WGBFFBG 15

186 21 2
                                    

Chapter 15

"Tulong! Tulong! Dalhin natin siya sa ospital!"

"What the hell! Anong nangyari kay Wei?! Anong ginawa mo sa kaniya?!"

"Wei, okay ka lang, 'wag mo 'kong iwan. Sasawayin mo pa 'ko dahil sa pagiging brat ko diba?"

"Infachuwei, kahit hindi na ikaw ang last dance ko ngayon, just don't leave me. Please...."

*Weng! Weng! Weng! Weng! Weng!*

"Hanggang dito lang po kayo sa labas, kami na po ang bahala sa pasyente."

"Doc, pulse rate negative."

"Clear."

"Continue Operation."

"Ligtas na siya but we need to ran other examinations to make sure there's no other infection."

"Thank you Doc."

"Anak... Kasalanan ko 'to, dapat hindi na kita pinilit umattend ng event."

---

"Ouch." Napahawak si Wei sa ulo niya dahil bigla itong kumirot. Dahan-dahan siyang dumilat at nag-adjust ang mga mata niya sa lugar na kinaroroonan niya. Nakita niya ang nakasaksak na dextrose sa kaniya kaya nalaman niyang nasa ospital siya.

Nakita niya na nakaupo ang mom niya sa tabi ng kama at nakayuko habang nakapatong ang ulo sa kama. Hawak rin nito ang kamay niya. Gumalaw ito at napadilat.

"Anak. You're awake. Okay ka lang ba? May masakit ba? Tatawagin ko yung nurse." Tumayo ang mommy niya para maglakad pero pinigilan niya. " 'Wag ka ngang paranoid, I'm fine." Sagot niya.

Umupo ulit ang mom niya sa tabi ng kama niya at hinawakan siya nito sa kamay.

"Bakit ba ako nandito? Wala pa akong masiyadong maalala." Tanong ni Wei.

"Valentine's Event." Sagot ng mom niya na sobrang guilty. "Anak, so-"

"Don't do that. You don't need to say anything. That's a deal."

Maya-maya ay may naglakad papalapit sa kanila.

"What are you doing here?" Kunot noong tanong ni Infachuwei.

"Anak, siya ang kasama ko dito simula pa noong isang araw. Binabantayan ka din niya." Binigyan siya ng isang magandang ngiti ng Mom niya. "Sige, lalabas muna ako para makapagusap kayo ha. Excuse me." Dagdag pa nito. Lumabas siya at sinara ang pinto.

"Kumain ka muna." Kumuha ito ng apple at pinagbalatan siya. Hiniwa niya ang mga ito at saka iniabot kay Wei.

"Hindi mo sinagot ang tanong ko. Why are you here?" Tanong ulit niya.

"Hindi mo ba talaga maalala?"

"Tatanungin ba kita kung naaalala ko na? Stupid." Kakamulat lang niya mula sa pagtulog ng ilang araw pero naiinis nanaman siya.

"Thanks for saving my life once again."

"Saving your life? Me?"

Flashback...

Nilapitan ni Infachuwei ang narinig niyang nagsasalita. Madilim man sa kinatatayuan niya ngunit nakita niya na may kausap sa telepono si Crazh Cozea at nakita din niya ang isang lalaking nasa hindi kalayuan sa likod nito at may hawak na baril.

End of Flashback...

"Naaalala ko na." Wika ni Wei.

"Namukhaan mo ba kung sino?" Tanong ni Crazh sa kaniya.

When The Good Boy Falls For The Bad Girl (Season 1 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon