Chapter 3
"Bulok na yang style mo." walang pakialam na sagot ni Wei kay Shan habang tinatapos iligpit ang gamit niya. "You will use different words such as 'I'm not after your money', 'I really like you', 'I'll do everything for you'. But at the end? Pera at material things parin ang habol niyo. Sorry but I'm not a stupid child na mauuto sa isang simpleng candy." Tumayo siya at naglakad diretso sa pinto.
Ngunit napahinto siya sa narinig na sinabi ni Shan.
"Hindi lahat ng tao sa paligid mo pare-pareho. I only say it once Infachuwei, but I'll prove it to you a thousand times."
Nanatili siyang nakatayo sa puwesto niya dahil sa kakaiba ang paraan ng pagsasalita ni Shan sa sinabi niya. Hindi ito sa paraang masaya katulad ng lagi niyang pinapakita. At ang isa pang kinakabahala ni Wei ay ang kakaibang pakiramdam ng banggitin ni Shan ang pangalan niya.
Nang makarecover si Wei ay agad siyang naglakad at pumunta sa Dreams Restaurant. Inabutan niya na masayang nagkukwentuhan si Aines at Eidel.
Umupo siya agad at binati naman siya ng dalawa.
"Hi Wei! Napatagal ka?" ^O^
Masiglang bati sa kanya ni Eidel na sinundan naman ng pagbati sa kanya ni Aines.
"Hi rin Wei." malumanay na bati nito.
"Wei? Are you my friend? Only my friends can call me Wei." tanong ni Wei habang nakatingin sa mga mata ni Aines.
"S-sorry." Napayuko naman bigla ang dalaga dahil sa kahihiyan.
"Grrr! Wei! Ano ba naman yan?! Ang cruel mo talaga. Nakakahurt ka na! Aines is so nice pa naman." Naiinis na sabi ni Eidel kay Wei.
Nag roll eyes lang naman si Wei sa kanya. Hinayaan nalang niya ito at sa halip ay kinomfort ang isa pang kaibigan.
"Naku Aines! Wag mo na pansinin yan si Wei. Ganyan talaga yan, masasanay ka din. Ganyan siya magshow ng love sa friends niya." pagpapalubag loob na sabi niya habang hinihimas sa likod ang kaibigan.
Maya maya ay nagsimula na ulit magkwento si Eidel tungkol sa wattpad kaya paunti unti ay bumabalik sa sarili si Aines. Ngunit bakas parin sa mukha niya ang pag-aalangan dahil nasa paligid lang si Wei at mistulang dapat na bantay niya ang mga salita niya upang hindi magkamali.
"Del, where's Lov?" tanong ni Wei kay Eidel.
Tiningnan siya ni Eidel at pagkatapos ay bumalik sa pakikipag-usap kay Aines.
"Hey, I'm asking you." sa halip na sumagot ay mas lalong nilakasan ni Eidel ang boses niya.
"Okay fine. I didn't mean what I said earlier." sabay roll eyes pa niya.
Hindi parin siya sinasagot ng kaibigan na kinainis niya na.
"Ano ba Eidel Taleiga? Wala ka bang naririnig?!"
"Grrr! Mahirap ba kasing tawagin akong Eydee. Eydee ha! E-Y-D-E-E! Eydee!" pasinghal na sagot din ng kaibigan.
"My God! Your so childish!"
"Whatever." (>_<)w
"Eydee.. Nasan na si Lov?" sarcastic na sabi ni Wei.
"Ahm. Mag-ccr daw siya kanina e. Hindi ko alam kung bakit ang tagal." nakangiting sagot ni Eidel dahil nakuha na ang gusto niya.
-Hoy! Hoy! Hoy! Isa ka pa! Kanina ka pa tawag ng tawag ng Eidel sakin! Eydee nga gusto ko e! Ang kulit din ng lahi mo ah!
BINABASA MO ANG
When The Good Boy Falls For The Bad Girl (Season 1 Completed)
Teen FictionGood girls fall for bad boys. Paano kung magkabaliktad? What will happen if THE GOOD BOY FALLS FOR THE BAD GIRL?