Pagdating nila sa bahay, pinuntahan kaagad ni Elaine ang kanyang ama. Kasama niya si Sam sa kwarto ni Manuel. Hinawakan niya ang kamay ng kanyang ama at pagdilat nito, gumiti ito ng makita siya.
“Sinunod ko ang nasa puso ko itay.” Sabi niya sa ama. Napatingin ang ama niya kay Sam. Lumapit si Sam kay Manuel at magmano.
“Magandang tanghali po, Mang Manuel.”
“Kaawaan ka ng Diyos, ano nga ang pangalan mo?”
“Samuel po.” Sagot niya.
“Nanliligaw ka ba sa anak ko?” Seryosong tanong ni Manuel.
“Ah, eh---”
“Tay, hindi. Magkaibigan lang po kami.” Sagot ni Elaine.
“May nobya ka ba, o asawa? Hindi ka ba nagagandahan sa anak ko?” Seryosong tanong ni Manuel.
“Tay naman... Sam, pasensya ka na. Tay, gutom ka na ba? Gusto mo na ba kumain?” Ngumiti lang si Manuel. Tuwang tuwa siyang binibiro ang kanyang anak. Alam niyang mukhang naging masaya ito sa naging desisyon niya.
“Papakainin na kita tay.”
“Huwag na. Ang nanay mo na lang. Huwag mong pagintayin ang nobyo mo.”
“Tay!”
“Biro lang. Ang nanay mo na lang ang magpapakain sa akin. Asikasuhin mo muna ang ang manliligaw mo.”
“Hindi po siya nanliligaw.”
“Ayun naman utoy, nagpaparinig na sa iyo eh.” Sabi ng ama kay Sam. Ngumingiti lang si Sam. Nilakasan na niya ang loob niyang tanungin si Mang Manuel kung pwede ba siyang umakyat ng ligaw sa anak.
“Mang Manuel, kung mamarapatin niyo po, maari po ba akong manligaw sa anak niyo.” Sobrang nahihiya si Elaine sa ginagawa ng ama. Hindi rin siya sa mga ganitong bagay dahil sa totoo lang, ngayon palang siya magkakaroon ng manliligaw.
“Aba, pwedeng pwede. Huwag ka lang magkakamaling saktan ang anak ko, kundi mata mo lang ang walang pasa.” Sabi ni Manuel. Lalo naman nahiya si Elaine at gusto na niyang maglaho ng mga oras na yun sa kahihiyan niya.
“Tay naman eh. Sige na tay, tatawagin ko na ang nanay. Mukhang gutom na gutom na kayo.”
Pumunta na sila sa bahay nina Sam para surpresahin si Zeno. Nakita nila ito na naglalaro sa sala pagkakita niya sa kanyang daddy nakita niyang kasama nito ang kanyang Sister Ninang.
“Sister Ninang!” Sigaw niya sabay takbo papalapit kay Elaine. Niyakap niya ng mahigpit si Elaine at dama niya ang lubos na kasiyahan ni Zeno.
“Tita Elaine na lang or ninang. Hindi na ako sister, Zen. Kumusta? Sorry nga pala at hindi na ako nakapagpaalam sa’yo. Sabi ng daddy mo, hindi ka na daw umaattend ng bible study sa simbahan. Dapat lagi kang aattend nun.”
“Opo. Bakit hindi ka na sister? Hindi ka na babalik doon?”
“Hindi na.”
“Dito ka na forever and ever? Hindi mo na ako iiwan?” Tanong sa kanya.
“Hindi na. Dito na ako palagi.”
“Yehey! Wait lang, Sister ay ninang, I have something for you.” Pumunta siya sa daddy niya at bumulong. Medyo malakas ang pagkakabulong niya kaya narinig din ito ni Elaine.
“Daddy, napadala mo ba ang letter ko? Huwag mo na ipadala, ako na lang ang magbibigay sa kanya.” Narinig din ni Elaine ang sinabi ni Zeno. Nagkatinginan silang dalawa ni Sam.
BINABASA MO ANG
Sacred Vow
SpiritualHe has a perfect family, a loving wife and beautiful children until a tragic accident took his beloved wife and daughter. Despite the painful incident, his faith in God remained unwavering.. She had a sabbatical and temporarily went out of the conve...