Chapter 14
Madaling araw na umuwi si Infachuwei. Lagi na kasi siyang dumadaan sa safe house. Lagi niyang chi-ne-check at binibilang kung kumpleto ba ang products at kung hindi ito defected. Kailangan nilang masigurado na magiging maganda ang presentation na gaganapin sa April 13.
*Tok! Tok! Tok!*
"Anak! Gising na! Infachuwei Lengyan! Gumising ka naaaaaaa!"
"Ano ba 'yan? Leche naman! Ang aga-aga, sigaw ng sigaw!" Sigaw na din ng sigaw si Infachuwei habang binubuksan ang pinto. Pag bukas ay nakatayo doon ang mommyniya na nakapamewang pa.
"Anong maaga?! Honey, it's almost 11:00 am! 4:00 pm ang start ng event! Akala mo ba madali ang pag-aayos? Matatagalan iyon and you can't be late!" Pagsesermon pa ng mom niya.
"Tss. Bakit kasi kailangan pa mag-ayos?" Iniwan niyang bukas ang pinto at muling isinubsob ang sarili niya sa kama.
Pumasok ang mom niya sa room niya at hinatak-hatak siya para makatayo sa pagkakahiga.
"Kailangan mo talaga mag ayos dahil party ang pupuntahan mo. Kaya bangon na. Dali! Get up honey, get up."
Mas lalo niyang binibigatan ang sarili niya at mas lalo siyang hindi bumabangon.
"Honey, you made a promise remember? Tinupad ko din ang wish mo kahit nagtalo pa kami ng dad mo kaya sumunod ka na."
Tumayo si Wei na iritang-irita.
"Fine! Fine! Just stop calling me honey 'cause I'm not Honey!"
Nagdire-diretso sa paglalakad papunta sa banyo at ibinalibag na ang pinto.
---
Nakaupo ngayon si Aines sa kama niya sa maid's room at hawak-hawak niya ang gown na ibinigay ni Lov. Sa isang kamay naman niya ay hawak niya ang sulat na kagabi pa gumugulo sa isip niya.
"Be my date tomorrow. Good night." -Lov
Pupunta ba siya? Bakit siya? Bakit hindi nalang si Eidel? O si Infachwei? Bakit siya pa?
Pero mukhang sa iniisip niya, wala talaga siyang balak na umattend sa activity na iyon. Bukod sa marami pa siyang kailangan asikasuhin at trabahuhin sa bahay ng amo niya ay natatakot din siya.
Naiisip niya ang mga mapangutya at nanlilisik na mga mata na sasalubong sa kaniya sa Dreams Academy kapag nakitang escort niya sa gabing iyon ang nag-iisang Prince of Matherine. Baka mapatay na siya ng mga babae pag nagkataon.
"Haysss." Ibinalik na niya ang gown sa loob ng box noon at saka itinabi ang sulat. Mukhang mas mabuti nga kung hindi siya pupunta.
Tumayo na siya para sana lumabas ng kuwarto at maglinis nalang ng biglang tumunog ang phone niya.
Unknown number calling...
Sino naman kaya 'to? Hindi nalang niya ito sinagot dahil marami na ngayon ang naloloko dahil sa tawag-tawag na 'yan.
Ibinulsa nalang niya ang cellphone niya.
Maya-maya, Unknown number calling...
Sino ba talaga 'to? Bakit tawag ng tawag? Nireject niya ang call at ibinulsa ulit ang cellphone niya.
*bzzt bzzt*
Kinuha niya ang cellphone niya. 1 unread message naman ngayon. Inopen niya 'yon since wala namang mangyayaring masama. Hindi naman kasi siya magrereply kung hindi naman pala niya kilala.
From: Unknown Number
Sagutin mo 'yong tawag. I'm waiting outside your house. -Lov
BINABASA MO ANG
When The Good Boy Falls For The Bad Girl (Season 1 Completed)
Teen FictionGood girls fall for bad boys. Paano kung magkabaliktad? What will happen if THE GOOD BOY FALLS FOR THE BAD GIRL?