Maaga siyang nagising dahil naramdaman niyang may tao sa kwarto. Pagdilat niya, nakita niya si Clary na nag-aayos ng kanilang labada. She is wearing make up at nakaayos pero hindi ito makatingin sa kanya ng diretso.
Mula noong mamatay si Diana, si Clary na ang nagpresintang maglaba at mamalantsa ng kanilang damit mag-ama. Sobra na ang kanyang pagkahiya kay Clary at ayaw niyang lumabas na inaabuso niya ang kabaitan nito sa kanilang mag-ama dahil alam niyang may gusto ito sa kanya.
Pero wala siyang romantic interest dito, o hindi siya sigurado...
“Sorry, nagising ata kita. Gigisingin ko lang si Zeno at magluluto ng agahan.” Sabi sa kanya ni Clary.
“O-Okay.” Gusto sana niyang sabihin na huwag na, na niyang abalahin pa ang sarili sa pagpunta sa bahay nilang mag-ama at asikasuhin pa sila dahil mayroon naman silang kasambahay. Pero bumaba na ito at siya naman ay nagligpit ng kanyang higaan at bumaba na rin para sa agahan.
Pagpunta niya ng komedor, nakahanda na ang la mesa, nagluto siya ng sinangag, tuyo, pritong tinapa, itlog at melon para sa kanya. Ang kay Zeno naman ay pritong itlog, spam at melon.. Mayroon ding mainit na kape at tsokolate para sa kanilang mag-ama. Nagulat din siya dahil pati ang mga iniinom niyang vitamins at ang kanyang dyaryo ay nasa la mesa na din.
Mula noong mamatay si Diana, siya na ang naghahanda ng kanilang agahan at gabihan, minsan nagrereklamo na si Manang Flora dahil wala na siyang ginagawa sa bahay. Nagiguilty siya dahil hinahayaan lang niyang gawin yun ni Clary.
Pagpasok ni Zeno, umupo na ito sa la mesa katabi niya sa kanyang kanan at si Clary naman ay umupo sa kaliwa.
“Sandali lang Zeno, magdadasal muna tayo. Manang, samahan mo na kami kumain.” Sabi ni Clary kay Manang Flora.
“Naku, mamaya na po ako, ma’am.” Sabi ni Manang Flora kay Clary.
“Uhm, Clary? Thank you as always. Kailangan pala kita makausap mamaya.”
“Tungkol saan?” Tanong ni Clary.
“Mamaya na lang. Kain na tayo, lalamig ang pagkain.” Alam ni Clary na hindi komportable si Sam sa kanyang ginagawa, pero anong magagawa niya, mahal niya si Zeno at si Diana, at mahal na mahal din niya si Sam.
…
“Ang sarap mo talaga magluto. Can you come with me sa veranda?”
“Okay, sandali sasabihin ko lang Zeno na papaliguan ko siya pagkatapos natin mag-usap.”
“Hindi na. Si Manang na ang bahala doon. Manang, pakiasikaso si Zeno.” Utos niya kay Manang.
“Opo, sir.” Napatingin lang si Clary sa sahig dahil alam na niya ang sasabihin ni Sam.
“After you, Clary.”
…
Pagdating sa veranda, hindi pa din makatingin ng diretso si Clary kay Sam.
“You look nice today, Clary.” Sabi ni Sam.
“Diretsuhin mo ako, Sam. Bakit mo ako gustong makausap?”
“Nahihiya na kasi ako sa ginagawa mo para sa amin ni Zeno. Ikaw na ang nagluluto, minsan ang naglalaba para sa amin lalo na kapag off ni Manang. Nahihiya na ako.
“O-Okay, gusto mo bang tigilan ko na ang pagpunta dito? May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan, Sam? Ayaw mo ba ng luto ko?” Nanginginig na sabi ni Clary. Naiiyak siya dahil ito na nga ang inaasahan niya.
BINABASA MO ANG
Sacred Vow
SpiritualHe has a perfect family, a loving wife and beautiful children until a tragic accident took his beloved wife and daughter. Despite the painful incident, his faith in God remained unwavering.. She had a sabbatical and temporarily went out of the conve...