Pag-uwi ni Sam galing sa pag-aayos ng libing ng kanyang mag-ina, naisipan niyang magpunta sa park na lagi nilang pinupuntahan ng kanyang pamilya kapag nais nilang mag-picnic, bumalik na naman ang sakit na kanyang nararamdam dala ng kanyang pangungulila sa kanila. Paborito nilang puntahan ang maliit na tulay na malapit sa pond sa gitna ng park. Naalala niyang doon sinabi ni Diana na ipinagbubuntis niya si Veeda. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at wala siyang ibang makita kundi ang kanilang mga mukha. Umalis na lamang siya at umaasang mapapawi ang kanyang kalungkutan.
Ganun pa man, alam niyang hindi ito ibibigay ng Diyos sa kanya kung hindi niya ito kaya, pero sadyang mahirap tanggapin ang mga pangyayari. Minsan sinisisi niya ang kanyang sarili, kung andoon lamang siya, napiligilan sana niya si Diana na gamitin ang sasakyan.
Pero alam niyang aksidente ang nangyari at wala siya dapat sisihin.
Matapos niyang tumigil sandali sa park, umuwi na rin siya at nadatnan ang kanyang mga magulang pati na rin ang kanyang mga kapatid sa kanilang veranda. Nakita niyang kumakain ng kakanin si Zeno at katabi nito ang kanyang ina. Nakita niyang maluha luha ang kanyang ina. Nilapitan naman nito ng kanyang ama sabay hawak sa kamay ng kanyang ina. Sa loob loob niya, eto ang gusto niyang maging sila ni Diana balang araw. Ang maging magkasama hanggang sila ay tumanda at pumuti ang kanilang buhok. Pero hindi na mangyayari ang kanyang iniisip.
“Mama..” Nasambit niya sa ina samantalang napatakip ang kanyang ina sa kanyang bibig at makikitang nangiginig na ang mga ito dahil damang dama din niya ang paghihirap ng kalooban ng kanyang anak. Niyakap niya ang anak hinagod ang likod nito. Bilang isang ina, wala siyang magawa para maibsan ang sakit na nararamdaman ng kanyang anak. Hinayaan lang niyang umiyak ang kanyang anak.
Pagkatapos yakapin ang ina, tsaka naman niya niyakap ang ama. Ang pagpapakita ng kanyang mga magulang ng pagpapamahal sa kanya ang siyang umiibsan ng hapdi na kanyang nararamdaman dahil sa trahedyang nangyari.
“Anak, may plano ang Diyos kaya nangyari ang ganito. Hindi man natin ito maintindihan, pero nakatitiyak akong malalagpasan mo ito at magandang ang kanyang plano. Huwag ka lang bibitaw sa kanya. Mahal tayo ng Diyos anak.” Sabi ng kanyang ama sa kanya at niyakap lang niya ito ng mahigpit.
“Pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang kunin si Diana at Veeda. Bakit sila pa? Wala na sila, papa, kinuha na Niya sila sa akin.” Tumatangis na sabi niya sa ama.
“Alam ko, anak, alam ko. Minsan kay hirap intindihin ng mga bagay na nangyayari sa atin, pero huwag kang panghinaan ng loob, bagkus, manalig ka lang sa Kanya.” Isa sa mga hinahangaan niya sa kanyang ama ang matibay na pananalig nito sa Diyos.
“Anak, kapag tayo ay nagtatanong sa Diyos kung bakit nangyayari ang bagay na hindi natin maintindihan, nagpapakita lang yun na humihina ang ating pananampalataya sa kanya. Sa halip na tayo ay magtanong, mas pagigtingin natin ang ating pananalagin at pagtitiwala sa kanya. Kahit anong mangyari, hinding hindi tayo iiwan ng Diyos.”
“Alam ko, papa, alam ko.” Sabi niya sa ama habang yakap yakap ito. Hinahayaan lang ni Marcelino na umiyak ang kanyang anak. Para sa kanya hindi isang kahinaan sa isang lalaki ang umiyak, normal lang sa isang tao na ipahayag niya ang kanyang emosyon. Siya man din ay lubos na nasaktan sa mga nangyari dahil nawalan siya ng mabait na manugang at ng isang apo.
“Sana hinayaan mo na si Fred ang mag-ayos ng libing ng mag-ina mo. Hindi na sana ikaw.”
“Hindi pa, alam kong gusto rin naman ni Diana ang ganun. Sabi mo nga kailangan kong kayanin ang pagsubok na ito. Gusto ko mang bumigay, hindi maari dahil kay Zeno.”
“Anak, andito lang kami ng mga kapatid mo.” Sabi ng kanyang ina sa kanya. Nilapitan naman siya ng kanyang biyenan at ng kanyang hipag, si Marina. Niyakap siya ng kanyang biyenan at hinawakan siya sa balikat ni Marina.
BINABASA MO ANG
Sacred Vow
SpiritualHe has a perfect family, a loving wife and beautiful children until a tragic accident took his beloved wife and daughter. Despite the painful incident, his faith in God remained unwavering.. She had a sabbatical and temporarily went out of the conve...