Namiss niya ang kumbento. Doon kasi kung gugustuhin niyang magmedidate, magagawa niya dahil tahimik ang lugar at malayo sa gulo ng mundo.
Pero ang kanyang mundo sa ngayon ay ang realidad. Kaya ng umagang yun, naisipan niyang magpunta sa simbahan para magdasal sa Adoration Chapel. Pumunta muna siya sa loob ng simbahan bago sa Adoration Chapel.
Lumuhod muna siya at inilabas ang kanyang rosaryo. Yun ang rosaryong ipinasalubong sa kanya ni Sister Luisa noong magpunta siya sa Roma. Gustong gusto niya ang mabangong amoy ng rosaryong iyon na tila parang bulaklak.
“Sister Frances?” Nakita niya si Father Carlos paglingon niya. Si Father Carlos ang isa sa mga pari na nagmimisa sa Domus Maria Chapel. Siya ang parish priest ng St. Ignatius Church. Siya ay isang Ingles pero matatas ito managalog. May edad na ito. Kung titignan, nasa mahigit 60 na ang gulang nito. Paborito niyang pari ito dahil sa maamo nitong mukha at sa mga ‘words of wisdom’ nito.
“Hi, father. Kumusta po?”
“Mabuti naman. Kumusta ang iyong ama. Ang sabi ni Sister Anunciata, yoon daw ang dahilan ng iyong bakasyon.”
“Opo. Medyo maigi naman po si tatay, pero ayaw na po niya uminom na ng gamot at kung minsan, ayaw na po niya kumain. Dati po, nanalangin po ako na gumaling siya, pero ngayon, ipinapanalangin ko na lang po ang kalakasan namin ng aming ina. Father, may gusto po akong itanong---” Itatanong sana niya ang bagay na bumabagabag sa kanya mula noong nasa kumbento pa lamang siya.
“Sister Frances!” Paglingon niya, hindi siya nagkamali na si Zeno ang tumatawag sa kanya.
“Zeno, kasama mo pala ang iyong ama, k-kumusta po Mr. Monteverde?” Nagulat si Sam sa pagiging pormal ni Elaine sa kanya.
Mababakas sa mukha ni Sam at ni Zeno ang lungkot. Kamukhang kamukha ni Zeno ang kanyang ina. Nakuha nito ang mga mata ni Diana, pero ang kanyang ngiti ay sa kanyang ama. Luboa naman siyang kinabahan nang makita niya si Samuel. Bumilis ang pintig ng puso niya.
“Medyo hindi maayos.” Sagot ni Sam.
“Malungkot ako, Sister Ninang kasi hindi na uuwi si Mommy at Ate Veeda. Andito kami kasi magpapray ako na sana bumalik po sila.” Sabi ni Zeno at umaasa pa din siyang babalik ang kanyang kapatid at ang kanyang ina.
It was a heart wrenching moment for Sister Frances. Gusto niyang yakapin si Zeno at ipadama sa kanya na siya man din ay nalulungkot sa pagkamatay ni Diana. Gusto niyang yakapin ito bilang pangalawang ina nito. Pero dahil sa Holy Rules, hindi niya pwedeng gawin yun kahit pansamantala siyang nasa labas ng kumbento.
“Hayaan mo, ipagpapray ko kayong dalawa ng daddy mo.” Yun lamang ang kanyang nasabi dahil hindi nga pwede sa kanya bilang madre ang maging masyadong malapit sa lay people.
BINABASA MO ANG
Sacred Vow
SpiritualHe has a perfect family, a loving wife and beautiful children until a tragic accident took his beloved wife and daughter. Despite the painful incident, his faith in God remained unwavering.. She had a sabbatical and temporarily went out of the conve...