Pagkagaling sa bahay, pumunta na agad siya sa bahay nina Sam. Nakita niyang ang dami nilang hinanda para sa birthday ni Diana. Pinagmamalaki ni Sam ang nilutong pansit ni Clarisse.
“Si Clarisse ang nagluto ng masarap na pansit na ito.” Sabi sa kanya ni Sam.
“Ah talaga? Sige kukuha ako.”
“Sige, kukuhanan na kita.”
“Sige.” Sabi niya. Matapos niyang kumain, pumunta muna siya sa hardin at namangha sa ganda ng garden. Pumunta muna siya sa may grotto at nag-alay ng maikling dasal sa mahal na Ina.
“Andito ka pala.” Nagulat siya nang marinig niya ang boses ni Sam doon. Bumilis na naman ang pintig ng kanyang puso.
“H-Hi.” Natataranta siya at hindi niya malaman ang gagawin niya. Gusto niyang umalis at layuan siya.
“Parang hindi ka ata masyadong kumain. Nabusog ka ba?”
“Oo. Ang sarap ng mga handa, lalo na ng pansit. Ang galing magluto ni Clarisse. Parang kasing galing niya si Diana magluto at mabait pa.” Nararamdaman niya kung saan ang tinutumbok ni Elaine.
“Oo, halos pareho sila ni Diana. Tingin ko nga minsan ginagaya niya at gusto niyang pumalit sa lugar ni Diana. Kaya minsan nakakaramdam ako ng inis sa kanya kasi palagi siyang nasa bahay at inaasikaso lahat ng kinakailangan namin. Ewan ko. Hindi pa siguro ako handa na magmove on at kalimutan ang lahat lahat tungkol kay Diana. Hindi ko alam kung darating pa yun.” Sabi ni Sam sa kanya. Kahit 6 na buwan na ang nakakaraan, bakas pa din sa mukha ni Sam ang pangungulila.
“Sometimes, healing takes time. Pero alam mo ang choice natin na magmove on ay nasasa atin. Alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo at hindi madali ang makalimot kapag nawala ang mahal mo sa buhay, pero wala tayong magagawa. Ang kalungkutan na nadadama natin ay normal. Darating din ang panahon na makakamove on ka. Ako man din, nahihirapan, pero nagdadasal na lang ako na sana biyayaan ako ng may kapal na mag move on sa mga nangyayari. Just keep the faith.”
“Alam mo, sa iba talaga kapag nakakausap kita. I feel light afterwards. You are indeed a blessing to us, Zeno and I.” Hinawakan ni Sam ang kamay ni Elaine at bigla nitong hinila ang kanyang kamay at parang biglang nataranta. Biglang nagtaka siya sa ginawa ng kanyang kaibigan.
“Elaine, are you all right? Bakit?” Hindi na ito tumitingin sa kanya.
“Oo. I-I think kailangan ko na umuwi. Aasikasuhin ko pa si tatay. Salamat, Mr. Monteverde.” Nauutal na sabi niya.
“Elai---”
“I need to go now. Pakisabi na lang kay Zeno na umalis na ako ha.” Nagmamadaling umalis ang kaibigan at hindi malaman ni Sam kung may nagawa ba siyang masama. Mabilis na lumakad palayo sa kanya ang kaibigan. Umiling lamang siya dahil hindi pa din niya naintindihan ang nangyari.
***
She was doing her best to avoid him, but she couldn’t. It is too hard. She just looked at herself in the mirror and stared at herself. Could she be falling again for him?
Pero hindi pwede, she is committed to her vocation. She is married to Jesus.
Iniiisip niya ang mga paglabag na nagawa niya, alam niyang mali ang mga yun sa mata ng kanilang congregasyon, pero mali ba ang kanyang ginagawa? She is just being helpful to Zeno, and being a friend and confidante to Sam, that is it.
Ang tanging magiging mali lang ay ang pagkahulong ng loob niya muli kay Sam.
I needed to go back to the convent. Halos 6 na buwan na noong lumabas siya ng kumbento, yun siguro ang dahilan kung bakit nag-iiba ang preference niya.
BINABASA MO ANG
Sacred Vow
SpiritualHe has a perfect family, a loving wife and beautiful children until a tragic accident took his beloved wife and daughter. Despite the painful incident, his faith in God remained unwavering.. She had a sabbatical and temporarily went out of the conve...