WGBFFBG 13

163 21 0
                                    

Chapter 13

 Ilang araw na rin ang lumipas. Ilang araw mula noong hinarang at kinausap ng Shatters si Wei. Ngayon ay February 13 na at huling araw ng midterms nila. Huling araw ng pahirap dahil bukas naman ay araw ng pagsasaya. Day for love, party, and hearts.  Pinakamasayang araw sa mga kababaihan at kalalakihan sa Dreams Academy... pero hindi para kay Infachuwei. Ito ang araw na kinasusuklaman niya. Isang araw na normal pero nakakainis para sa kaniya. Bakit ba kasi kailangan pang magsayang ng pera para sa mga parties at dates? Magsasayang ka pa ng pera para bumili ng bulaklak e mabubulok din naman. Magsasayang ka pa ng pera para sa mga chocolates e mauubos din naman, worse, magkakaroon ka pa ng tonsilitis. Bakit ka pa magsasayang ng pera para bumili ng mga teddy bear na hindi naman mapapakinabangan? All of that are nonsense and worthless wasting of money.

Alam niyo kung ano yung dapat na pag-ipunan? Iyong gaganapin na paghaharap ng Shatters at ng Furious (grupo nila Infahuwei). Eksaktong dalawang buwan nalang ang natitira at gaganapin na iyon. Matapos ang hindi inaasahang paguusap ni Wei at ng Shatters, agad-agad siyang nagpunta sa safe house upang balaan at balitaan ang iba.

Iba't ibang reaksiyon ang sumambulat pagkatapos niyang magsalita. May mga nagulat at sinabing, "Sigurado ka ba queen? Kakayanin ba natin sila?" Mayroon din namang mga natuwa at naging excited sa gaganaping laban. Mayroon ding mga walang pakialam. Ngunit pagkatapos ng balitang iyon ay iisa lang ang ginawa ng lahat. Ang maghanda at ihanda ang products. Magsanay ng maigi para sa gaganaping paghaharap.

Nakuha narin ni Infachuwei ang sports car niya noong nakaraang linggo at hindi na nga niya nalaman kung sino o bakit nasira ang kotse niya. Wei is the type of person that won't stop until she gets all the answers that she wants. Pero sa ngayon, mas maraming kailangan intindihin rather than investigating about that. Ang mahalaga, maayos na ang sports car niya. She can't imagine how boring her life would be without it.

*tok tok* 

Pumasok si Alifachu Lengyan sa kuwarto ng anak.

"Oh. You're almost ready to go to school na pala. Can I talk to you for a while?"

Tumingin si Infachuwei sa wrist watch niya at saka tumango. Lumapit sa kaniya ang mommy niya at umupo ito sa kama.

"How are you anak? Matagal na tayong hindi nakakapag kuwentuhan."

"Wala ka na bang makachismisan sa mga kumare mo kaya ako na ang kinakausap mo? Please, stop acting like you care A LOT."

Mapait ang naging sagot ni Infachuwei sa mom niya. Wala naman siyang kung anong galit dito but starting that day... Simula nang mangyari ang bagay na iyon, lumayo na ang loob niya sa pamilya niya. Sa mom niya at lalong-lalo na sa dad niya.

"Honey, don't say that. Alam mo kung gaano ka kahalaga sa'kin diba? I love you... so much."

"Really? Why can't I feel it then?" sagot ni Wei na ginawang sarcastic ang tono ng pagsasalita.

Tinapos na niya ang pag-a-apply ng eye liner at saka umupo ng nakaharap sa mom niya.

"Just do it straight to the point. What do you need from me?"

Inaasahan sana niya na sasagot ang mom niya ng karaniwang sagot ng mga magulang sa mga ganitong pangyayari kagaya ng "Anong tingin mo sakin anak, lalapit lang sa'yo pag may kailangan?" o kaya naman, "Wala akong kailangan anak, I just missed you and I just want to have some time talking to you." Pero ano pa nga ba ang aasahan niya?

"Last day ng midterm niyo ngayon right? Laging binabalita sa aking ng head committee na hindi ka daw umaattend ng meetings kapag mayroong gaganaping activities. Nakakalimutan mo na ba na officer ka at part ng committee?"

When The Good Boy Falls For The Bad Girl (Season 1 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon