Naging regular ang kanilang pagdadate. Ipinaalam na rin ni Sam sa kanyang ninang ang panliligaw niya kay Ellaine. Masaya din ang pamilya ni Sam nang maging opisyal na ang kanyang panliligaw. May 7 buwan na rin ang nakakaraan ng mamatay si Diana at tingin ng lahat at tama lang para kay Sam ang umibig muli. Masaya ang lahat dahil sa namumuong magandang pagtitinginan ng dalawa...
Maliban kay Clarisse.
Nabalitaan niya ang paglabas ni Ellaine mula sa kumbento. Inasahan na niyang igigive up niya ang pagmamadre dahil na rin kay Sam. Alam niya na kahit dati may lihim itong pagtingin kay Sam at ganun din si Sam sa kanya. Hindi nga siya nagkamali. Hindi niya itinuloy ang pagmamadre at ngayon ay nabalitaan niyang nililigawan ito ni Sam.
Inaasahan naman niyang mangyayari yun. She could not stand a chance with Ellaine. Maganda ito at mas mahaba ang pinagsamahan nila ni Sam. Pero hindi pa din maiaalis sa kanya ang masaktan sa kanyang nalaman.
***
May dalawang buwan nang nililigawan ni Sam si Ellaine pero hindi nito minamadali na sagutin na siya nito kaagad. Alam niyang naninibago pa ito sa mga nangyayari sa buhay niya at iniintindi na lang niya ito.
Minsan nahihirapan pa din itong tanggapin ang mga binibigay niya. Minsan nagtatalo pa sila dahil ibinabalik nito ang kanyang mga binibigay gaya nang pagbili niya dito ng sapatos. Nalaman niyang 2 pares lang ng sapatos meron ito at talagang ayaw nitong tanggapin ang binibigay niyang sapatos.
“Bakit ba ayaw mong tanggapin?” Tanong niya habang nasa tindahan sila ng sapatos.
“May sapatos pa kasi ako.”
“Eh ano? Idagdag mo na lang ito.”
“Aanhin ko ang additional na sapatos eh dalawa lang naman ang mga paa ko.” Sabi nito sa kanya.
“Ellaine, this is a gift. Please kunin mo na.” Nagmamakaawang sabi niya. Dahil sa nakulitan na ito sa kanya, napilitan na din itong kunin ito.
“Let’s see if they fit you.” Sabi ni Sam. Ipinaupo niya ito sa upuan, kinuha niya ang kanang paa ni Ellaine at isinuot dito ang sapatos. At medyo natatawa lang si Ellaine.
“Bakit?” Tanong niya.
“Feeling ko kasi ako si Cinderella.”
“Mas maganda ka pa kay Cinderella.”
“Eto na naman tayo. Tara na susunduin pa natin si Zeno.” Umalis na sila sa shoe shop at nagyaya si Ellaine sa tindahan ng donuts. Bumili ito ng dalawang donuts at binigay kay Sam.
“Okay lang ako, busog pa ako.” Napapangiti si Ellaine dahil hindi nito mahulaan ang kanyang gustong sabihin.
“Ayaw mo? Sigurado ka?”
“Ayaw ko nga.” Sabi ni Sam. Kinuha ni Ellaine ang dalawang donuts at ipinakita niya ito kay Sam na tila nagsasabi ng ‘OO’.
“Sam, anong letra ito?”
“O.” Nagtataka pa din si Sam sa ginagawa ni Ellaine.
“Tignan mo ulit. O at O.” Sabi ni Ellaine.
“Ha?”
“Ay naku Sam. O, O. Ano nagets mo na?”
“Ha?”
“Ay naku, neh, ang hina mo naman makagets.”
“Ano kamo?” Tanong ni Sam.
“Ang sabi ko neh---” Sa sobrang tuwa ni Sam, napayakap siya kay Ellaine. Nahihiya naman si Ellaine dahil pinagtitinginan sila ng mga tao.
BINABASA MO ANG
Sacred Vow
SpiritualHe has a perfect family, a loving wife and beautiful children until a tragic accident took his beloved wife and daughter. Despite the painful incident, his faith in God remained unwavering.. She had a sabbatical and temporarily went out of the conve...