Chapter 20
Past 3:00 na ng hapon ng makarating sila sa Baguio. Nagcheck-in sila sa pinakamalaking hotel sa Baguio.
Dapat talaga ay isang room sa bawat student pero dahil fully booked na daw sila. No choice kung ‘di mag dalawang tao per room. Marami ding mga estudyanteng nagalit. Syempre hindi sila sanay na may kasama sa kuwarto kahit kaibigan pa nila ‘yan. Mayayaman kasi silang lahat kaya natural na maaarte sila. Pwede pa sana sila maghanap ng iba pang hotel pero dahil pagod na silang lahat sa byahe ay pumayag nalang ang mga students… Maliban kay Infachuwei.
“Kayo ang pinakaluxurious na hotel here in Baguio yet you can’t provide us individual rooms? Heard about privacy? Kailangan ko kasi ‘yon. Kaya kung puwede lang, magproduce kayo ng room. Kung ayaw niyong mawalan ng business.”
Nagtataka ang babae sa desk area. Hindi siguro niya kilala si Infachuwei.
“With all due respect ma’am, kahit po gustuhin namin na bigyan kayo ng tig-iisang kuwarto, wala na po kaming magagawa dahil fully booked na talaga. At mukhang hindi naman po yata tama na masira ang business namin dahil lang hindi namin kayo nabigyan ng sarili niyong room. Yung iba niyo nga pong classmate nagtiyaga na magkasama sa isang room e. Tapos kayo, magpupumilit pa? Hindi naman po namin kayo pinipilit mag check-in sa hotel namin. Kung gusto niyo po sa iba, malaya kayong maghanap ng iba.”
“Hmmm. Mukhang hindi mo ko kilala kaya ganyan ka sumagot. Well, hayaan nalang natin kung ganoon. Pero tatandaan mo ‘tong araw na ‘to hah? Na binangga mo ang isang dumbass na katulad ko.”
Kinuwelyuhan niya sandali ang babae at binitawan din naman ito agad. Pagtalikod niya ay bumungad naman sa kaniya ang mga kaklase niya na nakatingin at nanonood pala sa eksenang ginawa niya.
Kinuha niya ang luggage niya at nagsimulang maglakad. She doesn’t care about anything. Wala siyang pakialaman kung pag-usapan pa siya ng mga chismosa at chismosong ‘yon.
“Wei, where are you going?” Kalmadong tanong ni Lov na nakahawak na sa braso niya.
“Ayoko mag-stay sa walang kuwentang hotel.”
“Hindi ka pwedeng umalis. Hindi ka papayagan ng mga professors natin. Kailangan daw magkakasama tayo.” Balik ni Lov.
“Tingin mo ba mapipigilan ako ng mga professors na ‘yan?” Tanong naman ni Wei na may kakaibang tapang sa mata.
“P-pero-“
Ipinagpatuloy ni Infachuwei ang paglalakad pero humarang sa harap ng entrance si Eidel. Idinipa pa nito ang kamay na animoy pinapahinto ang isang kotseng umaandar papunta sa kaniya upang sagasaan siya.
”Kakausapin ka daw ni Tita Ali.”
Hinihingal pa si Eidel pero inabot niya ang phone kay Wei.
“O?” Tanong ni Wei at nakakunot noo pa.
“Huwag kang gumawa ng kahit anong scandal intiendes? Baka may makakilala sa’yo diyan at sabihing war freak ang anak ng pinakamayamang tao sa Pilipinas. Kapag may nabalitaan akong kahit anong balak mo. Hindi mo na makikita ang sports car mo. Sumpa sa bato.” Pagbabanta ng mom niya.
Pinatay nalang niya ang tawag. “Buwisit ka talagang babae ka. Iakyat mo ‘yang mga gamit ko sa kwarto ha! Ginusto mo ‘to e.”
Tumalikod na si Wei at naglakad palapit sa elevator at paakyat sa designated room nila ni Eidel. Naiwan niya ang mga tao doon na nakatingin lang sa kaniya.
--
“Grrrr. Ang bigat ng bag mo ha!” Nagrereklamo si Eidel saka ibinaba ang luggage ni Wei. Inabutan ba naman niya si Wei na nakahilata sa kama at nakikinig sa music habang siya ay nagpakahirap na iakyat lahat ng gamit nila. Why so unfair ng buhay?
BINABASA MO ANG
When The Good Boy Falls For The Bad Girl (Season 1 Completed)
JugendliteraturGood girls fall for bad boys. Paano kung magkabaliktad? What will happen if THE GOOD BOY FALLS FOR THE BAD GIRL?