Domus Maria Chapel is like heaven in the morning dahil sa mga madre na nagdadasal ng kanilang morning prayer, ang Benedictus. Every morning, ganun nakatakda nilang gawin bago pa nila simulan ang kanilang mga gawain.
Sister Frances loves morning prayers. But that time, nadidistract siya dahil sa balitang natanggap niya mula sa kanilang bahay.
Lumalala ang sakit ng kanyang ama at hinihiling ng kanyang ina na siya ay umuwi sandali para sa tignan ang kanyang tatay.
Halos sampung taon na ring hindi umuuwi si Sister Frances. Noong siya ay dalawampung taon gulang pa lang, nagpasya siyang pumasok ng kumbento dahil ito ang gusto niya. Bata pa lamang siya nang pangarapin niyang maging madre gaya ng kapatid ng kanyang lola, ang kanyang lola Honorata.
Nagpaalam na siya sa kanilang madre superyora upang maka uwi sandali ang sinabi na siya ay magbakasyon ng sandali upang makasama niya ang kanyang ama. Pagkatapos ng kanilang dasal, nag agahan sila at sinabihan siya ni Sister Anunciata, ang kanilang madre superyora, na puntahan siya nito sa kanyang silid upang kausapin siya muli tungkol sa kanyang bakasyon..
“Yes, sister, pupunta lamang po ako sa aming silid.” Marahan niyang sinabi sa kanilang madre superyora.
Pagpasok niya sa kanyang silid, pinutahan niya ang harapan ng kanyang salamin. Tinignan niya ang repleksyon mula sa salamin. Maamo ang mukha ni Sister Frances. Katamtaman ang kanyang taas, makinis at maputi ang kanyang kutis na kanya namang namana sa kanyang lola Josepha, ang kanyang lola sa tuhod na isang Half-Spanish. Nakuha din niya ang tangos ng ilong nito.
Sumagi sa isip niya ang kanyang nakaraan. Sumagi sa isip niya, kung hindi kaya ako nag madre, isa na kaya akong nanay sa ngayon? Bumalik sa kanyang alaala ang isang tao na naging bahagi ng kanyang nakaraan.
This is against our vow of chastity, this can’t be. Besides, masaya na sila ni Diana. Inayos na lang niya ang kanyang abito at lumabas na sa kanyang silid.
…
Nasa labas na siya ng pintuan ng kanilang madre superyora. Hanggang ngayon, siya ay kinakabahan pa din kapag nasa labas siya ng silid ni Sister Anunciata. bago pa siya kumatok, hinawakan niya muna ang door knob at nagsabi ng maikling dasal bago siya kumatok. Nakagawian na niyang gawin iyon mula pa lang noong siya ay unang dumating sa kumbento dahil ang kanilang madre superyora noon, si Sister Eugenia, ay napakabagsik.
“You may come in.” Sabi ni Sister Anunciata. Marahan niyang ipinihit ang pinto at tahimik na pumasok sa silid ng madre superyora.
“Good Morning, Sister Frances, please take a seat.” Umupo siya sa wooden chair na nasa harapan ng malaking la mesa ni Sister Anunciata. Noon, pangarap niyang maging isang madre superyora, ngunit sa ngayon, nagdadalawang isip siya kung ano ba talaga ang kanyang gusto.
“Thank you, Sister Ana.” Sagot niya.
BINABASA MO ANG
Sacred Vow
SpiritualHe has a perfect family, a loving wife and beautiful children until a tragic accident took his beloved wife and daughter. Despite the painful incident, his faith in God remained unwavering.. She had a sabbatical and temporarily went out of the conve...