Chapter 7

2.5K 39 12
                                    

Isang buwan na ang nakakaraan noong ilibing nila ang kanyang mag-ina.



Noong una, hindi pa niya tanggap na talagang wala na sila.  Minsan iniisip niyang panaginip lang ang lahat ng ito at gusto na niyang magising sa bangungot na ito, pero noong makita niyang tinatabunan na ng lupa ang kanilang mga kabaong saka na niya natanggap ang katotohanan na wala na ang kanyang mag-ina.



Napapansin din niya minsan na in denial pa din si Zeno na wala na ang kanyang ina.  Minsan hindi ito nagsasalita at minsan nakatingin lang sa kawalan.  Buti na lang at pumapasok ito sa eskwela at umattend ng bible study sa simbahan kaya medyo nasisiyahan siya.  Laging sinasabi ni Zeno na masaya siya sa bible study dahil andoon ang kanyang Sister Ninang.



Grateful siya kay Elaine at sa nanay nito dahil bukod sa kanilang pamilya, nakasuporta din sila sa kanilang mag-ama.  Masayang masaya siya sa mga pagkukwentuhan nila ni Elaine.  Sa kanya niya nasasabi ang lahat ng kanyang hinanaing at lagi itong nagbibigay ng magagandang mga payo sa kanya.  Lagi nitong sinasabi na magdasal siya at huwag bumitaw sa Diyos.



“If we are weak, God will give us strength, and if we are strong, God will make us better.  Habang andyan ang Diyos, wala tayong dapat ipag-alala.  Iwan man tayo ng mga mahal natin sa buhay, hinding hindi tayo iiwan ng Diyos.” Sinabi ni Elaine sa kanya noong araw ng libing ni Diana.



“Salamat, Elaine.”  Gusto sana niyang yakapin si Elaine, pero nagdadalawang isip siya kung gagawin niya iyon dahil na rin sa bokasyon nito.



Bago siya pumasok sa trabaho hinahatid muna niya si Zeno at dadaan muna sa simbahan upang magdasal.  Ipinagdadasal niya ang kanilang kalakasan, siya at si Zeno.  Kahit noon pa, noong estudyante pa lamang siya sa elementarya, nakagawian na niya ang dumaan sa simbahan para magdasal.  Pagkatapos magdasal, magsisindi siya ng kandila at doon niya nakita si Elaine.



“Elaine?” Ngumiti ito paglingon sa kanya.



“Sam, kumusta?”



“Okay naman.  Ikaw?  Kumusta ang bible classes sa simbahan?”



“Okay naman.  Nag-eenjoy ako sa pagtuturo.  Ewan ko ba, kung hindi lang ako naging madre malamang naging teacher ako.



“Bagay naman sa’yo maging teacher eh.  Si Zeno nga masayang masaya kapag linggo kasi makikita ka daw niya.”



“Ang sweet ni Zeno at natutuwa ako sa kanya.”



“Alam mo, naawa ako sa kanya.  Ang hirap mawalan ng isang ina.  Hirap na hirap siya at minsan sa pagtulog hinahanap niya ang kanyang mommy.”  Napatingin lang si Sam sa kawalan at bumuntong hinanga.



“Alam mo, Elaine, swerte ka, hindi ka kinasal.”



Sacred VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon