Chapter 8

2.5K 43 7
                                    

Every day, pinupuntahan sila ni Clary sa bahay.  Siya ang minsan nagluluto para sa kanila at ang nag-aasikaso sa mga kinakailangan ni Zeno, lalo na sa school.

She is trying her best to be a mother to Zen.  She could be a perfect mother if she would be given a chance.  Maalaga siya, mabait sa mga bata at mapagpasensya pa.

Pero may mga oras na hindi siya komportable kapag nasa bahay siya.  Pinipilit niyang kopyahin ang mga dating ginagawa ni Diana sa kanilang bahay.  Ang pagluluto ng pancake kapag sabado at ang paborito niyang timpla ng adobo, gaya din ni Clary.  Minsan napapansin niya na tila ginagaya ni Clary si Diana.

***

She needed to wake up early today dahil na rin sa madaming pinapaasikaso ang kanyang ina sa kanya.  Siya na ang naiwan sa bahay para alagaan ang ang mga magulang nila dahil ang mga kapatid niya na mas bata sa kanya ay nagsipag-asawa nang lahat.

Lima silang magkakapatid at siya ang panganay.  Siya ang ginawang tagapag alaga ng kanyang ina sa kanyang mga kapatid.  Siya ang nagpalaki sa kanila at hinayaan niya din na sila muna ang mag-aral bago siya.  Kaya ang kanyang mga kapatid ay nakatapos na, maliban siya.

Natapos lamang siya ng high school at hindi na nakapag kolehiyo dahil sa pagpapauna sa mga kapatid.  Mahirap lamang sila, ang kanyang ama ay empleyado sa pabrika at ang kanyang ina naman ay housewife.

“Paunahin muna natin si Cecille.  Ikaw, saka na lang muna, tutal hindi naman ganun kaganda ang mga grado mo.  Tulungan mo na lang muna ako sa bahay.”  Sabi ng kanyang ina.  Hindi muna siya sumagot dahil nasaktan siya sa sinabi ng ina.  Gustong-gusto niya mag-aral at balak sana niya maging guro.  Gusto niyang maiyak ng mga panahong iyon.

“Clarisse?  Naiintindihan mo ba ako?  Hindi natin kayang tustusan pati na rin ang pag-aaral mo dahil mahal ang kolehiyo.  Isa pa, papaano kung bumagsak ka?  Sayang lang, kaya kapatid mo na lang muna, naiintindihan mo ba?”  Firm na sabi ng kanyang ina.

“Opo, mama.”  Sagot niya sa ina.  Hindi man siya pumayag, wala na siyang magagawa.  Kaya’t kinalaimutan na lang niya ang kanyang mga pangarap.  Nanatili na lamang siya sa bahay at kinalimutan na rin ang kanyang sarili.  Hindi na niya nagawang mag- ayos pa ang ibinaling ang kanyang depresyon sa pagkain kaya siya naging mataba.  Walang naglalakas ng loob na lumigaw sa kanya dahil hindi rin siya masyadong naglalalabas at kung lalabas man siya, dahil yoon sa mga iniuutos ng kanyang ina.

Sinubukan niya din ang maghanap ng trabaho ngunit walang gustong tumanggap sa kanya sa opisina dahil high school lamang ang natapos niya at hindi niya rin maiwan ang ina na nag-iisa sa bahay.

Sobrang mahal niya ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang ina, dahil nag-iisa na rin ito, siya na lamang ang naging katuwang nito sa bahay.  Siya ang nagmamanage ng perang nakukuha nila mula sa pensyon ng ama at sa mga inaabot ng mga kapatid.  Naging kampante na rin siya sa ganitong buhay kaya hindi na rin siya nagsumikap lang magtrabaho at iwan ang kanilang ina.

Pero minsan inaatake siya ng kalungkutan lalo na noong mag-asawa na ang kanyang mga kapatid at siya na lamang ang naiwang dalaga.  Inaasahan ng kanyang mga kapatid na dahil siya ang dalaga, siya na ang maiiwan para alagaan ang kanyang mga magulang.

Isa sa mga matalik niyang kaibigan ay si Diana.  Siya lamang ang nakakaalam ng kanyang pangarap ang kanyang mga sikreto, maliban sa isa.

Hindi alam ni Diana na may pagtingin siya kay Sam.

Ang totoo mas nauna niyang makilala si Sam kaysa kay Diana.  Sakristan ito sa simbahan samantalang siya naman ay miyembro ng isang choir.  Pareho silang active sa simbahan noon at doon na nabuo ang espesyal niyang nararamdaman kay Sam.  Akala niya, ganun din ang nararamdaman ni Sam sa kanya, ngunit nagulat na lamang siya nang malaman niyang magkakilala pala sila ni Diana at naging magkasintahan ito na nauwi sa pagpapakasal.

Sacred VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon