Tuwang tuwa si Zeno nang malaman niya na magpapakasal na ang kanyang daddy at ang kanyang ninang.
“Yehey, mayroon na ulit akong mommy!” Nagtatalon si Zeno sa tuwa.
“Dito na siya uuwi bukas daddy?” Tanong ulit ni Zeno.
“Hindi pa. Magpapakasal muna kami at pupunta pa tayo sa kanila para mamanhikan.” Kumunot lang ang noo ni Zeno nang marinig ito.
“Ano ang mahikan?” Tanong niya.
“Pamamanhikan, ibig sabihin pupunta tayo sa kanila para ipaalam sa nanay at tatay niya na magpapakasal na kami.”
“Bakit daddy? Bakit kailangan pa magpaalam? Paano kapag hindi pumayag ang mommy niya?” Tanong muli ni Zeno.
“Papayag yun.”
“Talaga daddy?”
“Oo.”
“Yehey! May mommy at daddy na rin ako! Isa na ulit tayong pomily.” Sabi ni Zeno.
“Zeno, family.”
“Oo nga, pomily.” Napangiti lang si Sam dahil nakita niyang masayang masaya ang kanyang anak.
----
Matapos ang pamamanhikan, ipinaalam na rin nila kay Father Carlos ang kanilang engagement. Hindi na ito nagulat sa kanilang ibinalita at ngumiti lang ito sa kanila.
“Hindi ako nagkamali. Sabi ko na nga ba at sa simbahan din ang bagsak niyong dalawa.” Sabi ng pari. Nagkatinginan lang ang dalawa at pareho silang napatingin sa pari.
---
Naging masaya ang lahat nang malaman ang kanilang napipintong pagpapakasal, kasama na rin doon ang mga magulang ni Diana. Suportado nila ang pagmamahalan ng dalawa maliban kay Clary. Nagulat na lang sila Sam at Ellaine na umalis si Clarisse papuntang Singapore. Sabi ni Teresa, pumasok doon si Clarisse bilang domestic helper.
Napagkasunduan ng dalawa na italaga ang kanilang kasal pagkatapos ng anibersaryo ng kamatayan ni Diana bilang alaala na rin sa kanya. Simple lang ang kanilang pinlanong kasal dahil ayaw ni Ellaine.
“Minsan lang tayo ikakasal, neh.”
“Oo nga, pero habang buhay naman tayong magkasama. Ayoko ng grandiyosong kasal.” Hindi na nagpumilit si Sam sa kagustuhan ng kanyang asawa.
BINABASA MO ANG
Sacred Vow
SpiritualHe has a perfect family, a loving wife and beautiful children until a tragic accident took his beloved wife and daughter. Despite the painful incident, his faith in God remained unwavering.. She had a sabbatical and temporarily went out of the conve...