taong malalapit sa kanya kapag wala siya. Hindi nga siguro siya palangiti at masayahin katulad ng iba pero may kakaiba kasi sa personality niya na hahanap-hanapin mo pa rin.
Sa tabi ng kama ni Wei ay nakita niya si Lov na nakaupo at nakapatong ang ulo sa kama ni Infachuwei at doon natutulog. Gumalaw-galaw pa ito. Halatang hindi ito kumportable sa posisyon nito kaya lumapit na siya.
"Lov, doon ka na matulog sa kama. Ako naman diyan." Inalog niya sa balikat ang kaibigan para medyo magising na ito.
Dumilat naman ito ng bahagya at binigyan siya ng 'huh?' look'
"Sabi ko, doon ka na sa kama. Nakatulog naman ako ng maayos e. Ako naman magbabantay sa kanya."
Hindi man sumagot si Lov ay tumayo na ito at tinapik siya sa balikat saka naglakad papunta sa kama.
Tiningnan niya ang kaibigan niya na pabagsak humiga at napangiti na lang siya.
Maya-maya ay dumako naman kay Infachuwei ang tingin niya. Sana naman gumising na ito. Gusto niya kasing makabawi dito lalo pa at nalaman niya na ginagawa pala nito ang lahat para lang subukang matanggap si Aines.
Speaking of Aines... Dadalaw yata siya mamaya. Kung may nagustuhan man siya kay Aines, iyon ay ang pagiging palakaibigan nito at ang pagiging mapagmalasakit. Lagi siya nitong inaalagaan at lagi rin silang nagkakasundo lalo na pag wattpad ang usapan.
BINABASA MO ANG
When The Good Boy Falls For The Bad Girl (Season 1 Completed)
Novela JuvenilGood girls fall for bad boys. Paano kung magkabaliktad? What will happen if THE GOOD BOY FALLS FOR THE BAD GIRL?