WGBFFBG 2

475 54 13
                                    

Chapter 2

"La~La~La~"

Kanta ni Eidel habang siya ay pababa ng malawak na hagdan ng kanilang tahanan. Nakasuot na siya ng kanilang uniform at handa ng pumasok. Pero may nakalimutan pa pala siyang isang bagay.

"Oh noes! Hindi pa pala ako kumakain ng special breakfast ko! Yay! Buti naalala ko. Makakain na nga!" excited na sabi ni Eidel at naglakad siya papunta sa kusina.

Masasabi mong napakaganda talaga ng bahay nila Eidel. Hindi lang ito maganda, matatatawag mo pang hightech.

Ang kanilang malawak na hagdan ay gawa sa LED. Maari rin itong kusang umandar na parang escalator sa pamamagitan lang ng pagsasabi ng 'movement on'. Pero dahil nga ginagawa na ding exercise ni Eidel ang pagbaba ng hagdan, hindi na niya ginagamit ang techno ng hagdan nila.

Katulad ng ibang bahay, may malalaking bintana at magagandang kurtina din ang kanilang tahanan. Ang pinagkaiba lang ay gawa sa kakaibang salamin ang bintana nila at pwede itong mapalitan ng view.

"Paris view please."

At ang isa nga sa paboritong view ni Eidel ay ang lugar ng Paris.

Ang mga gadgets din nila sa bahay ay kakaiba. Ang kanilang Television set at Videoke set ay voice activated din. Wala na siyang kailangan gawin kun'di ang umupo at magsalita. Pwede din siyang mag surf thru internet gamit ang gigantic television nila. Kaya niya ding sumagap ng television channels ng ibang bansa at higit sa lahat ay may satellite tracker din ang kanilang tv. Kaya nitong matrack ang location ng lahat ng uri ng gadgets sa buong mundo. Simula sa cellphones and even machines. Kahit sa ibang bansa ay kayang ma-track. Buong mundo nga diba?

Ang kanilang cuisine at dining room ay gawa sa machines. Pwede silang umorder ng kahit anong naisin nilang pagkain at automatic na machine ang gagawa nun para sa kanila. Kung inaakala niyo na hindi yun masarap kumpara sa lutong bahay, pwes nagkakamali kayo. Walang pinagkaiba ang mga luto na ito.

Naaayon ang pagluluto sa nanaiisin ng nagpapaluto. Pwede rin silang mag imbento ng pagkain na gusto nila. Whatever they say, the machines will do.

At hindi pahuhuli ang mga high tech na banyo. Puro water proof machines ang matatagpuan dito. Ang bath tub ay gawa sa pinaghalong marmol and metal tiles na nilagyan ng chips para maactivate ang high tech power. Ganoon din ang toilets and showers. Mayroon ding mga entertainment sets gaya ng televisions and DVD's na maaring magamit habang nagrerelax sa bath tub.

At siyempre, ang mga kwarto. Kung hightech na ang sala, kitchen and toilets. Ganoon din ang kwarto nila. May mga kakaibang gadgets sa bawat kwarto na nakalagay sa kagustuhan ng mga amo.

At walang katulong ang maaring makapasok sa kahit anong kuwarto. Ang paglilinis? Kaya ng machine yan.

Ang tanging gawain ng katulong ay magsalita ng kung ano ang dapat gawin ng mga machines. Kung mayroon man silang pinagtutuunan ng pansin ay ang natatanging lugar sa tahanang ito.

Ang Garden. Ang garden lamang ang tanging lugar na hindi hightec ngunit hitik sa bunga ang iba't ibang klase ng bulaklak. Mga bulaklak na ang iba ay mula pa sa ibang bansa.

Kabilang na diyan ang Mugunghwa (national flower of South Korea), Prunus, Lilium at Majhantemum mula sa Korea.

Mula naman sa Japan ay ang Yellow Crysanthenum, Japanese Camellia, Japanese Lotus at Azalea.

At mula naman sa America ang mga Roses, Tulips, Daisies at Orchids.

Hindi man ito high tech, ang lugar na ito ang pinaka pinapangalagaan dahil-

"Hi! Paagaw ako ng POV! Ang ingay niya kasi e. Describe ng describe sa bahay namin. Tapos hindi man lang ako pinapakilala. Parang mas importante pa yung bahay. Nakakatampo kaya. ['•~•']

When The Good Boy Falls For The Bad Girl (Season 1 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon