Chapter 3

3.4K 65 16
                                    

When she woke up, she still wondered what her dream meant.

Naging matalik niyang kaibigan si Diana noong nasa grade school pa lamang sila.  Grade 6 to be exact.  Mula noong lagi na silang magkasama hanggang mag kolehiyo na sila.  Si Diana din ang unang nakaalam na binabalak ni Elaine na siya ay maging madre balang araw.

Noong nasa kolehiyo sila, nakilala naman nila si Samuel.

Unang nagkita sina Samuel at Elaine sa library.  Noong mga panahong iyon, may ginagawang research paper si Elaine at katabi niyang nagreresearch si Sam.  From then on, lagi nang nagkikita sina Elaine at Sam sa library tuwing gagawa si Elaine ng kanyang homework doon.  Unti-unting napalapit ang loob nina Elaine kay Sam, pero ayaw niyang ipagtapat ang nararamdaman nito sa kanya, hanggang sa nagkakilala na rin sina Diana at Sam.

Lubos siyang nasaktan noong nalaman niyang naging magkatipan ang kanyang minamahal at ang kanyang matalik na kaibigan.

Hindi niya ito sinabi kay Diana at hindi niya rin inamin ang totoo kay Diana na mahal din niya ang nobyo nito.

Pero natutunan na din niyang tanggapin ang mga nangyari at hindi din naglaon, pumasok na siya ng kumbento para maisakatuparan na rin niya ang kanyang pangarap na maging madre tulad ng kapatid ng kanyang lola, si Lola Editha.

She just put all those memories behind and decided to visit Diana and her god child, Zeno that week.

Paglabas niya, pupunta sana siya ng kumedor pero nakita niya ang ina na may kausap sa telepono.  Seryoso ang mukha nito at nakahawak ito sa kanyang bibig.

"Dumating si Sister Frances noong isang araw pa.  Pupunta kami sa bahay nina Samuel.  Sana'y bumuti ang lagay ng mag-ama.  Salamat Grace."  Sabi ng kanyang ina sa kaibigan nito, ang ina ni Diana.

Naalala niya ang kanyang panaginip, andoon si Diana.  Kinabahan siya bigla.  Sana'y mali ang kanyang iniisip.

"Nay, bakit daw po?"  Tanong niya sa ina na napasalampak sa kanilang sofa.

"S-Si Diana...at.... Veeda, naaksidente at binawian ng b-buhay kahapon."  Nagulantang siya sa sinabi ng ina.

Susmariosep!  Paano?!


"Nawalan daw ng preno ang kanilang sasakyan.  Bumangga sila sa malaking poste ng meralco malapit sa rotonda sa kanila."  Dadag pa ng ina.

Bakit si Diana pa?  Naisip niya.  Papaano na si Zeno? At...si Sam?

Alam niyang mali pero gusto niyang tanungin ang Diyos kung bakit kaagad niya si Diana, kaedaran niya lang ito at mahal na mahal ito ni Samuel.  Paano na lamang si Sam.

At si Veeda.  Masyado pa itong bata.  Matalino at magaling ito base na rin sa mga sinasabi ni Diana kapag pinapadalan siya nito ng liham.  Naluha na rin siya nang mahimasmasan.

"Nay, pupunta lamang ako ng simbahan.  Masyado akong nagulat sa mga balita.  Kailangan ko magdasal nay, para sa kanila, kay Diana at Veeda.  Tsaka na lang tayo tumungo sa bahay nina S---Mr. Monteverde.”  Napagdesisyunan niyang maging pormal ang pakikitungo kay Sam dahil na din sa kanyang sinumpaang tungkulin biglang madre.

***

She went to the church, and said a prayer for the souls of Diana and Veeda.  Hindi pa din maalis sa isip niya si Zeno.  Ang bata pa nito para mawalan ng ina at si Sam.  Papaano na lamang siya?  Dapat tatagan niya ang loob niya sa mga ganitong pangyayari.

Sino na lamang ang magcocomfort sa kanila sa mga panahong iyon.  As much as she wanted to but that is against the vow she had taken.  She only took a vacation, she is still a nun.

Sacred VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon