Chapter 4
*Ring! Ring! Ring!*
*Ring! Ring! Ring!*
*Ring! Ring! Ring!*
For how many times, kinuha at pinatay nanaman ni Wei ang phone niya ng hindi man lang tinitingnan kung sino ang tumatawag. Sinalampak niya ang ulo niya sa kama at tinakpan ito ng unan.
*Ring! Ring! Ring!*
Pero pinatay niya nanaman.
*Ring! Ring! Ring*
At pinatay niya ulit.
*Ring! Ring! Ring!*
Ano pa nga ba? Pinatay nanaman.
*Ring! Ring! Ring!*
"What the hell?! Sino ka ba at iniistorbo ang pagtulog ko?! Wanna die?!" pasigaw niyang sagot sa tumawag sa kanya.
"Chill there beautiful. Look outside your window." sagot ng kausap niya.
"And who do you think you are to give me an order huh?"
"Can you stop complaining? Ikaw ang may kasalanan this time so just look outside yo-"
"And then?" pagputol ni Wei.
"Anong and then?" tanong ng kausap niya.
"Hindi lang pala bastos yung kausap ko, tanga pa. Anong gagawin ko pagkatapos ko tumingin sa labas?" paglilinaw niya sa tanong niya kanina.
"Look at your clock." sagot ng kausap niya.
"Tapos?"
"Anong oras na?"
"9:15 am. Teka nga! ano ba 'to? Ang dami pong paligoy-ligoy. Matutulog pa ko!"
"Exactly! 9:15 am na at kung may mata ka, nakita mo naman siguro sa labas ng bintana mo na mataas na ang sikat ng araw. The last time I checked, 7 am ang usapan natin at gagawa pa tayo ng weekend project. Sa ngayon, nasayang na natin ang 2 hours, 15 minutes and 28 seconds plus 2 hours, 15 minutes and 28 seconds narin akong naghihintay sa gate ng Matherine dahil ayaw akong papasukin ng guard niyo." pagsesermon ni Shan.
"Sh*t! I forgot!" Napa face palm nalang siya.
"Tsk. Tsk. Tsk. Maganda ka sa-"
"Shut your mouth, para kang babae kung dumaldal. I'll go prepare myself. Bye!"
"Teka, hindi mo man lang ba 'ko papasuk-"
And she ended the call.
Tumayo si Wei at agad agad na pumunta sa closet niya. Muntik pa siya matumba dahil nawala ang balance niya. Nahihilo pa rin kasi siya. Kinuha niya ang blue v- neck shirt niya at ang black leather jacket niya. Tinernohan niya ito ng black jeans at naligo na.
Pagkatapos maligo ay naglagay lang siya ng eyeliner at nagsuklay. Lumabas na siya ng kwarto upang bumaba. Hindi na niya naisip kumain kaya dumiretso na siya sa SC niya at nagmaneho papunta sa gate ng Matherine.
Mabilis siyang nakadating sa gate at pinark ang sasakyan niya sa parking lot na katabi ng guard house. Pagkatapos mag park ay bumaba agad siya at naglakad palabas ng gate.
"W-O-W! Ang ganda mo sana ngayon kaso hindi mo man lang naisip na papasukin ako. Are you aware how hot the temperature is?" salubong sa kanya ni Shan.
Naglakad lang siya papunta sa pinto ng kotse ni Shan at sumandal.
"What's the use of your cars' aircon if you're not going to use it." emotionless na sabi niya. "Buksan mo na." utos pa niya.
BINABASA MO ANG
When The Good Boy Falls For The Bad Girl (Season 1 Completed)
Teen FictionGood girls fall for bad boys. Paano kung magkabaliktad? What will happen if THE GOOD BOY FALLS FOR THE BAD GIRL?