WGBFFBG 21

162 15 0
                                    

Chapter 21

"Oh my God! Wei anong nangyari sa'yo?" Alalang-alala ang mukha ni Eidel. Buti na lamang ay medyo nabawasan na iyon ng makita niya na papalapit si Lov, Shan at Infachuwei sa lugar na kinatatayuan niya at ng iba pang students. Inaalalayan ni Lov at Shan maglakad si Wei dahil sobrang nanghihina pa ito.

Niyakap ni Eidel ang kaibigan at may luha pang tumulo sa mga mata nito. "Ako yung seatmate mo sa bus pero hindi man lang kita nagawang bantayan, hindi man lang kita natulungan, sana man lang kasama mo ako nung mga oras na nahihirapan ka sa loob. Don't worry, tutulong ako sa pag i-investigate sa nangyari. Kailangan managot ang gumawa nito."

Niyakap din ni Infachuwei si Eidel at saka hinagod ang likod nito. "Huwag ka ngang umiyak. Kahit kailan talaga, ang OA mo. Hindi pa naman ako patay. Makareact ka naman."

Bumitaw sa pagkakayakap si Eidel.

"Kami nga na nakaamoy nung chemical, medyo nahilo pa kahit sumingaw na 'yong bus. Ikaw pa kaya na nakulong doon ng ilang minuto. Alam mo bang kung tumagal ka pa doon, baka namatay ka na! Salamat talaga sa tumulong sa'yo. T-teka, si Shan ba?"

"Oo. Ako nga. Paano mo nalaman 'yong nangyari sa kaniya? Wala namang ibang nakakita ha?" Nagtatakang tanong ni Shan.

"Anong klaseng tanong ba naman 'yan. Obvious naman e. Binasag ang pinto, wala namang nagalaw na gamit sa loob. So hindi pagnanakaw diba? Plus the fact na naaamoy pa namin yung chemical what na 'yon. Malalaman agad na nasuffocate siya sa loob. Hayssss. Pwede kaya ako maging detective." At nag-imagine nanaman po siya. "Anyway, Wei kailangan mo magpacheck-up. Tinawagan ko na si Tita Ali at kapag nalaman daw niya na hindi ka pa nagpacheck-up, susunod siya dito para siya pa ang magdala sa'yo sa hospital. P.S: Dadalhin na din daw niya ang picture ng sports car mo na wasak-wasak na."

"You win." For the first time! Hindi umangal si Infachuwei!

"Kaya pa?" Cool na tanong ni Crazh na nakalapit na pala sa kanila.

Tumango nalang si Infachuwei bilang sagot pero napapapikit parin siya kapag biglang nahihilo. Buti nalang at naka-alalay parin sa kaniya si Lov at Shan.

Tiningnan ni Crazh si Lov at si Shan na naka-alalay nga kay Wei. Mas tumagal ang mata niya kay Shan na nakapulupot ang kamay sa bewang ni Wei para alalayan. Sa simpleng tinginan na 'yon, mukhang nagkakaintindihan na ang dalawa at nagsmirk pa si Shan kay Crazh.

Tinapik ni Crazh sa balikat si Wei saka nakapamulsang tumalikod at naglakad pabalik sa kinaroroonan ng C3.

Dumating ang professor nila. "Miss Infachuwei, in any minute, dadating na ang ambulance kaya 'wag kang bibitaw. Sumama ka na din sa hospital Mr.Esana, basang-basa na ng dugo 'yang bandage mo oh. Mukhang kailangan tahiin 'yan." Tumango nalang si Shan. Nakangiti parin ito kahit namumutla na. Madami-daming dugo narin kasi ang nawawala sa kaniya considering na hindi lang naman isa ang natamo niyang hiwa.

"Students, tama na ang pag-uusap/pagchi-chismisan. Kailangan na natin bumalik sa hotel dahil mag-gagabi na. Papunta na ang ilang pulis na mag-iinvestigate. Let's just leave this to them. 'Yung students ng Bus #13, sumakay muna kayo sa Bus#15 since kaunti lang ang students doon. Ms. Eidel Taleiga, maiwan ka dito para alalayan ang mga pulis."

"Aye! Aye!" Sagot ni Eidel na nakasaludo pa.

Maya-maya ay dumating na ang ambulance na magdadala sa kanila sa hospital. Sumama din si Lov para bantayan ang dalawa. Pareho silang injured kaya mas mabuting may kasama sila.

--

Nakahiga sa hospital bed si Infachuwei habang natutulog at si Shan naman ay nakaupo sa isang upuan. Nakasandal lang ito sa pader. Natahi na ang sugat ni Shan at nacheck-up na din si Infachuwei.

When The Good Boy Falls For The Bad Girl (Season 1 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon