Mula noong magkaroon sila ng outreach program, sinasadya niyang iwasan si Sam. Kapag linggo, hinahatid lang niya si Zeno sa opisina ni Father Carlos para doon daanan ni Sam pauwi. Umiiwas siyang makausap si Sam lalo na ngayong alam niyang pabalik siya ng kumbento at naguguluhan siya sa kanyang bokasyon.
Napapansin ni Sam na parang hindi niya napagkikita si Elaine. Tinanong niya ang kanyang anak kung si Sister Frances ba ang nag klase sa kanila sa bible study nila, sabi naman ni Zeno ay ‘oo’. Naiisip niya na parang iniiwasan siya ni Elaine, pero bakit? Pero naisip niya na baka marami lang ito inaasikaso sa muli nitong pagbabalik sa kumbento.
Nalungkot siya ng malamang babalik na siya ng kumbento. Alam naman niya na madre na ang kanyang kaibigan, pero masaya siya kapag nakakausap niya ito. Minsan naiisip niya na parang tumindi ang kanyang paghanga kay Elaine.
Hindi pwede yang nararamdaman mong paghanga, madre siya. Kalimutan mo na ang nararamdaman mo sa kanya, at saka andyan naman si Clary...
***
Si Clary, mabait at maganda si Clary. Ang totoo pumapayat na din ito ngayon at mas lalo pa siyang gumaganda. Pero, parang kapatid lang ang tingin niya sa kanya. Pero hindi pa niya natatry na lumabas kasama si Clary. Maybe he should give it a try.
***
Nakahiga na silang mag-ama ang naghahanda na para matulog.
“Daddy? Bakit hindi mommy si Sister Frances?” Nagulat siya sa tanong ng kanyang anak.
“Dahil madre siya. Hindi siya pwede maging mommy.” Sagot niya.
“Bakit hindi siya married?”
“Kasi married na siya. She is married to Jesus.”
“Married kay Jesus? Pwede bang married ka sa isang taong hindi mo nakikita? Mahirap yun di ba, dad?”
“Ay naku, Zeno, matulog na tayo. Ang dami mong tanong.”
“Good night, daddy, love you.”
“Love you din. Good night.” Hinalikan niya sa noo ang anak at natulog.
***
Napanaginipan niya ang kanyang asawa. Muli silang ikakasal. Nasa altar siya ang hinihintay si Diana. Nakaputing traje de boda ito at may hawak na mga puting rosas. Hindi niya makita ang mukha ng kanyang asawa dahil sa belo nito. Noong nasa harap na niya si Diana, itinaas niya ang belo nito pero hindi si Diana ang kanyang nakita...
kundi si Elaine. Biglang napadilat siya. Pagtingin niya sa kanyang orasan, alas-tres pa lang ng madaling araw. Hindi niya malaman ang ibig sabihin ng kanyang panaginip. Alam niyang hindi maari yun dahil madre si Elaine at imposible na rin mangyari ang kanyang panaginip. Alam niyang nakafocus ito sa kanyang bokasyon at hindi niya alam kung pagtingin ito noon sa kanya. Dati pa man, bago pa sila naging magkatipan ni Diana, may gusto na siya kay Elaine, ngunit hindi niya ito magawang aminin sa kanya. Hanggang sa naging sila ni Diana at pumasok na si Elaine sa kumbento. Ngunit ngayon, nararamdaman niyang may pagtingin na ito sa kanya dahil minsan kapag tinititigan niya ito, nahuhuli niyang nagbablush ito. Does ti mean she likes him, too?
Pumunta siya sa kusina at uminom ng tubig. Hindi siya maaring umibig sa isang madre. Pero ano ba ang kanyang gagawin? He is inlove with Sister Frances...
***
Sabado noon at may isang pagsasalo salo sa simbahan, anibersaryo ng ordinasyon ni Fr. Carlos. Nagkaroon ng isang simpleng pagdiriwang. Maraming mga parokyano ang dumalo sa nasabing salo-salo. Andoon si Sam kasama ang kanyang anak na si Zeno at ang kanyang mga magulang. Nandoon din si Clary, kasama ang kanyang tiyahin at ang kanyang ina at nakita din niya doon si Elaine na kasama ang kanyang ninang. Paglapit niya dito, biglang lumayo si Elaine sa kanilang ina at pumunta sa ina ni Diana.
BINABASA MO ANG
Sacred Vow
SpiritualHe has a perfect family, a loving wife and beautiful children until a tragic accident took his beloved wife and daughter. Despite the painful incident, his faith in God remained unwavering.. She had a sabbatical and temporarily went out of the conve...