Chapter 2

3.8K 73 12
                                    

Bumaba ang dalawang truck drivers mula sa kanilang sasakyan upang puntahan ang isang nabanggang kotse sa may poste.



“Dre, tignan mo nga ang nasa loob, buhay pa kaya siya?”  Tanong ni Max na isang pahinante ng steel company na pinagtatrabahuan nila.



“Dre, yuping yupi eh.  Sandali.”  Sinilip ni Nerix ang mga nasa loob ng kotse.  Nakita niya na dalawa ang sakay ng kotse.  Isang batang babae at isang babae na mukhang 30 anyos na .



“Ano gumagalaw pa ba siya?”  Tanong ni Max.



“Dre, sila, mukhang hindi na, dre.  Ireport na natin ito sa mga pulis.  Tingin ko, nawalan ng preno ang sasakyan nila.  Pinilit kong umiwas, siya rin naman, nakita mo di ba?   Dre, may bata sa loob, nakakaawa naman ang pamilya nila.”  Sabi ni Nerix.



“Isusumbong natin sa pulis?  Baka tayo ang pagbintangan dyan, dre!”  Sabi ni Max.



“Hindi.  Dali humingi ka na ng tulong!”  Sabi ni Nerix sa kasama.





Nasa simbahan siya at katatapos lang ng misa.  Nagsisindi siya ng kandila nang makita niya ang taong hindi niya makakalimutan.



You can’t say hi, it is against the rule!  Madre ka pa din.  You are still Sister Frances!



Nagdecide siyang umalis na lang tutal hindi naman siya mamumukaan ni Sam dahil hindi matagal na nang huli silang magkita.  It has been more than 10 years.  Nagbago na ang lahat.  Hindi na mahaba ang kanyang buhok at medyo nagka-edad na rin ang kanyang mukha. Pero hindi na niya nagawang lumayo pa.



“Miss, excuse me?”  Narinig niyang sabi ni Sam.  Wala siyang nagawa kundi ang lumingon kahit alam niyang bawal.  Sinabi ng kanyang lola, para malayo ka sa kahit anong tukso o sitwasyon alam mong bawal, dapat lumalayo ka na dito.



It will just be quick.  I am just going to say hi...



“Hi Sam.”  Maikling sabi niya kay Samuel.



“Elaine, kumusta?”



“Sister Frances.  Okay naman ako.  Lumabas lang ako sandali dahil kay tatay.  Kumusta na si Diana?  Ang mga bata?”



“Okay naman kami.  Hanggang kailan ka dito?”



“Kapag kampante na ako na okay na si Tatay, tsaka ako babalik ng kumbento.  Sam, mauuna na ako ha.”  Agad siyang nagpaalam kay Sam.  Ganun pa din ang itsura ni Sam, nasabi niya sa sarili niya.  He is still handsome.  Tall, tanned skin, he has this boyish charms na inadmire ni Sister Frances noong nasa high school pa lamang sila.

Sacred VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon